Chapter 6

1.3K 25 0
                                    


MULA sa mga tinitingnang papeles sa malaking mesang yari sa makapal na salamin ay nag- angat ng mukha ang boss niya. A man in his mid-thirties. Of medium height and build. Mestizo, may manipis na bigote, at magandang lalaki.

Sa unang tingin ay walang mag-aakalang gay ito dahil dignified ang dating. Kahit ang tinig nito'y panlalaki.
Subalit kapag matagal mo na itong kausap ay kusang humuhulagpos ang tunay na pagkatao- na hindi naman itinatago. Gayunman, wala silang nababalitaang nakikipag-date ito sa lalaki. Lalong hindi sa babae. At sa kabila ng mahigpit ito ay kasundo nilang lahat. Nagbibiro at nakikipaghunta sa kanila kapag walang customer.

Yelena cleared her throat. Hindi nagsasalita si Jacques at nakatitig lang sa kanya na tila ba noon lang siya nito nakita.

Her employer blinked and looked at her. "My god, you're perfect! Bakit ba hindi kita naisip kaagad? Sana'y hindi na ako nag-aksaya ng oras sa dalawang kasamahan mo!" bulalas nito na tumayo mula sa pagkakaupo sa mamahaling swivel chair at lumakad patungo sa kanya.

Inikot-ikutan siya nito habang patuloy sa pagsuri sa kanya na tila siya ginagamitan ng magnifying glass. At sa pagkamangha niya'y tinanggal nito ang cap niya at lumadlad ang makapal at hanggang balikat niyang buhok. His fingers ran through her hair not-so-gently.

"You have a deep brown hair. Shiny and healthy!

Pang-shampoo commercial."

May ahente ba itong kausap at naghahanap ng modelo para sa shampoo? tanong niya sa sarili na agad din niyang tinanggihan dahil ang dalawang nauna ay ni hindi naman natanggal ang net na nakapaikot sa buhok. At ang sabi'y pinalilis ang mga palda, sa halip.

Huminto ito sa harap niya at hinawakan siya sa baba at itinaas ang mukha niya. Dahil may kataasan siya ay halos nasa eye level na siya nito.

"You have green eyes!" he exclaimed. Kapagkuwa'y bahagyang kumunot ang noo nito at nagdududang tinitigan ang mga mata niya. "Oh, I'm sure they're contacts. Pero bagay sa iyo ang kulay."

"N-natural ho ang kulay ng mga mata ko, sir."

He rose a brow. Muling itinaas ang mukha niya at tinitigan ang mga mata niya. "Fascinating," he murmured and turned her face left and right.

"And you have good skin, too. Hindi bagay sa iyo ang mahirap." Umarko ang isang kilay nito. "Kung hindi maganda ang takbo ng delicatessen shop ko'y magtatayo ako ng modelling agency at kukunin kitang modelo. Tatalunin mo ang maraming kilala at established nang modelo natin."

Pinakawalan nito ang mukha niya at umatras subalit hindi siya hinihiwalayan ng tingin. Then his brows furrowed and was momentarily lost in thought.

"Well, I have a friend who is " Iwinasiwas nito ang kamay "Never mind that. How old are you?"

"Almost nineteen, sir."

"Spring chicken." His mouth twitched a little in a sardonic smile. "Take your stockings off, Yelena, and show me your legs."

Napahugot siya ng hininga. Sa kabila ng nasabi na sa kanya ng dalawang kasamahan na iyon ang iniutos ni Jacques sa mga ito ay hindi pa rin niya maiwasang magulat. May bahagi ng utak niya ang gustong tumanggi. Pero dahil naisip niyang gay naman ito at baka bale-wala naman dito ang makita ang mga binti at hita niya napilitan siyang sundin ito.

"Para saan ho ang lahat ng ito, sir?" tanong niya habang alanganing inirorolyo pababa sa binti ang stockings.

"Just do it, Yelena, and let's not waste time. Wala na akong panahon! Limang araw lang at kailangan na kita. Ipatatahi ko pa ang costume mo."

Wala siyang naiintindihan pero bumilis ang pagrolyo niya pahubad sa silk stockings at pagkatapos ay bahagyang itinaas ang skirt ng damit.

"My god!" muli nitong bulalas na dahilan upang dali-dali niyang ibinaba ang palda dahil parang gusto niyang magkamalisya sa panlalaki ng mga mata nito.

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now