CHAPTER 6: His New Victim

2 0 0
                                    

ANDREI

"Hello Ate?" Sagot ko sa kabilang linya.

"Kamusta, bunso?"

"Kuya Phoenix is fine. Hindi naman daw ganon kalala ang tama niya. Buti na lang at nadala namin kaagad siya sa ospital kanina."

"Okay. Mabuti naman kung ganon. Nahuli lang ng dating ang back-up. Thank God I could contact Lt. Col. Mariano in the Air Force to send some choppers to your location."

"Okay lang ate. Thank you pala dahil don. Masyado lang talagang marami ang kalaban in that area. Don't blame the reinforcements."

Bumuntong-hininga na lang si Ate sa kabilang linya. "Yes, yes, bunso." Natagalan bago ulit siya nagsalita. "And please, don't blame yourself on what happened to Phoenix. Walang may kasalanan non, walang may gustong mangyari yon. Just rest, okay?"

Ganyan lagi si Ate. She would always tell us that it's fine and we shouldn't blame ourselves every time may gantong nangyayari. What a sweet and a bitch sister.

"Yes ate. Ayan ka na naman sa mga sermon mo eh. By the way, kailan ka bibisita dito sa ospital? Well, the doctor said that within a week or two, makakalabas na din naman si Kuya pero makakabisita ka pa ba?"

Ate sighed. I knew that sigh. "I can't brother-mine. Iniwan saakin lahat ni Papa ang trabaho niya dito sa HQ. Tsaka, si Papa na naman ba ang nagsabing kailangang makalabas kaagad si Phoenix dyan?"

Yeah, she knew. Wala ka namang malilihim sa taong to. "As usual ate. Alam mo naman yun."

"Hindi na nakakagulat. Just make sure Phoenix is fine. Kapag bumalik yan dito na hindi pa talaga siya okay, ibabalik ko siya diyan sa ospital sa ayaw o gusto niya, ganon din kay Papa."

"Will do, maam." Natatawang sabi ko sakanya.

"That's an order. Anyway, take care, 2nd Lt. Lemireo."

"Yes, Major Lemireo."

PAGKATAPOS, bumalik na lang ulit ako sa kwarto para tignan kung gising na si kuya. Those shots weren't fatal but it couldn't ease my worry. Nandon ako nang mabaril siya and yet I wasn't able to do anything.

Pagkapasok ko, Nakita ko na lang din sila Papa at Kuya Harvin na kinakausap si Kuya Phoenix.

"Be there within the next 36 hours." Rinig kong sabi ni Papa kay kuya Phoenix.

"Sir, yes, sir!" Sabi ni Kuya, sabay saludo sakaniya.

Tumalikod na lang si Papa tsaka tinapik ang balikat ko at lumabas na ng kwarto.

I sighed. "'Wag mo nang pakinggan si Papa kuya, pahinga ka lang. Tsaka, pasensiya na din at wala akong nagawa nung nabaril ka."

"Una, hindi ka pa nasanay kay Papa? Ganiyan na siya kay Ate at Kuya Levin bago pa tayo pumasok na tatlo. Kaya ayos lang yun. Pangalawa, sundalo tayo. Hindi na bago saakin ang mapuruan. And don't give me that face, di mo bagay. Iiyak ka na eh."

"You're fine. Nagagawa mo nang magbiro." Sabi ni Kuya Levin habang hawak ang dyaryo, na sigurado akong di naman niya binabasa.

"Oh, yeah. Malakas to eh. Gwapo pa."

The three of us just shrugged our heads. Si Kuya Phoenix pa din talaga ang pinaka-mahangin samin.

"Gwapo nga, di naman naka-ilag sa mga bala." Pambabara ni Kuya Harvin sakaniya.

"Foul!" Sabay naming sabi ni Kuya Levin.

"Nagsalita yung na-coma dahil lang sa isang tama ng baril sa ulo." Kuya Phoenix said.

"Sinong di ma-co-coma eh sa ulo nga nabaril. Eh, ikaw? Yung isa daplis lang sa balikat, yung pangalawang bala sa binti mo lang naman. Walang wala ka pa din saken." Rebat ni Kuya Harvin.

Magsasalita pa sana si Kuya Phoenix nang nagsalita na lang si Kuya Levin.

"Alam niyo kayong dalawa, tama na yan. Kambal nga talaga kayo. Parehong may tama ng mga baril."

"At sa utak" dagdag kong sabi.

"Nagsalita na naman tong si Kuya eh mas malala pa nga sayo. Eh ayan- " Sabay turo saken ni Kuya Phoenix. "Siya na lang naman ang di pa natatamaan ng bala satin."

"Bulletproof kasi to Kuya. Ako lang to!" Sabi ko sakaniya.

"Pag ikaw nabaril, tatawanan lang kita."

Umiling-iling na lang ako. "Alam mo kuya, magpahinga ka na lang. Kanina pala tumawag si Ate. Alam mo naman yon. Kaya magpagaling ka talaga kundi ibabalik ka daw niya dito sa ospital pag nakita ka niyang hindi maayos sa HQ."

"Oo na. Pusta ko—" Di na natuloy ang iba pang sasabihin ni Kuya nang bigla na lang may pumasok na nurse sa kwarto.

"Good evening po mga Sir! Pasensiya na po, iche-check ko lang po muna ang pasyente ngayong gising na siya."

"It's okay, do your thing. We don't mind." Kuya Levin said.

Chineck lang ng nurse si Kuya, pagkatapos ng ilang minuto, she just said some things to him.

"Yun lang naman po, sir. Pahinga lang po muna kayo ngayon. In case, you need anything, just press that button beside the table."

"Thank you, maam." Sabi ni Kuya Phoenix sa nurse.

Akmang lalabas na sana siya nang bigla akong may napansin. "Ahhmm—nurse, san pala yung doktora kanina?" Hindi ko alam bat ko yun tinanong pero wala na, natanong ko na.

"Ahh, si Dra. Vasquez po ba? Nasa OR po siya ngayon."

"Matatagalan ba siya don?" I unconsciously said.

"From what I know Sir, the surgery will last for 12 hours kaya matatagalan po talaga. Bakit po?"

"Ahh, wala naman. I just forgot to say thank you a while ago." A lie. I know. I already said thank you for fuck sake.

"Okay po sir, maiwan ko po muna kayo." I just nodded, and she left the room already.

Nakita kong nakatitig lang saakin sila Kuya Harvin at Kuya Levin. Kunot-noo naman si Kuya Phoenix.

"Ha! Dont tell me you already have a thing with these doctors?" Tanong ni Kuya Harvin.

"Na-ospital lang ako, lumalab-layp ka na naman." Si Kuya Phoenix naman yon.

"Hey, don't add her to your girlfriends list." Kuya Levin said.

Kilala na talaga ako ng mga to.

"Chill mga kuyas. Parang di nyo naman ako kilala. She's a doctor, bilang lang ang mga oras nila. At ako naman, it will just for fun. Kalmahan niyo."

They just sighed and shrugged their heads off. While I was there, I had a playful smirk.

Mukhang isang doktora na naman ang aking mabibiktima.

Our Own Secret Mysteries (Ranger Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon