Chapter 25

1.4K 23 2
                                    


"YOU ARE-"

"Chay," dugtong nito. "Kay daling mo namang makalimutan ang pangalan ko." A flirtatious smile hovered her lips. "Susunduin mo ba sana si Yelena?"

Alanganin siyang tumango. A muscle in his jaw flexed angrily but he held himself.

"Yelena's busy, Xander. Importanteng kliyente ang nasa loob."

Nilingon niya ang pinanggalingan bagaman natatakpan na iyon ng deli shop. Nagtagis ang mga bagang niya at tumango. Pagkatapos ay muling humakbang patungo sa bike. Umalinsabay si Chay sa kanya.

"So, you and Yelena had this thing going on for weeks now?" ani Chay sa likuran niya at sumunod. Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito. "Nasabi ni Yelena sa amin ni Amalie ang tungkol sa inyo." She laughed and tsked.

Hindi pa rin siya kumibo at nagpatuloy sa paglakad. He wasn't in the mood for conversation. He was in the mood for killing that man! Or Yelena for that matter.

Ikinawit nito ang braso sa kanya. "Come, take me to dinner and I'll tell you who is the client."

"Sa ibang pagkakataon," aniya sa mahinahong tinig, pilit na sinisikil ang galit at paninibughong nararamdaman.

"Xander, maaaring matangkad lang si Yelena sa akin pero kung ganda ang pag-uusapan ay maganda rin naman ako."

"Chay..." Inalis niya ang mga kamay nito sa braso niya. "Hindi ko sinasabing hindi ka maganda. Pero kailangan ko nang umalis."

"Don't you like me, Xander?" Sumampa ito sa bike niya. "Take me anywhere and I'll give you the best sex you ever had."

Ang galit ni Xander ay sandaling napangibabawan ng pagkamangha. Hindi dahil bago sa pandinig niya ang sinasabi nito kundi hindi niya mapaniwalaang manggagaling ang salitang iyon sa isang estudyante at batambatang katulad ni Chay. At kaibigan pa ito ni Yelena.

"Get off my bike, Chay. Hindi ako interesado sa alok mo," he said angrily.

"Are you playing hard to get?" patuloy nito, may galit na gumuhit sa mga mata.

He hadn't meant to be insulting. But there was no way he could deliver his words subtly.

"I am good in bed. And it's free, Xander."

"Chay, please," pagdiriin niya. "Get off my bike. Kailangan kong umalis. Hindi ako interesado sa iniaalok mo. Kahit libre pa!"

Muli ay gumuhit ang galit sa mga mata nito na agad nitong naitago ng ngiti. "That's very insulting,

Xander. Ang ibang lalaki'y handa akong bayaran madala lang ako sa kama."

"Hindi ako ibang lalaki, Chay. Now, for the last time, get off my bike!"

She took her time getting off his bike and said, "I was initiated a year ago, Xander."

Lumalim ang kunot sa noo niya. "Bakit mo sinasabi sa akin iyan?"

She shrugged. "Sa pagkakasabi sa amin ni Yelena, naiwala niya sa iyo ang virginity niya. Sort of initiation. Matagal na niyang gustong gawin iyon. Hindi lang siguro siya makakita ng tamang lalaki." A sly smile was on her lips. "Well, she found you."

Dumako ang mga kamay niya sa mga balikat nito at mariing hinawakan iyon. "What are you talking about?"

She winced. "Tulad ko at ni Amalie, Yelena's in constant need of money, Xander. Kailangan niyang makapag-aral at mahal ang kolehiyo. Kailangan niya rin ng perang imamantini niya sa bahay niya. Now that she'd lost the annoying virginity, she can do what I and Amalie do."

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now