Epilogue

158 4 2
                                    

* 3 MONTHS LATER *

"Pakisabi d'yan sa jowa mo, Sin, magtatampo talaga ako 'pag wala siya sa kasal ko!"

"Sorry, Grace, pero hindi ko rin 'yan masasabi sa kanya dahil wala rin kaming way of communication. Ni hindi ko nga alam kung kumusta na ba siya, eh."

At natahimik sila sa sinabi ko.

"Kayo pa ba?"

At hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong ni Franco.

"Ewan, hindi naman kami nag-break, eh. Pero ang sabi niya, babalikan niya ako."

"Kailan daw?" Tanong ni Grace.

"Hindi ko alam. Basta, ang sabi niya, may aayusin lang daw siya. Saka niya ako babalikan."

"At hanggang kailan mo naman balak maghintay?" Tanong ni Franco.

"As long as I can, till I can't anymore."

Ang pag-ulit ko sa sinabi ni Rivos sa'kin bago siya mawala't bumalik sa loob ng comics.

"Sa wakas, tapos na rin!"

Natanggap ko na rin ang payment mula sa client ko't tapos na ang trabaho ko sa kanya! May oras na ulit ako para magbasa!

Kinuha ko ang volume 10 ng Moon, binagsak ang katawan ko sa kama, inayos ang Rivos body pillow ko't sinimulan ulit basahin ang paborito kong comics!

At nagulat ako nang biglang nahulog at naging abo ang One Way Ticket To Forever na ginawa kong bookmark! At kasabay nito'y ang paglipad din ng mga ink ng comics ko! Pati ang book cover, lumilipad at naglalaho rin ang ink, hanggang sa maging blanko na ang buong volume 10!

Anong nangyayari?!?!

Agad kong tiningnan ang ibang volumes ko ng Moon! At sa bawat pag-scan ko, lumilipad din ang ang mga ink nito!

Putangina!!!

Hanggang sa ang natira na lang ay ang volume 1!

Lumipad din ang ink ng mga ito na ikinabahala ko talaga!

Pero nagulat na lang ako nang maglaho't mapalitan ang book cover nito ng batang Rivos...

"Anong... Nangyayari..?"

Blanko pa rin ang comics nang buksan ko ito...

Pero may drawing na sa first page nito...

At hindi ito ang drawing na natatandaan ko sa paulit-ulit na pagbabasa ko ng Moon...

At sa bawat pagbasa't pag-flip ko ng page, nagkakaroon ito ng panibagong drawing!

At hindi na ito kwento ni Reena!

Kwento na ito ni Rivos!

Buti na lang at tapos ko na ang mga trabaho ko! At sa tingin ko, sapat pa naman ang mga kinita ko nitong mga nakaraang mga buwan sa pagsusubsob ko sa trabaho, kaya naisipan kong i-binge read ang kwento ni Rivos dahil may maganda akong kutob mula dito!

Fingers crossed! Sana happy ending!

At sa lumipas na tatlong araw, nagbasa lang talaga ako! Oo, gumagawa pa rin ako ng mga gawaing-bahay! Pero buong araw lang akong nagbabasa ng comics!

Namangha ako, na-excite, nabilib, kinilig sa kwento ng side characters, nainis, umiyak, nasaktan, at umaasang babalikan na niya ako sa dulo!

Hanggang sa marating ko ang volume 10 kung saan nga nangyari ang Purple Moon! Kinabahan talaga ako nang makalimutan ni Rivos kung anong date ito mangyayari! Buti na lang at may mga bagong characters siyang na-meet along the way at tinulungan siya!

At oo, nanalo sila sa digmaan labas sa Sun Empire pagkatapos ng intense na bakbakan!

At ngayon nga'y binabasa ko na ang ending ng Moon (Rivos Version)!

At nagulat na lang ako nang may biglang lumitaw na magic circle sa loob ng kwarto ko! Naglabas ito nang nakakasilaw na liwanag dahilan para takpan ko ang aking mga mata!

At nang mawala ang liwanag, nagulat na lang ako kung sinong lumitaw sa loob ng kwarto ko!

* Last Twilight - William Jakrapatr *

"Hi, Sin. I've returned, just like as I promised."

"Rivos!"

At agad akong tumakbo para yakapin siya! Umiyak na rin ako sa balikat niya dahil sa tuwa!

"Stop crying now. I'm here, and won't leave you anymore." Sabi ni Rivos habang pinupunasan ang mga luha ko!

"Totoo na ba 'yan? Hindi ka na ba talaga babalik sa loob ng comics?"

"The story there already ended. And I'm having my story here now, with you."

And we kissed.

And it won't be the last anymore.

- THE END -

Fictional (BL) Where stories live. Discover now