CHAPTER 1: First Meet

4 0 0
                                    

"Doctora, code blue"

Nagmadali akong pumunta sa kwarto ng pasyenteng yon. The nurses also came with me running. I immediately started performing CPR and used the defibrillator. Seconds turn to minutes. Ten minutes of reviving kaso wala pa ding response ang pasyente. Pinalitan na rin ako ng kapwa kong doctor para irevive ang pasyente. Ilang beses naming sinubukan.

We revived the patient for almost 30 minutes kaso wala pa rin, wala na. That's why pinahinto ko na lang din ang kapwa kong doktor.

"Doc, I think its time to call it."

"Time of death. 2:31 PM. Ill be the one to talk to the family." I said.

Bumuntong hininga akong lumabas sa kwartong yon. I really hate this part of our job. They always say that being a doctor is tough kasi hawak namin ang buhay ng mga pasyente namin, which is true. Pero ang hindi nila alam, hindi naman ang pag-oopera ang pinaka mahirap na parte ng pagiging doctor. The hardest part of being a doctor is to tell the family that their loved one is already gone.

Naabutan kong papasok pa lang ang mga magulang ng namatay na pasyente. I saw worries from their eyes. Hindi ko alam pero tuwing namamatayan kami ng pasyente dito sa ospital, para na din kaming namatayan.

"Good morning po doktora." Bati sa akin ng ginang.

Tipid akong ngumiti. Magandang umaga din po maam. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. Ayokong sirain ang umaga nila kaso kailangan din nilang malaman.

"Ahhmm---Maam, nung kanina po na wala kayo dito sa ospital. Nag code blue po ang anak niyo. Ginawa po namin lahat maam. Were very sorry."

Unti-unti kong nakita kung pano namutla ang ginang at ang asawa nito. Pumasok kaagad sila kaagad sa kwarto ng anak nila. They cried and cried. We just let them be. Nasanay na lang din ako sa mga ganong pangyayari.

We really tried. I just went around and did my rounds. For the next seventeen hours ganon ako. Kaya naman nang matapos ang shift ko, umuwi na lang din kaagad ako.

When I was already in my room, kaagad na bumigay ang katawan ko nang maramdaman ko ang malambot kong kama. I slept for the next 5 hours. Sirang-sira na ang body clock ko dahil paiba-iba ang schedule ng shift ko. Kagaya kahapon, bente-kwatro oras ang duty ko. Ngayon naman almost twelve hours. Sa totoo lang, I dont know kung ba't pa ako buhay ngayon.

When I woke up it's already ten in the morning. Mamayang tanghali pa naman ulit ang shift ko kaya naman nag umpisa na lang din akong maghanda na. I just did my routine. Hindi ko na din magawang mag skin care. Basta-basta na lang magbibihis at kunin ang mga kinakailangan ko mamaya.

Malapit lang naman ang ospital na pinagtra-trabahuan ko tsaka sa condominium kaya hindi ako nahihirapan sa traffic. It was only a twenty minute drive kaya mabilis akong nakarating at nagpark ng sasakyan.

Pumunta na lang din ako kaagad sa fourth floor. Doon kasi ako na-assign. I wore my lab coat and checked everything.

Pagkatapos kong mag ikot-ikot para icheck ang kalagayan ng mga pasyente, I decided to take a nap.. Pero bago pa ako maka upo, nakarinig na lang ako ng sirena ng ambulansya.

'Hayyyyssstttt! Kalma. Mukhang kritikal na naman ang ipapasok nila.' Bulong ko na lang sa isip ko.

Gaya nga ng akala ko, kritikal tong pasyenteng to.

"Doktora, two gunshot wounds."

"Okay. Prep the ER and call Dr. Lazaro."

The operation went well, this patient is lucky at hindi masyadong malalim ang tama ng baril sa katawan niya. I just noticed that he has a tattoo on his lower torso. I just got curious kasi ang pagkakaalam ko ay hindi pwede ang tattoo sa mga sundalo.

Nung lumabas ako, naabutan ko dun ang mga hula kong kasamahan niya sa pagsusundalo.

"Doc, kamusta po?" Tanong kaagad saken ng isang sundalo. I can see his surname in his uniform.

"The operation went well, Sir Lemireo. He's stable now. Buti na lang at nadala niyo din siya kaagad dito. You can rest now. Baka bukas o mamaya-maya, gigising na din ang tropa niyo."

"Salamat po doc." The soldier sighed after hearing what I said. Mga gantong expression yung gusto kong nakikita mula sa pamilya ng pasyente ko.

"You're welcome. And by the way, kaano-ano mo ang pasyente?"

"Kapatid ko po, doc." Sabi ni Sir Lemireo. Tatawagin ko na lang siyang Sir tutal ganon naman dapat. Pero hindi sila magkamukha nung pasyente kanina.

And why the hell do I care and notice that? The fuck!

"Ow, okay. I see. Please talk to Nurse Vida, may mga kailangan ka lang i-fill up na mga papeles tungkol sa kapatid mo."

"Yes po, doc. Marami—-- "

Naputol na ang sasabihin niya ng bigla na lang may sumigaw at tumatakbong papunta samin. It was a man wearing his military uniform.

"Kuya!!"

Nang nakalapit na siya samin. Akala ko tatanungin niya muna ang sundalong kausap ko.

"How is he, doktora?"

And before I answered his question, I saw his surname on his uniform.

Hmmm, another Lemireo.

Our Own Secret Mysteries (Ranger Series #1)Where stories live. Discover now