MACKENZIE'S POV
"Pakyu mauuna ako sa inyong lahat! expert na ako dito!" sigaw ni Finn na nangunguna na sa karera namin.
"Waaaaa! Hell to the pakingshet! ako ang mananalo!" sigaw din naman ni Chippy na gaya ng dati ay napaka-competitive parin sa kahit na anong laro. Pilit niyang pinapagulong ang wheelchair sa pamamagitan ng kanyang kamay ngunit sadyang hindi ito umuusad. Halos maiyak na ito sa pagiging desperado kayat tawa lang kami ng tawa.
"My Beautiful Nails!" Sigaw ni Peyton habang hawak din ang gulong ng kanyang wheel chair na inuupuan.
"Langya Arte mo!" pabiro kong sigaw sa kanya.
"Unfair naman ng larong to! Siguradong si Finn ang mananalo eh!" sigaw ni Topher na naiinis nadin.
Napansin naming parang kulang kami kayat agad kaming napalingon sa likuran namin at nakita naming naroon lang si Eroll at nakaupo lang sa wheel chair habang nakataas ang dalawang paa sa pader habang nagsa-soundtrip at mistulang natutulog na.
Napabuntong hininga nalamang kami nang dahil sa inis. Si eroll nga naman...
*PRRRRT*
agad kaming natigil nang maabutan na kami ng mga gwardiyang kanina pa humahabol sa amin. Pawis na pawis na ang matabang guard at parang hihimatayin na kayat hindi nalang kami nagpahabol pa.
"Guard! tara ihahatid na kita sa emergency room tutal malapit lang tayo!" pabirong sigaw ni Chippy kayat agad siyang sinamaan ng tingin ng gwardya.
Hingal na hingal ang guard habang pilit na nagsasalita "W..walang hiya k..kayong mga bata kayo oh! Ospital to! OSPITAL! bakit kayo nagkakarerahan ng wheel chair dito?!" sigaw niya na inis na inis kayat nagtawanan nalang ulit kami.
inabot ng ilang minuto ang pagsesermon sa amin ni Guard kayat pagkatapos nun ay agad na kaming bumalik sa hospital room ko. May inaasikaso pa daw si Daddy kayat ang mga kaibigan ko muna ang maghahatid sa akin pauwi ng bahay.
"Are you sure okay ka na?" tanong nilang lahat sa akin habang inaayos ko ang sarili ko.
"I always am. Hindi ako binansagang little miss hurricane para lang sa wala" biro ko pa at agad na sinuot ang sapatos ko.
Nakakatuwang pagmasdan na nag-aalala talaga sila sa akin. Kahit na maaga akong naulila mula sa totoong pamilya ko, atleast may nakilala akong mga taong nagmamahal parin sa akin kahit na gaano kasama ang ugali ko. Sana lang tama tong gagawin ko.
"Uy chippy anong ginagawa mo diyan? Tara na!" Sigaw ni Eroll kayat napatingin kaming lahat kay Chippy na abalang-abala sa pagkikilatis ng dextrose.
BINABASA MO ANG
Fear Thy Pact
Mystery / ThrillerPact Series # 2 | "To defeat the monster, I must become a monster."