Fear 16 : Willful Ignorance

65.8K 2.3K 628
                                    

PETER'S POV



"Shhhh. Say one word and I will cut your tongue" mahinang bulong niya sa tenga ko gamit ang nakakatakot niyang boses. Sa takot ko ay tumango na lamang ako dahil pakiramdam ko seryoso siya.

"Mm Mmm" impit na bulong ko dahil tinatakpan parin niya ang bibig ko.

"PFFFTTTTT......" Nagulat ako nang bigla itong tumawa na para bang pilit na pinipigilan ang sarili niya "Joke lang. pero seriously wag kang maingay kung ayaw mong bugbugin kita....eww laway"  bulong ulit nito at agad na binitawan ang bibig ko sabay pahid sa akin ng kamay niya. 

Ngunit mas ikinagulat ko nang mapalingon ako sa kanya.

Naaninag ko ang mukha niya nang dahil sa maliit na siwang sa basurahan na napapasukan ng maliit na liwanag mula sa buwan.

"Mack?" mahinang bulong ko.

Teka bakit siya nandito? 



Bigla niya akong sinuntok sa braso kayat napapikit nalang ako sa sakit.

"Sabi ng wag maingay eh" mahinang bulong ni Mack na parang naiinis na.

"Eh yang ginagawa mo nag-iingay ka rin!" Pabulong na sigaw ko sa kanya at agad siyang tiningnan ng masama.

"Shhhh! Tumahimik ka!" Pabulong ding sigaw ni Mack sa akin.

"Ikaw din! Tumahimik ka!" ako

"Gago alam ko!" Mack

"Eh bakit nag-iingay ka diyan?!" ako

Sasagot pa sana si Mack nang bigla kaming makaranig ng mga yapak. May dadaan na sa amin. Dali-dali naming tinakpan ang bibig ng isa't-isa nang dahil sa kaba na mag-iingay ang isa sa amin. 

"Pre nasaan kaya yung babaeng yun?! Ambilis!" Reklamo ng lalaking hinihingal.

Teka, Hindi ako ang hinahanap ng mga lalaking makakasalubong ko sana? Ibig sabihin, Si Mack ang hinahabol nila? Bakit naman nila hahabulin sa mack?

Napapikit ako upang mapakinggan ng mabuti ang mga yapak ng paa. Base sa mga naririnig ko wala ang mga knights. Hindi sila dumadaan malapit sa amin. Sumuko na kaya sila sa paghabol sa akin?

"Dun tayo sa kabila!" Narinig naming sigaw ng isa at agad silang tumakbo upang hanapin ulit si Mack.

Nang maramdaman naming wala ng tao sa labas ay dahan-dahan naming iniangat ang takip ng basurahan. Nauna akong makaalis dun kayat agad kong inilahad ang kamay ko upang tulungan siyang makaaalis doon.

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon