Chapter 28

135 3 0
                                    

Nakahiga ako ngayon sa kama ko't umiiyak habang yakap-yakap ang body pillow ko na may larawan niya dahil mukhang ito na ang araw na babalik na si Rivos sa loob ng comics. Wala na kasi akong magawa para patigilin ang paggapang ng apoy na unti-unting kumakain sa One Way Ticket To Forever.

Hindi ko alam kung nasa paligid ko pa si Rivos. Kanina ko pa kasi siya hinihingan ng sign kung nandito pa ba siya pero walang nag-aappear na bagay sa harap ko mula sa kung saan! Hindi niya siguro kinayang makita akong umiiyak dahil babalik na siya sa loob ng comics. Maski naman ako, kung ako ang nasa kalagayan niya, hindi ko rin kakayaning makita ang mahal ko na umiiyak dahil mawawala na ako.

Tumunog ang phone ko, may tumatawag. Wala naman akong client ngayon, wala akong kinuhang trabaho dahil alam kong hindi rin ako makakapag-concentrate sa pagsusulat ngayong mawawala na si Rivos. So, baka mga kaibigan ko lang 'yan! At wala ako sa mood para sagutin ang mga tawag nila.

Paulit-ulit na nag-ring ang phone ko, kaya no choice rin ako para tingnan ko kung sino ba ang tumatawag sa'kin!

At napabalilwas ako ng bangon nang makita ang kung sino ito! Kasunod nito ang pagsigaw ng pamilyar na boses mula sa labas ng bahay namin!

At mas lalo akong umiyak nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya.

["Hello, Sin, it's me! I still haven't went back inside the comic book! I'm outside of your house! Please, open the gates!"]

At dali-dali akong bumaba ng bahay para pagbuksan siya! At agad ko siyang sinalubong ng mahigpit na yakap, umiyak na rin ako sa balikat niya!

"Stop crying now, I'm still here." Sabi ni Rivos at pinunasan niya ang mga luha ko.

"I love you, Sin." Dagdag pa ni Rivos na may ngiti sa kanyang mga labi't nginitian ko rin siya.

"I love you, too, Rivos."

And we kissed under the moonlight. Just a touch, and I'm the one who broke it. Then he rests his forehead on mine.

"Can I ask for more?" Biro pa ni Rivos sabay tawa!

Napailing na lang ako sa kanya!

Pero gusto ko rin...

"Sige, tara sa kwarto ko."

At pinaningkitan niya ako nang mata!

"Are you... Inviting me..?"

At binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

"Ano sa tingin mo?"

Nagising ako na masakit ang buong katawan ko! Lalo na ang lower half ko!

But I'm not regretting what Rivos and I did last night.

Speaking of Rivos, nasaan ba ang lalaking 'yon?

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto't pumasok si Rivos na may dalang tray.

"Mornin'."

Ang bati niya sa'kin, at binati ko rin siya.

"How are you feeling now?"

"Ang sakit ng buong katawan ko, pero kaya naman."

"Here. I bought you some painkillers in Fantasy People's drugstore. They say it's very effective that it could ease all of your pain after taking one pill. Try it, but eat first."

At nilapag na niya sa harap ko ang pagkaing dala niya. Lugaw.

"Salamat."

"Thank you, too. For last night."

Tinanguan ko naman siya't nagsimula na akong kumain.

"Yummy?"

At tinanguan ko ulit siya.

Fictional (BL) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora