Chapter 25

228 4 0
                                    

Dahil naka-break si Rivos sa work niya ngayon, dito na ulit siya tumatambay sa bahay or ako ang pupunta sa kanila! Parang balik na ulit sa dati ang set-up namin! At masaya ako doon dahil, kahit medyo busy ako sa pagiging freelance writer ko, kahit papaano'y mas marami na kaming time para sa isa't-isa ngayon!

"Christmas is just around the corner! Have you bought a gift for me, Sin?"

"Hindi pa. Ano ba gusto mo?"

At tiningnan niya ako habang kagat-kagat ang ibabang labi niya!

"Tangina mo! Tigilan mo ako, Rivos, ah! Top ako!"

At tinawanan niya lang ako!

"I'm about to fade and go back inside the manga, and you still won't give in?"

"Ikaw dapat magsuko ng Bataan, hindi ako!"

"That won't happen, sorry."

"Sorry ka na lang din dahil hindi rin ako magpapa-bottom sa'yo!"

"Fine. I want something I could bring inside the manga."

"Paano naman ako makakasigurong madadala mo sa loob ng comics ang ibibigay ko?"

"Dunno. Let's just hope for it."

"Sige. Tanggalin mo lahat ng laman ng spacial bracelet mo, tapos bigay mo sa'kin. D'yan ko ilalagay regalo ko sa'yo."

"Don't wanna! Your gift's already inside this!" At tumawa siya!

"Talaga? Ano regalo mo sa'kin?"

"It's a secret for now."

"Let's just buy another spacial bracelet, then, let's exchange it on Christmas day." Dagdag niya pa!

"Hello, Harry? Busy ka ba? Samahan mo naman ako, oh!"

["Uhm... Sige. Saan ba?"]

"Fantasy Mall."

["Maghahanap ka ng christmas gift kay Rivos?"]

"Oo. Maghahanap ako ng regalo na pwede niyang madala sa loob ng comics."

["Sige, doon ko na rin bibilhan ng gift si Calix!"]

["Mayroon ka na bang entrance sphere?"]

Tanong pa ni Harry.

"Mayroon na. Kailan ka ba free?"

["Bukas, free ako!"]

"Punta ka na lang dito sa bahay namin! Dito na lang natin gamitin 'yong entrance sphere!"

["Sige! Kitakits bukas!"]

At binaba ko na ang video call pagkatapos naming magpaalam sa isa't-isa!

"Ano bang balak mong bilhin kay Rivos?"

Tanong sa'kin ni Harry habang naglilibot kami sa loob ng Fantasy Mall.

"Something that would remind him of us 'pag bumalik na siya sa loob ng manga. At sana, madala niya talaga sa loob 'yon!"

"May mare-recommend ka ba?" Dagdag ko pa!

"Maraming magical items dito, pero hindi ko alam kung madadala niya ba 'yon sa loob ng comics."

At napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi ni Harry.

"Why are you listing... Dates?"

Tanong sa'kin ni Rivos nang lumapit siya sa'kin!

"Wala naman! Gusto ko lang!" At tumawa ako!

"Oh! This is the date when we bacame a couple, right?"

"Makikipag-break na sana ako sa'yo kung hindi mo natandaan 'yan, eh!" At tumawa ako!

Fictional (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon