Fear 10 : Conflicted Feelings

77.6K 2.6K 2.4K
                                    

MACKENZIE'S POV

*AW AW AW*

Nagising ako sa napakalakas na tahol ni Happy kayat agad kong tinakpan ng unan ang mukha ko gamit ang unan. Nakakainis ang ingay!. Sarap niyang itapon sa Bintana! joke. Babalik na sana ako sa pagtulog nang bigla niyang kinagat ang kumot ko at hinatak ito papalayo sa akin.

"Anong gusto mo tug of war?!" Sigaw ko sabay hatak pabalik sa kumot. 

Napatingin ako sa alarm clock ko at laking gulat ko nang mapansing malapit na palang mag 7am. dali-dali akong napaupo sa kama. Buti nalang pala ginising ako ni Happy kundi late na naman ako.


Nakakatuwang tingnan ang asong to dahil parang tuwang-tuwa siya nang makitang gising na ako. Nakababa ang dalawang tenga niya habang ang buntot naman niya ay walang tigil sa pagwagayway. Agad siyang umakyat sa kama kayat niyakap ko nalang siya. Tama nga si Kuya kessler, Kahit papaanoy gumagaan na ang loob ko kapag kasama ko si Happy.

"Sa tingin mo, mahahanap ko na kaya sila?" Mahinang bulong ko kay Happy. Isinandal ko ang ulo ko sa ulo niya kayat parang may kayakap lang akong teddy bear. "Happy, magsalita ka nga para may makausap ako" bulong ko ulit.

"Happy magsalita ka kung ayaw mong itapon kita sa bintana" banta ko ulit sa kanya.

Natawa nalang ako sa sarili ko. Nababaliw na talaga ako... Pati aso pinipilit kong magsalita.. Hay buhay....Sana mapatawad ako ni Daddy sa ginagawa ko.

- - - - - - - - - - - - 

PETER'S POV

Nakakapagod. Kanina pa kami nagtatago ni Red sa isang maliit na kwartong lalagyan ng mga cleaning supplies. 

Sa wakas ay lumabas na yung babaeng estudyante mula sa faculty room. Kanina pa namin siya hinihintay na lumabas upang makapasok na kami doon.

"Tingnan mong mabuti baka may makakita sa atin!" Red

Napakamot nalang ako sa ulo ko at agad na napalingon sa paligid. Walang ibang tao dito sa second floor ng faculty building kayat agad akong sumenyas kay Red.

Ilang minuto din akong naghintay doon labas. Kailangan kasing ihack ni Red ang Records ng eskwelahan upang makasagap ng ibang impormasyon lalong-lalo na tungkol kay Mackenzie. Maya-maya pa ay lumabas na ito at mukhang dismayado.

"Anyare?" Tanong ko agad kay Red

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon