Fear 25 : Rest In Sh!t

59.9K 2.4K 3.6K
                                    

PETER'S POV

Awang-awa ako para kay Mack. Alam ko ang pinagdadaanan niya ngayon dahil ganito din ang naging sitwasyon ko noon. Pero alam kong mas masakit ang sitwasyon niya dahil mismong mga kaibigan niya ang gumawa nito sa kanila.

"Teka nasaan si Travis at yung daddy ni Mack? Kailangan sila ngayon ni Mack" Tanong ko

"Nasa eskwelahan pa ang daddy ni Mack. Pinaghahanap pa nila yung iba." Red

"Sabi ni Caleb madami daw sila pero bakit iilang bangkay lang ang natagpuan dun?" Master

"Ang mga knights" mahinang bulong ko. 

Biglang tumunog ang cellphone ni Master kayat agad siyang nagpaalam na lalabas muna. Paglabas niya ay siya namang pagpasok ni Travis sa kwarto.

Napaka-awkward ng sitwasyon namin. 

Hindi namin alam kung ano ang sasabihin.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Travis. "M...mack!" sigaw niya kayat agad kaming napalingon kay Mack.

Nagulat kami nang makitang nakatayo na si Mack at pilit na tinatanggal ang dexrose sa kamay niya. Lalapitan ko sana siya kaso naunahan ako ni Travis.

"Wag ka munang tumayo di mo pa kaya!" Alalang sigaw ni Travis at agad siyang inalalayan upang mapabalik sa kama.

"Let go of me. I have to see chippy" Sabi ni Mack na may napakalamig na boses. Wala akong ibang emosyong nakikita sa mukha niya pero nakikita kong patuloy sa pagbuhos ang luha niya.

Teka kanina pa ba siya gising? Baka narinig niya yung sinabi ko? O_O

"Wag matigas ang ulo. Magpahinga ka muna hindi mo pa kaya" travis

"Let Go! Chippy needs me! Siya nalang ang natitirang kaibigan ko kayat pwede ba bitawan mo ako!" Sigaw ulit ni Mack ni mack at agad na umalis kahit halatang nahihirapan pa ito.

Napatingin ako kay Travis at bahagya akong nakaramdam ng awa para sa kanya.

Magkapatid sila pero bakit hanggang ngayon ayaw niyang aminin ito kay Mack?. May malaking posibilidad na mamamatay rin siya pero pakiramdam ko mabuting tao siya.

- - - - - -- - - - -- -- -

"Chippy!" Sigaw ni Mack habang humahagulgol at dali-daling niyakap si Chippy na kakagising lang. Nakakabwisit. Bakit si Chippy niyakap niya samantalang ako hindi? T_T

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon