Real Epilogue

74.1K 2.8K 5K
                                    

EPILOGUE :

5 years later.

 

Mackenzie’s POV

“Mommy Mommy!” Sigaw niya sa akin habang umiiyak.

Mula sa bench na kinauupuan ko ay agad akong tumayo at pinuntahan silang mga batang naglalaro sa playground. Nag-alala ako kayat agad ko silang nilapitan.

Lumuhod ako upang maging magkapatantay kami ng batang babae at agad na pinunasan ang luha niya. Sa totoo lang imbis na maawa ay natatawa ako sa batang to. Yung uhog niya kasi parang naglalandslide na dahil sa sobra niyang pag-iyak.

 "Mommy Macky..huhuhuhuhu" iyak niya

“Pey-pey what’s wrong?” Tanong ko sa kanya habang nilalambing siya. Hinimas ko ang blonde niyang buhok at pinagmasdan ang asul niyang mga mata. Ang cute talaga ng batang to.

Kinusot-kusot niya ang mga mata niya. “Mommy! he’s a pervert!” Sigaw niya sabay turo sa  batang lalake na tumatawa sa isang tabi.

Pervert…

.Muli akong napangiti nang marinig ko ang salitang yun. Biglang bumalik ang ala-ala ng nakaraan. Kamusta na kaya yung pervert na yun?

 

Iniisip parin kaya niya ako?

 

Kasi ako araw-araw ko parin siyang iniisip.

Mahal parin kaya niya ako?

“Mommy! Why are you smiling?! Huhuhuhuhu” Iyak ulit ni Pey-pey. Napabungisngis na lamang ako at tinapik ang ulo niya.

“Shh.. don’t cry baby, you look ugly when you cry.” Biro ko sa kanya upang tumigil siya sa pag-iyak ngunit hinampas lang niya ako dahil mas lalo siyang nainis. Tumawa na lamang ako.

“HAHAHAHAHA! Ugly! Pey-pey ugly name! ugly face! Hahaha” Sigaw nung batang manyakis na nakikinig pala sa usapan namin.

“Mommy!” sigaw ulit ni Pey-pey at mas lalong umiyak.

Napakamot na lamang ako ng ulo ko. Shet lang paano ba to patatahanin? Masyadong iyakin. huhuhu

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon