Chapter 15

1.3K 26 0
                                    


HALOS dakmain niya ang mga newspaper clipping at isa-isang binasa. Ang mga bahaging sunog ay may photocopies na mas malinaw at natitiyak niyang ang ipinadala ng kaibigan ng ama-amahan. Along with the shock were some flashes of memories of his kidnapping.

Napuno ng matinding poot ang dibdib niya. Kung abot-kamay niya si Hestercita sa mga sandaling iyon ay natitiyak niyang makikitlan niya ito ng buhay sa galit na nararamdaman niya sa sandaling iyon.

Binitiwan niya ang mga papeles na kumalat sa kama at ang ilan ay nahulog sa sahig. Tumayo siya at isang malakas na suntok ang pinakawalan sa pader ng apartment. Hindi alintana ang matinding sakit ng kamao.

Sa mga papeles na ipinadala sa kanya ni General Grayson ay malinaw na nakalathala ang pagkidnap sa kanya nang siya ay apat at kalahating taong gulang.

"Oh, god!" he groaned painfully and closed his eyes tightly.

Nagsasalimbayan sa isip niya ang malalabo at salit-salit na alaala. Sa isang iglap ay luminaw sa isip niya ang eksena ng pagbaril sa family driver nila.

Muli siyang napaungol. Itinukod niya ang mga siko sa tuhod at sinapo ng dalawang kamay ang mukha. His hands started to tremble. Ang pawis ay unti-unting gumigiti sa noo niya.

Ang nakagigimbal na pagkasaksi niya sa pagpatay sa family driver nila ang isa sa mga naging dahilan upang kusa niyang sarhan ang isip; upang tuluyang huwag alalahanin ang mga bagay na may kaugnayan sa pagkamatay ng isang tao.

Inilatag ni Xander ang sarili sa kama at tumitig sa kisame. Nag-uunahan ang maraming damdamin sa dibdib. Nangunguna na ang pagkapoot kay Hestercita.

Sa mahabang sandali ay nanatili siya sa ganoong ayos at sinisikap na maging blangko ang isip sa mga nakagigimbal na pangyayari sa buhay niya. He thought of the old woman who was his yaya. Had she died?

Then flashes of another woman that gunned down their family driver. Ni hindi naging malinaw sa isip niya ang mukha ng babae. Maybe he had wanted to forget her, too.

Natuklasan na niya kung sino ang tunay niyang pamilya.
Ang totoo niyang pangalan ay Alessandro Leon Navarro Fortalejo.

Now what?

Mas malaki ang suliraning inilatag sa harap niya ng pagkatuklas ng sariling pamilya kaysa sa noong kasalukuyan siyang nangangapa sa kung sino ang totoong siya.

SA MISMONG araw na natuklasan ni Xander ang lihim ng pagkatao niya ay ang mismong simula ng pag-iimbestiga niya sa biological niyang pamilya. Malaki man o maliit na bagay na nababasa niya may kinalaman sa mga Navarro at Fortalejo, lalo na sa sariling mga magulang ay ginugupit niya at iniipon. It had almost became an obsession.

Tila siya isang tao na kay tagal nanahan sa disyerto at nang makakita ng tubig ay kulang na lang na lunurin ang sarili. Napakaraming impormasyon siyang nakalap tungkol sa tunay niyang pamilya.

Noong una niyang inaalam ang tungkol sa magkabilang bahagi ng pamilya niya ay natuklasan niyang isang professional race car driver ang tiyuhin niyang si Lance Navarro hanggang sa aksidente nito sa Texas na siyang dahilan ng retirement nito.

Nalaman din niyang ang pinsan niyang si James Navarro ay may bahay sa Tagaytay. Ang kapatid nitong si Renz at ang asawa nito ay may bahay mismo sa Batangas.

Hindi niya mapaniwalaang ang dalawang pamilya niya sa magkabilang bahagi ay mga maimpluwensiyang tao at dalawa sa mga itinuturing na pinakamayayaman sa buong Pilipinas. Nakalulungkot isiping ang salapi ng mga ito ay walang nagawa nang dukutin siya ni Hestercita.

But then who would have thought that someone would do something that vile to the family? And in the island itself. Ransom money had not been the issue since there was no demand for it. It was an obsession for revenge by a woman scorned. Na pinlanong mabuti ang lahat ng ilang taon bago isinakatuparan ang pagkidnap.

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now