Fear 9 : Heartbreaker's Demise

80.3K 2.6K 2.2K
                                    

THIRD PERSON'S POV

Dahan-dahang idinilat ni Aries ang kanyang mga mata nang makarinig siya ng kalansing ng mga kadena. Ramdam parin niya ang Sakit at Hapdi na dulot ng kanyang malaking sugat sa noo kayat medyo nahihilo pa siya. Huminga siya ng malalim at napalingon sa paligid.

Laking gulat niya nang mapansing nakahiga siya sa isang madilim na kalsada. Walang bahay sa paligid kayat mas lalo itong kinabahan. "T..tulong!" Napasigaw na lamang siya nang mapagtantong nakagapos ang kanyang mga kamay at paa. Sa pagpupumiglas ay mas lalong tumulo ang dugo sa kanyang noo at itoy pumunta na sa loob ng kanyang mata. Napapikit na lamang siya at napasigaw sa hapding naramdaman.

"Shadow gising na pala to oh!" Sigaw ni Lucifer sabay turo kay Aries.

Napangiti na lamang si Shadow."Perfect.. then Lets begin!" sigaw nito at agad na lumapit kay Aries.

"Hindi kaya magalit si King sa ginagawa natin? Hindi pawn si Aries" paalala ni Light na nakaupo lamang sa kalsada.

Ngumiti lamang si Lucifer "hindi yan dahil this isnt about the game. This is a personal vendetta... Valid to dahil hindi naman ito parte ng laro."

Tumango na lamang si Light. Sa kanilang lahat, siya ang pinakabaguhan kayat kung tutuusin hindi niya pa kabisado ang lahat ng batas na dapat sundin. Iisa lang ang pagkakapareho niya sa iba, Ang kagustuhang pumatay.

"Nga pala anong kasalanan niya?" Tanong ni Light

"He broke my friend's heart" tipid na sagot ni Lucifer na may galit sa kanyang mga mata.

"Sinong kaibigan? " light

"Keith...." Tipid itong ngumiti at Yumuko "Narinig kong nag-uusap yung Peter at Red kanina. And since Keith is gone. Ako na ang bahalang maghiganti para sa kanya." Lucifer

"How About Red?...He killed her right? Teka yung si Peter hindi ba natin siya didispatsahin? guguluhin nila tayo!" Light

tumango si Lucifer "Ang dami mo namang tanong puta! Ako na ang bahala kay Red. May inihanda na ako sa kanya..." bigla itong napa-smirk. "Kay Peter at Robbie...Wala muna tayong gagawin. Its against the rules. Maghintay nalang tayo sa utos ni King" dagdag pa nito.

"Pwede bang mamaya nalang yang daldalan ninyo?! Gusto ko ng umuwi!" Sigaw ng naiinis ng si Shadow.

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon