CHAPTER 3: Second Operation

3 0 0
                                    

"Nasa ospital ka pa rin ba?"

Tanong pa lang alam mo na kung sino eh.

"Yes, Kat. Andami ko pang gagawin dito sa ospital kaya wag mo muna akong istorbohin." Mataray na sagot ko.

Sa aming lima, si Katana lang naman ang tumatawag saakin tuwing ganitong oras at kapag tinanong na niya kung nandito pa'ko sa ospital, isa lang ang ibig sabihin non.

"Sige na Qads. Di na nga tayo nakapag inuman last week, eh. Lahat kayo busy, mas lalo na sila Knox. Kaya halika na."

You see, this girl talaga.

"Hayst! Para namang di mo kilala sila Knox at yung dalawa pa. Okay, sige, sige. Puntahan na lang kita diyan after ng shift ko."

"YES!YES!YES! Sabi na eh, di mo talaga ako kayang tiisin! Bye girl! Ingats always! Love ya!" Matinis na tili niya.

"Yeah, bye."

Ganon na talaga tong Katana na to. She has been my best friend ever since high school. We also both know the reason why we entered this kind of life. She is always my partner. Tuwing may mga misyon pa kami. It is a rule in the agency na bawal kaming lumabas ng magkakasama kung hindi tungkol sa mga misyon. But because we are partners in crime, sinusuway namin lagi yun.

After how many hours, natapos na din, sa wakas ang paghihirap. Thirty-six fucking hours. Buti na lang at day-off ko ngayon. Very limited nga lang din ang day-off saming mga doktor. The director of the hospital that Im working with is a friend of mine kaya naman minsan napapadali ang paghingi ko ng leave at day-offs. But of course, I don't always use that connection. I only ask for it when its truly necessary.

Bagsak na naman ang katawan ko ngayong araw. Itutulog ko na lang dahil sigurado akong matindi-tinding inuman na naman to mamaya with Katana.

ANDREI ZYIE

"This is Musang 720-L30. Requesting for back-up."

"Sir! We cant track down your location."

Punyeta naman talaga oh! Kapag minamalas ka nga naman. We are stuck in a fucking forest. Maghahating gabi pa lang. Kanina pa nag-umpisa ang firefight laban sa mga terorista kaya naman nalalagasan na din kami.

"I'll open my phone. Track down our location using that! Kung di mo pa rin nahanap yan, contact Major Lemireo and ask for an immediate back-up!"

"Roger that sir!"

Isa sa mga pinagbabawal samin ang pag-on ng cellphone during military operations. Madaling nade-detect ng kalaban ang location namin, but now I was left with no choice but to turn on my location. Masyado ng marami ang tropa na nasusugatan.

Hindi ko alam na ganito pala talaga kahirap maging sundalo. This is only my second time conducting an operation at ako pa talaga ang ginawang head ng Team Bravo. I was with my brother kani-kanina lang. May nasagap na lang kaming balita kanina na marami nang pinagbabaril sa bayan. Hindi na din kami nagulat nang ireport samin ng isa sa mga Intel na si Ahmir Hared ang pasimuno sa nangyari.

He has been one of our list bago pa ako pumasok sa pagiging Scout Ranger. Lakas din ng tama netong Ahmir na to eh. Pasalamat talaga siya at hindi ganon karaming sibilyan ang nadamay kundi makakapatay ako ng wala sa oras.

"We already track your location, sir. Nakakuha na din po kami ng order galing kay Major Lemireo, magpapadala na ng mga choppers diyan. "

"Copy that."

Ilang minuto lang din ang hinintay namin ng marinig namin ang ingay ng choppers.

"Team Bravo, Musang 720-L30 and Team Delta, Musang 130-A21. Lead your team and go west! May isa pang chopper na naghihintay sainyo don. Team Alpha and Charlie, go South!" Utos ng Commanding Officer namin.

"Copy Sir."

Nagkahiwa-hiwalay ang Team Alpha, Bravo, Charlie at Delta kanina dahil sa sunod-sunod na pagpapaputok ng mga kalaban. Kaya naman kailangan naming makita ang Team Delta. Hindi namin masyadong napag-aralan ang coordinates ng lugar dahil kaka-deploy pa lang samin dito kahapon.

The original plan was to conduct an operation the day after tomorrow para may oras pa kaming makipag-usap sa ibang sundalo dito sa Sulu. Unfortunately, that didn't happen. Pagdating namin dito kahapon, nakipag usap lang kami sa Commanding officer na ipagpabukas na lang ang meeting. Pero pagdating ng tanghali kanina, kung kailan papunta pa lang kami sa office ng CC, dun naman dumating ang grupo nila Ahmir Hared.

"Team Delta, nandito na kami. Double time! Over"

"Team Bravo, requesting for assistance. Masyadong masukal ang daan. Sampu na lang kaming natira. Bantayan niyo ang dadaanan namin diyan. Possible snipers, ahead." Sagot saken ni Capt. Phoenix Lemireo. Ang utol ko.

Nakakatuwa nga dahil nandito siya eh. Eto ang unang misyon na magkasama kami kaya medyo kampante pa ako.

"Yes, sir"

"Kayong lima, Garcia, Cruz, Santos, Carter, at Abe, bantayan niyo ang posibleng daraanan ng Team Delta." Utos ko sa limang sniper ng team.

Halos magtatatlong minuto din kaming naghintay bago nagkaroon ng update.

"Sir, we can see Team Delta approaching." Sabi ni Garcia

"Okay. Bantayan niyo lang at sigurado akong maraming snipers sa paligid."

"Yes, sir!"

Habang papalapit ang Team Delta samin, dun naman nagpaputok ang mga kalaban. Punyeta! Nawawalan na talaga ako ng pasensiya sa mga ganito.

Nagsimula na naman ang firefight. Tuloy-tuloy ang pagpapaputok namin hanggang sa tumigil na lang kami ng wala nang mga kalaban.

Pumasok na din ang iba sa chopper. Mabilis din ang galaw ng Team Delta. Kalahati na ng dalawang team ang nakasakay ng bigla na lang ulit nagpaputok ang mga kalaban.

At sa oras na yun, para akong nawalan ng lakas ng makitang natamaan si kuya.

Our Own Secret Mysteries (Ranger Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora