Chapter 6

234 5 0
                                    

Nasa kapatagan akong puno ng mga bulaklak at may hinahabol! Mahaba ang buhok niyang kakulay ng buwan, at matamis ang kanyang mga halakhak! Si Reena!

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal naghahabulang dalawa't nagtatawanan! Pero isa lang ang sigurado, masaya kami!

Nang sa tingin ko'y abot ko na siya, agad ko siyang sinunggaban ng yakap! Nagtagumpay naman ako't gumulong kami pababa ng kapatagan!

"Nahuli rin kita, Reena! Hindi na kita papakawan pa!"

At nagtawanan ulit kami! Napakatamis talaga ng mga tawa! Ang sarap sa tainga!

At humarap siya sa'kin!

Pero...

Bakit si Rivos?!

Nilagay niya ang mga kamay niya sa batok ko't sinabing...

"Let me take Reena's role in your heart."

At hinila niya ako palapit sa kanya para halikan..!

"Aaaaahhh!"

At napabalikwas ako ng bangon!

Buti't nagising ako bago niya ako mahalikan!

"Putangina naman kasi, eh! Okay na sana, eh! Si Reena na 'yon, eh! Bakit naging si Rivos pa!"

At napalingon ako sa body pillow ko.

"Pasensya na, Reena, my loves! Hindi ako nagtataksil sa'yo! Panaginip lang 'yon! Isang masamang panaginip! At kahit kailan man, hindi ka niya mapapalitan sa puso ko!"

At hinalikan ko ang unan ko para makasigurado siya sa'kin bago ako bumangon at gawin ang morning routine ko!

"Wala ka bang balak magpagupit?"

'Yan ang bungad ko kay Rivos nang pumunta siya dito sa bahay.

"Why should I?"

"Nanaginip kasi ako. May hinahabol daw ako, mahaba ang buhok. Akala ko si Reena, ikaw pala!"

"Then, I'll cut it! For you not to mix me with Reena!"

"Uy, 'wag! Sayang ang buhok mo, ang ganda pa naman! Nagbibiro lang ako, sineryoso mo naman!"

But, yeah! Gusto ko ring makita ang itsura niya 'pag short hair siya! Hahaha!

"Bakit ka ba pumunta dito sa bahay?"

"Help me pick two new set of songs for me to perform at the cafe this coming weekend."

"Sige. Tapusin ko lang 'tong sinusulat ko, tapos hanap na tayo ng kanta!"

"Late na ako, late na ako, late na ako, late na ako!"

Agad kong binuksan ang pinto ng cafe at narinig ang magandang boses ni Rivos!

* Unwritten - Natasha Bedingfield *

Nandoon siya sa stage, kumakanta, naggigitara, nakangiti sa'kin! Naka-beanie man siya, pero halatang bagong gupit ang buhok niya! Hindi na mahaba't gupit panlalaki na siya! Nagpagupit talaga ang loko! Hahaha!

Bagay sa kanya.

"🎵 Feel the rain on your skin
No one else can feel it for you
Only you can let it in
No one else, no one else
Can speak the words on your lips
Drench yourself in words unspoken
Live your life with arms wide open
Today is where your book begins 🎵"

Fictional (BL) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang