CHAPTER 5: Unexpected

1 0 0
                                    

"WTF just happened?!" Sigaw ni Kat sa kabilang linya.

"Hey! Qadira! Can you hear me?! Buhay ka pa ba?"

"Tang-ina. Wala sa plano to ah! Hindi na talaga kita tutulungan kapag Plan Libero, Katana!" Galit na sabi ko sakanya habang nasa likod pa din ng sasakyan at nagtatago.

Konti lang ang nakaka-alam na may anak pala si Thyron Villavicente kaya naman kampante ang ahensiya at ginawang one-man job na lang ang pagkuha sa anak neto.

My gosh! I wont sacrifice my life for this shit.

Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi ko na nakita kung san galing ang putok. Sigurado akong sniper ang nakabaril sakaniya, a very good one. Headshot.

"Sorry. 9 oclock, Qads! Nandon na ang sasakyan, I'll be there within two minutes."

"Copy that."

Mabilis kong pinuntahan kung nasan pinark ni Kat ang sasakyan na ginamit naming kanina. Akala ko maghihintay pa ako ng ilang minuto, buti na lang at sabay lang din pala kaming nakarating.

"Oh, bat ganyan yang damit mo?" Tanong ko sakaniya ng makitang gusot-gusot ang damit niya, mukhang galing sa labanan.

"Wala, may peste lang kanina." She calmly replied at inumpisahan ng magmaneho. Well, saming lima, siya naman talaga ang expert pagdating sa pagmamaneho.

We went to the Headquarters. Hindi naman dapat ako babalik ng HQ nang walang order pero dahil dinamay ako ng walang hiyang to, wala na akong ibang choice kundi sumama.

Hindi nga din nagtagal at nakarating na kami dito sa HQ.

This HQ is fully protected. You have to undergo five different stages para makapasok ka. First, sa mga guards. Second, the voice identification. Third, fingerprint. Fourth, body scan. Last, blood scan. Lahat yun kailangan to check your identity. Nakasanayan naman na namin yun mas lalo na yung panghuli, nasugat na ata lahat ng daliri naming dahil dun eh.

"Which house Senoras?" Tanong ng isang Jaren. Jaren ang tawag sa mga parang staffs at assistant dito.

"Mirania and Dalari."

Code Names, Senoras.

"Mirania YB 009." Sabi ni Katana.

"Dalari AZ 007." Sabi ko naman.

Kinakailangan talagang dumaan sa mga ganitong proseso kung gusto naming magreport o kausapin si Prof. Z. You can't enter the last floor of this building without your code names and if you do not belong to any of the houses.

"Approved, Senoras. You can now go to Prof Zs room. He's been waiting for the both of you."

Nagkatinginan muna kami ni Kat bago tinanguan ang isang Jaren. Sumakay na lang kami ng elevator papunta kay Prof. Hindi na kami nag-usap ni Katana dahil alam namin kung san na naman pupunta ang usapan nato. Nakarating na din kami sa kwarto ni Prof.

"Hello, Senoras. Miss me?"

"Oh, come on Prof. Were not here to play with you. Sigurado naman akong alam mo na ang nagyari kay Teri Villavicente." Katana said.

"Darling, don't rush it too much. Ikaw na nga tong palpak ang trabaho, eh. But, don't worry, the military had him neutralized already."

Nagkatinginan na lang ulit kami ni Katana. Hindi naming akalain na militar na pala ang nakapatay kay Teri kanina.

Sumabat na lang ako sa usapan. "Military? They knew?"

"Yes, akala ko hindi nila malalaman since we have agents there kaso nagawan pa rin nila ng paraan. Hindi din pala dapat sila minamaliit. They have been doing successful operations nowadays, kaya naman dapat mas mag-ingat tayo."

"Hindi pa rin ako makapaniwalang hahadlang na naman ang mga sundalo sa plano natin." Sabi ko.

"Qadira, matagal na silang hadlang satin. We just have no choice but to co-exist mas lalo nat may iniingatan tayong mga tao sa loob ng militar."

"I understand, Prof. Sino-sino ba kasi yang mga agent natin sa loob?"

He just smiled. "Hmm, mukhang nakakalimutan mo na ang isa sa mga batas dito sa loob ng ahensiya. Not telling of who you truly are."

Oh, yeah. That fucking rule.

Hindi dapat malaman ng kung sino man ang totoong ikaw. Not even your side jobs outside the agency. I broke that rule nung nalaman ni Katana, ganon din naman ako sakaniya. That's our dirty little secret in the agency.

"Anyway, I saw new recruits on the way up here. Marami-rami na naman kayong nabudol." Pag-iiba ng topic ni Kat.

"Oh, that one. How about you do me the favor of introducing the houses here in the agency?"

"Punyemas! Ako na naman! I already did that sa last recruits natin! Ba't hindi na lang yung iba?" Reklamo ni Kat.

"Youre the best person for the job so—"

"No, thank you. Si Qads na lang." Singit ni Kat sa iba pa sanang sasabihin ni Prof.

Hindi na lang ako nagreklamo. Ako naman ang naka toka sa mga bagong recruits ngayon. Ganon na ang routine naming lima, iikot yun samin kung sinong magpapakilala at si Kat nga nung nakaraan, kaya ako naman ngayon.

"Yeah, as if I have a choice." Pabulong kong sabi kay Katana. "When will I meet them, Prof?"

Tomorrow.

WTF! Bukas agad?! Pasalamat tong Prof na to wala pa akong shift bukas!

Our Own Secret Mysteries (Ranger Series #1)Where stories live. Discover now