Fear 29 : Predators

63.5K 2.4K 1.3K
                                    

MACKENZIE’S POV

Nakangiti lamang ako habang tinitingnan ang mga mata ni Kuya.

“Tinatanggap mo na bang maging queen sa larong to?” Tanong ni Kuya na may ngiti sa kanyang labi.

dahan-dahan tumango habang tumutulo ang butil ng luha sa mga mata ko.

“Fvck you” mahinang bulong ko at bigla siyang nasampal. Inilabas ko sa pamamagitan ng sampal na yun ang lahat ng sama ng loob ko.

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Kuya nang dahil sa ginawa ko. Mahal ko siya pero hindi ko na kayang i-tolerate pa yung ginagawa niya. Mamamatay tao siya, mamamatay tao sila. Hindi bukas sa kanila ang pagbabagong buhay.

“Simula ngayon kalimutan mo nang magkapatid tayo. Wala akong pakialam kung papatayin mo man ako ngayon,” Bahagya akong tumawa at tumingala sabay punas ng luha sa mga mata ko. “The hell patayin mo nalang nga ako nang sa ganun matapos na tong paghihirap ko. Tangina lang eh, kapatid kita pero ginagago mo lang ako. Ginago niyo lang ako” mahinang bulong ko at unti-unti na namang tumulo ang luha ko.

“Faith don’t do this to us! Kami ang totoong nagmamahal sayo! For God’s sake Faith! He killed our parents! Hindi siya maaaring manalo! We have to commit the perfect murder to beat him in his own game! We have to be a better murderer than him!” Sigaw ni Kuya na halatang galit na galit na sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako. “Faith ako to si Paxton yung kapatid mo. buhay ako! Kuya ganun lang naman kadali yun eh! Ang daling magpakilala pero ano tong ginawa mo?!” napahagulgol ako habang kinakagat ang labi ko upang maibsan ang sakit na nararamdaman ko. “Kuya isinali mo ako sa isang punyetang kulto. Ginawa mo akong isang puppet. You just ruined my life! You know that right? At isa pa nananakit kayo ng mga tao nang dahil sa isang walang kwentang rason! Wala kang kwentang kapatid! Sinasabi niyong mahal niyo ako pero pinipilit niyo akong gumawa ng masama! Salamat ha? nang dahil sa inyo nalaman kong si Daddy ko lang talaga ang totoong nagmamahal sa akin!”sigaw ko

“What about your friends?” Tanong Kuya na may napakaseryosong expresyon sa kanyang mukha at agad na itinuro ang mga itinuring kong kaibigan.

Napasinghal na lamang ako at tinaasan siya ng kilay.  “Friends? At first I thought what we had was friendship” Napatingin ako kay Peyton at sa iba pang mga kaibigan ko kuno “Now I know it was only an illusion…”

“P..paano na ako? Paano na ang pamilya natin?” Mahinang bulong ni Kuya habang nakatingin sa kawalan.

Fear Thy PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon