Real Finale [Alternate]

61.5K 2.5K 1.6K
                                    

Author's note : Before anything else i would like to formally announce that Pact Series would become a Trilogy. Yes, that means there will be a book 3. 

Sorry kung nakakalito man tong biglaan kong announcements pero maging ako nalilito narin. hahaha. Simula't-sapul pa lang kasi ay hindi pumasok sa isip ko ang Book 3. Akala ko kasi wala ng may gusto ng book 3 kayat di ko inaasahan na madami palang magre-request. I never planned a book 3. I started thinking about it after i've posted the Epilogue last Tuesday.

And since may book three, ibig sabihin There will be changes. Changes sa Finale at Epilogue. Isipin niyo nalang na Fake Finale at Epilogue yung nabasa niyo last week. hahahaha. Mianhe. Sorry. Patawad *singhot floorwax*

Sana basahin at suportahan niyo parin yung book three :)

So this is the REAL ENDING.....

- - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - -

MACKENZIE’S POV

Takbo lang ako ng takbo.

Kasimbilis ng pagtakbo ko ang pagpintig ng puso ko dala ng kabang kanina ko pa nararamdaman. Tinitiis ko ang sakit at hapdi ng sugat ko sa ulo ko. Hilong-hilo parin ako pero hindi ako pwedeng maging mahina, Kailangan ako ng kapatid ko at ng daddy ko.

May mga nakakasalubong akong mga taong hindi ko kilala ngunit panay lang ang ngiti nila sa akin. May ibang binabati pa ako. Napaka-weird ng buong lugar.

Nakarating ako sa kwarto kung saan ko huling nakita sina kuya at ang daddy ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang dahan-dahan kong pinipihit ang siradura ng pintuan.

Habang dahan-dahan ko itong binubuksan ay bahagya akong nakarinig ng sigaw. Sigaw na parang nasasaktan.




Dahan-dahan akong sumilip mula sa siwang  ng pintuan at nakita ko si Kuya Paxton na nakatalikod mula sa akin. Nakatayo siya samantalang nasa paanan niya si Kuya Travis. Nakadapa ito at mistulang duguan.

Nanlaki ang mga mata ko nang maaninag ang duguang baseballbat na hawak-hawak ni Kuya. Tuluyan akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makitang hinampas ni Kuya Paxton ng napakalakas si Travis gamit nito.

Gusto kong magsalita ngunit walang boses ang lumalabas sa bibig ko.

Mahal ko sila pareho

at napakasakit makitang sinasaktan ni Kuya ang sarili naming kapatid.

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon