Chapter 7

1.2K 24 0
                                    


LUMINGON siya sa dagat na isandaang yarda ang layo mula sa bahay-bakasyunan. Walang baybayin dahil naka-riprap ang paligid ng malalaking bato. Ang naroroon ay isang breakwater ang natanaw niya, at sa gitna ay isang pantalan. Sa dulo niyon ay isang yate. A cabin cruiser.

Napasipol si Xander. The yacht must be powered by two-engine, diesel, and equipped with complete living quarters. Marahil ay dalawa hanggang tatlo ang silid.

Tinanguan niya ang matandang babae at iniliko ang motorsiklo patungo roon. Bumaon ang gulong niya sa mga graba subalit dere-deretso siya hanggang sa mahabang pantalan. Natanaw niya sa ibaba ng deck si Cash. Kinawayan siya nito.

Ipinarada niya ang Ducati niya sa kasunod na sasakyan, isang Volvo. May tatlo pang nakaparada sa magkabilang gilid ng pantalan. Isang Ford Explorer, at dalawang motorsiklo, a vintage Harley which Xander knew belonged to Cash; at isang Honda.

Hindi agad tumawid si Xander patungo sa yate at sa halip ay tinanaw ang buong karagatan. Lumulubog na ang araw at kinukulayan na niyon ng kahel ang ibabaw ng tubig. Lubhang malakas ang hangin at kahit ang jacket niya ay inililipad mula sa katawan niya.

He inhaled the salty tanged air. There was something about the sea that affected him so much. Hindi niya kayang ipaliwanag subalit parehong nagdadala ng lungkot at galak sa dibdib niya ang dagat.

Ang lungkot ay malamang na may kinalaman sa pangyayaring pag-kidnap sa kanya. He was almost certain he had been kidnapped. May malabong alaala nitong nakalipas na mga taon nang una siyang tumuntong sa Palawan ang paulit-ulit na kumikislap sa isip niya. A face of a woman. Pagkatapos ay nasa isang bangkang de-motor siya at napapaligiran ng mga lalaki at muli, ay ang mukhang iyon ng isang babae. But they were all in a blur.

May bahagi pa rin ng alaala niya ang nakatatanda na naroon siya sa isang maliit na silid sa ikalawang palapag ng isang bahay at may bintanang nakarehas. Sa pagkakataong iyon ay nakatitiyak siyang nasa ikalawang palapag siya ng bahay dahil sa alaala niya ay nakatanaw iyon sa dagat.

Muli niyang pinuno ng hanging dagat ang dibdib. Mas gusto niyang panaigin ang galak sa damdamin kaysa sa masasamang alaala.

He was very lucky. Una, statistics wise, marami sa mga kidnap victim ang hindi na nakatakas o nakabalik sa kani-kanilang pamilya. Karamihan sa mga ito ay pinatay.

Kung bakit hinayaan siyang mabuhay ay isang malaking katanungan para sa kanya. If he had been abducted, had his parents not able to meet the ransom demand? Kabilang ba sa mga kidnapper si Hestercita? Ito ba ang babaeng kumikislap sa isip niya?

Base sa naging karanasan niya kay Hestercita ay gayon na lamang ang pagkasuklam nito sa tunay niyang ina. Pera ba o paghihiganti ang motibo sa pag-kidnap sa kanya?

Pangalawa, there was General Baron Grayson. He had given him so much. Unti-unting binura niyon ang masasamang karanasan niya kay Hestercita. Bagaman may salaping ipinabaon sa kanya ang ama-amahan noong una siyang tumapak sa Pilipinas ay sarili na niyang kagustuhan ang paraan niya ng pamumuhay sa nakalipas na mga taon.

Naniniwala siyang kailangan niyang magbanat ng buto para mabuhay. Hindi niya maaaring iasa ang lahat sa kaunting salaping ibinigay sa kanya. Katunayan ay wala na sa kalahati ang natitirang pera sa bangko. Kung hindi siya naging masikap para sa sarili at magtrabaho at doon lang siya umasa ay malamang na matagal nang naubos iyon at hindi pa siya nakatapos ng pag- aaral. Kahit pa nga ba dolyar iyon nang dalhin niya sa Pilipinas.

Kinailangan niyang gamitin ang pera sa matalinong paraan sa nakalipas na mga taon. Hindi lang sa pag-aaral niya ginamit ang pera kundi sa pagsasaliksik at pag-alam sa tunay niyang pamilya.

May bahagi ng puso at isip niya ang nawawalan na ng pag-asa na makilala at makatagpo pa ang totoong mga magulang. Pero mas malaking bahagi rin ng isip at damdamin niya ang nagtutulak sa kanya na huwag sumuko sa kabila ng matagal-tagal na rin niyang hindi pinag- uukulan iyon ng panahon.

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now