Chapter 7

222 5 0
                                    

'Had a great time with my boyfie, my boy bestie, and my husbando. Just guess which is which 🤣🤣🤣
Thanks guys! Sa uulitin! 😘❤'

Post ni Grace sa FB na may kasamang pictures naming apat! At nag-heart react naman ako!

"Your friends are cool." Sabi ni Rivos na nakahiga sa kama ko.

"I know."

"Are they the only friends you have?"

"Mayroon pa naman akong ibang mga kaibigan, pero si Grace ang madalas mag-aya sa'kin kumain sa labas. Bakit?"

"I... Wanna have friends in this world, too."

"Sige, makipagkaibigan ka. Basta, 'yong taong kayang itago ang sikreto mo, o mas mabuting 'wag mo na lang sabihin sa kanila na ikaw talaga si Rivos at galing ka sa comic book!"

"Do you think there are elven people here?"

"Hindi ko alam. Kung mayroon man, siguro nagtatago sila sa mga tao."

"If I've sensed one, I'll tell you."

"Sabi mo 'yan, ah!"

"Yeah."

"Can I borrow your guitar? I'll just practice the songs I'll be performing this coming weekend."

"Sige lang."

At binuksan ko na ang laptop ko't nagsimula nang magsulat habang kumakanta't naggigitara siya.

"That's all! Thank you for coming everyone! See you next week!"

At nagpalakpakan kami para sa kanya!

"Tara na?"

"Yeah."

At lumabas na kami ng cafe.

"I really don't like the sound of the cars."

At natawa ako sa sinabi niya!

"Tiisin mo na lang muna! Malapit lang naman bahay natin dito!"

Habang naghihintay kami ng masasakyan, may humintong sasakyan sa harap namin at lumaban doon ang isang magandang babae na siguro'y kaedaran lang namin!

* Enchanted - Taylor's Version *

Pero mas maganda pa rin si Reena my loves!

"OMG! Kamukha mo talaga si Rivos! Tapos na gig mo?" Sabi ng babae, pero si Rivos, nakatingin lang sa kanya't nakangiti!

"By the looks of it, mukhang tapos na nga! Sayang, hindi ako nakaabot! Nagmamadali pa naman akong pumunta dito, tapos hindi naman pala kita maririnig kumanta ng live! Pero buti, nakita ko pa kayo sa labas! Pwedeng magpapicture? Please?"

Ang dire-diretsong sambit nito, pero tulala pa rin sa kanya si Rivos! Na-love at first sight ata ang loko! Hahaha!

Can't blame him! Maganda talaga siya, eh! Kung wala akong Reena, siguro na-attract din ako sa kanya!

"Hello? Reese? Are you there? Hello?"

Pero hindi pa rin umiimik ang loko't nakatulala pa rin! Hahaha!

At tinapik ko na si Rivos nang malakas para matauhan na siya! Effective naman!

"Papicture daw sabi ni Ate!" Sabi ko sabay tawa!

Fictional (BL) Kde žijí příběhy. Začni objevovat