Chapter 29

139 3 0
                                    

1, 2, 3, snap!

1, 2, 3, snap!

1, 2, 3, snap!

"Ok! Tara na!"

"Wait! Take some on my phone, too! So, I could look at it when I get back inside the comics!"

At 'yon nga ang ginawa namin!

Oo, umaasa kaming madadala niya ang spacial bracelet niya kasama ng mga laman nito sa loob ng comics! 'Yong manap niya? Iiwan niya raw sa'kin para may contact pa rin daw ako kina Flyne! Kunin na lang daw niya ulit sa'kin 'pag bumalik na siya dito sa Real World!

"'Ma, alis na po kami!" Sabi ko't bumeso na ako kay Mama!

"We're leaving now, 'Ma." Sabi naman ni Rivos na bumeso rin kay Mama!

"Ang gwapo naman ng anak ko! Kamukhang-kamukha mo talaga 'yong nasa comics!" Sabi Mama habang tinatapik ang mga balikat ni Rivos!

"'Coz that's really me po, 'Ma."

"'Ma, ako po 'yong tunay na anak n'yo! Hindi po si Rivos!"

At nagtawanan kami!

"Wow!"

Ang sabi ni Tan habang bumababa ng hagdan!

"Kuya Sin, aalis na kayo ni Kuya Rivos? Pa-picture muna ako sa inyo! Ipo-post ko sa FB!"

At 'yon nga ang ginagawa namin! Sumama na rin sina Mama't Cos sa picture, at kumuha rin ng ilang selfies namin si Rivos gamit ang phone niya!

Bago kami umalis, niyakap muna ni Rivos sina Mama, Cos, at Tan at nagpaalam na rin siya dahil hindi namin alam kung makakasama pa siya sa'kin pauwi.

"Please, take care of Sin when I'm gone." Ang huling habilin niya sa kanila.

"Kuya Rivos, mami-miss kita..." Sabi ni Tan sabay yakap ulit kay Rivos, at niyakap rin siya nito pabalik!

"Kuya Rivos, 'wag kang mag-alala kay Kuya Sin! Kaming bahala sa kanya habang wala ka pa!" Sabi naman ni Cos at nag-bro hug silang dalawa!

"Balikan mo anak ko, ah?" Sabi ni Mama na maluha-luha na!

"Yes, 'Ma, babalikan ko po si Sin."

Nagyakapan sila ni Mama't doon na bumuhos ang mga luha niya! Medyo naluha na nga rin ako, eh!

Sunod na pinuntahan namin ay ang tumayong bahay ni Rivos sa pananatili niya dito sa Real World!

"Thanks, Dad, for everything."

"Thanks, too, for treating me like your real father."

At nagyakapan din sila!

"Come back, okay? Even if it's not for me, but for Sin."

"Yes, Dad, I'll come back here. Take care of yourself, okay?"

At tumango naman si Dad.

"Kuya Randy, Tracy, please take care of Dad when I'm gone."

"Syempre naman! Parang ama na rin turing namin sa kanya, kaya 'wag kang mag-alala!" Sabi ni Kuya Randy.

"Bumalik ka dito, Rivos, ah!" Sabi naman ni Tracy na kanina pa umiiyak!

At may bumusina na sa labas ng bahay nila! Nasa labas na ang bi-nook naming sasakyan papuntang SMX!

At nagpaalam na nga kami sa kanila!

"I'll wait for your return, son."

"Please do wait for me, Dad."

At nagyakapan ulit sila!

Fictional (BL) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum