Chapter 21

1.6K 24 7
                                    


ISANG malakas na tawa ang pinakawalan ni Cameron. Humahangang mga mata mula sa mga lalaking customer ay manaka-nakang natutuon sa kanila. Other times, that would have scared her. But not anymore. Four bodyguards were tactfully placed around the room. She allowed them now. Maliit na bagay sa kaligayahang nadama nito sa pagkakatuklas na kapatid nito si Xander.

"Oh, Yelena. You are so precious."

She wrinkled her nose. "Hear this. Ang isa pang importanteng katangian ay kailangang maging masalapi siya. As in masalapi, ha."

Cameron was thoughtful for a while, then, "Nah. Puro may mga asawa na ang mga pinsan ko. Teka, sino ba ang mga milyonaryo sa mga kakilala ko sa Houston?" Then her eyes lit. "But there's my brother! Yes. I can introduce you to him. Lahat ng clichè ay na kay Alessandro. Aside from the money, Alessandro will inherit the island. Add his share of the Navarro money that he would also inherit from our mother. There's also the small wealth he inherited from the man who had adopted him."

Napasipol si Yelena. "Wow! That superrich, huh? And you don't mind me as a prospective sister- in-law?" She raised a perfectly curved brow.

Hinagod siya nito ng tingin, then Cameron grinned. "Puede pasar."

They both laughed.

Still laughing she said, "Oh, dear, susuyurin ko ang buong Rodeo Drive kapag naging boyfriend ko ang kapatid mo. Sa New York ko kaagad siya yayakagin."

Nang humupa ang tawa ay sumeryoso si Cameron. "Kidding aside, ano ang malay mo at baka nga magustuhan ka ng kapatid ko."

She made a face. "Don't be ridiculous. Hindi ako ang uring papatulan ng kapatid mo."

Kumunot ang noo ni Cameron. "Why not? Maganda ka naman. Gorgeous body. Smart and-"

"Poor." Yelena sighed. "Oh, he'd notice me all right. Sabi mo nga maganda naman ako. Kung papayagan ko, malamang pang-one-night stand sa mga tulad ng kapatid mo. O di kaya iyong 'it's good while it lasts' pero hindi iyong pinapakasalan."

Cameron was surprised. "Paano mo nasabi iyan sa sarili mo?"

"I'm practical, Cam. The rich marry the rich. Huwag mong itanggi iyan."

"Itinatanggi ko!" Cameron said with conviction. "A king had abdicated his throne because of love. Prince Rainier married Grace Kelly, a movie star. My Uncle Nick's wife had been poor... the statistic goes on and on..."

Yelena raised her hands in the air. "Okay. Iyang statistic na sinasabi mo ay henerasyon ang pagitan. At hindi ako kasama roon, malibang may himalang mangyari at i-divorce n'ong Texas governor ang wife niya at pakasalan ako." Sinamahan niya ng tawa ang sinabi.

Nang sulyapan niya si Cameron ay sa labas ng bintana ito nakatingin, sa kawalan. "Wala akong alam na naging girlfriend ang lokong iyon sa nakalipas na mga taong magkakilala kami..." she said almost to herself. "Hindi kaya gay ang kapatid ko na iyon?"

Napakunot ang noo ni Yelena na nahuli ang unang sinabi nito. "Hey. Ano ba ang sinasabi mo? Akala ko ba'y kailan lang kayo nagkakilala ng kapatid mo?"

Ibinalik ni Cameron ang atensiyon sa kanya at ngumisi. "Forget I said that. Anyway, I'll keep my fingers crossed. Sana'y magustuhan ka ni Alessandro, unless my brother's gay." She made a horrifying face.

Humalakhak si Yelena. Muling humiwa ng steak.

Cameron frowned thoughtfully. "Bakit hindi yata kasama sa mga sinabi mo ang love? Hindi mo ba gustong mahal mo din ang lalaking nagtataglay ng mga katangiang hinahanap mo? Teka nga, nagmahal ka na ba?"

Natigilan siya. Napatitig sa may bahagi ng Laguna de Bay bagaman hindi niya iyon nakikita. She had fallen in love once... forever ago...

"SAAN ka umuuwi?" tanong ni Xander nang lumabas sila sa restaurant, isinusuot nito ang jacket na isinauli lang niya kani-kanina lang sa racetrack. "I'll take you home."

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon