Chapter 10

1.4K 25 0
                                    


IBINALABAL niya ang tuwalya sa katawan nito at dinala sa kama at inihiga. Humakbang siya patungo sa pinto at binuksan iyon nang bahagya. Ang isa sa dalawang waiter at may dalang tray ng umuusok na kape.

"Sabi ni Sir Cash ay para daw po sa kasama ninyo."

Thoughtful, Xander thought drily. Inabot niya ang tray, umusal ng pasasalamat at muling isinara ang pinto. Inilagay niya iyon sa ibabaw ng side table. Inangat niya sa pagkakahiga ang babae at sinikap painumin ng kape.

"It's fucking hot!" he growled, dahil akma nitong aabutin sa dalawang kamay ang kape at iinumin sana nang tuloy-tuloy kung hindi niya naiiwas ang tasa.

Nang muli niyang ilapit sa bibig nito ang tasa ay siya na ang umihip upang mainom nito. She took a sip and grimaced. Pagkatapos ay iwinasiwas nito ang kamay at ibinagsak ang katawan sa kama.

Naiiritang ibinalik niya sa tray ang kape. Tinitigan niya ang babae. Xander wondered how old she was as he stared at the young body. Eighteen... nineteen? Sa kabila ng lahat, sa kabila ng kalagayan nito, sa kabila ng uri ng pagkababae nito, hindi niya magawang pigilin ang pag-alpas ng matinding pagnanasa.

Naupo siya sa tabi nito. Her eyes were closed. Tila ba idinuduyan ito patungo sa pagtulog.

God, she was beautiful despite the thin face. Her breasts were full and rounded, her waist was little and the curve of her hips just right. She also had a round backside.

He remembered her eyes were forest-green. Hinawi niya mula sa mukha nito ang mamasa- masang buhok. Pagkatapos ay may kapanga-hasang pinaglandas niya ang likod ng palad sa pisngi nito. Pagkatapos ay dumausdos ang mga daliri niya pababa sa leeg nito.

Some women had taken impact on him. Pero walang isa mang panandaliang nanatili sa isip niya. This woman had taken residence in his mind for a couple of nights since they had first met. Naisip pa nga niyang hanapin ito sa unibersidad dahil pareho sila ng pinapasukan nang maisip na isang linggo nang mahigit na tapos ang semester.

Somehow, sa sulok na bahagi ng isip niya ay umaasa siyang magkikita silang muli sa poolroom isa sa mga araw na ito. Pero ang makatagpo itong muli kanina ay malayong-malayo sa hinagap niya.

His fingers grazed her pink nipple. It hardened instantly and she moaned, sa paraang tila nagustuhan nito ang ginawa niya. Sapat iyon upang tuluyan na niyang damhin ang dibdib nito. Na sa wari ay hinulma para sa sukat ng mga kamay niya.

Xander's breathing was ragged. Lalo na nang lumakas ang ungol ni "Elena." Naglandas ang sensasyon sa bawat himaymay ng ugat niya tulad sa isang naglalagablab na apoy. His eyes moved down to the V of her thighs and the dark curls that surrounded her femininity.

He was fucked up.

Xander muttered a series of expletives. Pagkatapos ay marahas na tumayo. Sinikap niyang kontrolin ang damdamin at pagnanasa. He was taking advantage of her.

Ano ang kaibahan niya sa mga lalaking nais niyang iligtas ang babae mula sa mga ito?

Hindi bale nang sanay ito sa pakikipagtalik. Subalit ang makipagtalik dito sa ganitong kalagayan ay hindi katinuan sa bahagi niya.

For him, sex was two-way. Kailangang alam ng kapareha niya na siya ang katalik nito. At kailangang pareho nilang gusto. Kung susundin niya ang tawag ng laman, it would tantamount to rape.

Xander yanked the bedsheet. Marahas niyang itinakip iyon sa katawan nito. Then he almost ripped his clothes off his body as he strode toward the bathroom. Itinapat ang sarili sa malamig na tubig upang patayin ang kamunduhang lumulukob sa katawan niya.

Wala siyang natatandaang napukaw nang ganito kasidhi ang damdamin niya ng isang babae. Maraming beses na rin naman niyang kinayang kontrolin ang pagnanasa. Subalit ngayon ay kinailangan niyang ipunin ang lahat ng kontrol na maaari niyang igupo sa pagnanasa niya.

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now