Chapter 5

1.4K 27 0
                                    


MALAMBING ang tinig na umalingawngaw sa paligid, may kasamang kaaliwan at ipinatutungkol sa mga lalaking naroroon.

"Hindi n'yo ba alam na dito sa bilyaran dating nakatira itong si Xander?" Humalakhak ito. Iyong uri ng halakhak na sadyang nang-aakit at sa wari ay humahaplos ang tinig sa kasu-kasuan ng bawat lalaki.

Gustong lingunin ni Yelena ang nagsalita na nasa likuran nilang tatlo lalo at biglang nagkaingay ang mga lalaki kasabay ng mga catcall. Subalit nakuha muna ni Xander ang atensiyon niya. Hindi ito nag-angat ng katawan pero mula sa mesa ay lumipat ang mga mata nito sa nagsalitang babae. A knowing and seductive smile curved his lips.

Then his tongue grazed the insides of his upper teeth in a sexual connotation that Yelena felt the sudden constriction of her throat. Pati ang titig na ibinigay nito sa babae'y makalaglag- panloob. Then he puckered his lips in an imaginary kiss for the woman.

Sa pagkakataong iyon ay lumingon si Yelena. Natanto niyang iyon ang kahera sa kanugnog na bar. Maraming taon ang katandaan nito sa kanya. Pero hinog na hinog ang katawan, 'ika nga ng matatandang lalaki. At ang suot na damit na sa wari ay matatastas ang mga nakatahing sinulid ano mang sandali. Ang dibdib ay sinadyang pag-apawin sa suot at nagmumura ang mga balakang.

May kung anong damdaming gumuhit sa dibdib ni Yelena sa ginawing iyon ng lalaki. Lalo at gumanti ng flying kiss ang babae at makahulugang ngumiti bago tumalikod at sinadyang imbayin nang husto ang mga balakang.
The foreign feeling, she decided, was something akin to jealousy.

Jealousy? Nanlaki ang mga mata niya.

That was ridiculous!

Nang ibalik niya ang paningin sa pool table ay napuna niyang nakatitig sa kanya ang lalaki, nakakaloko ang ngiti na tila nababasa ang laman ng isip niya.

Umirap siya, then made a face at him childishly. Marahang humalakhak ito. Lalo siyang nainis sa sarili dahil ang halakhak nito'y tila langis na inihahaplos sa katawan niya.

Nasa mga bola na uli ang konsentrasyon ni Xander at itinuwid ang stick. Ilang beses nitong idinikit ang dulo ng cue stick sa cue ball bago tuluyang tinira iyon. Ang singko ay gumulong patungo sa corner hole at nahulog nang walang kahirap-hirap.

Napaungol ang mga lalaking nakapaligid. Pumalakpak si Chay. Si Yelena ay napahawak sa kamay ni Amalie nang wala sa loob. She was gaping at the pool table like a fish out of water. Nagkapag-asa siya bigla na mababawi nilang muli ang pambili ng project. Kung ibabalik lang ng lalaki ang puhunan nila ay okay lang. It was better than losing all their money.

"Siyete sa side pocket," wika nito sa lahat at sandaling inikot ang tingin sa mga nakapaligid sa tila nagyayabang at nakatitiyak na asta. Muli nitong nilagyan ng chalk ang dulo ng stick at hinipan ang natitirang chalk mula sa dulo.

Maliban sa ingit ng dalawang ceiling fan sa loob ng bilyaran ay tahimik ang buong poolroom, kahit ang kabilang mesa ay nahinto sa paglalaro at pinanood si Xander.

Banayad nitong idinikit ang stick sa cue ball, sinipat-sipat, pagkatapos ay umiba ng puwesto. Yumuko. Muli nitong tinira ang cue ball at gumulong iyon patungo sa siyete na tila may sariling isip namang gumulong patungo sa side pocket.

Nanlaki ang mga mata ni Yelena na napatitig sa side pocket ng pool table. She couldn't have done that by herself! Kahit maliit pa lang siyang bata'y natutuhan na niya ang larong billiard sa kaiistambay sa may kanto sa kanila.

Kasabay ng palakpak ng mga classmate niya'y ang malakas na pinagsamang ungol ng mga pumusta. Nakangising inilahad ni Xander ang kamay sa mga ito at hinihintay ang paglapat sa palad nito ng napanalunan. Ang lalaking nagdagdag ng pusta ay nakasimangot na ibinagsak sa palad ni Xander ang isang libong piso.

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now