CHAPTER 10: Baby?

0 0 0
                                    

Bumalik na lang din ako sa ospital. Balita ko lang din na successful ang operasyon sa sundalong Lemireo. I was walking around the hallway when I heard another familiar voice. Ni hindi ko man lang naramdaman ang presensiya niya.

"Dra."

Humarap ako para lingunin kung sino ang tumawag sakin non.

"Yes? Andrei?"

"Thank you once again, Dra."

"No biggie. I just recommended your brother to the best neurosurgeon here in the hospital, alam ko namang nasa mabuting kamay ang kuya mo kanina."

He smiled.

"Tsaka nga pala, Dra., I think my father already told Dra. Malesi about you joining our operation. Napag-isipan mo na ba?" Tanong niya saakin.

"Yes, about that, I will go. Just tell me everything that I need to know."

He explained everything to me mas lalo na't bukas na ng hapon kami pupuntang Sulu. I do not know why I had this feeling na nandon ang taong matagal ko nang hinahanap. Because of confidentiality sake, he only told me na may hinahabol silang mga terorista.

He didn't give any name. Sabagay, marami nga namang teroristang grupo sa bansa. Isa din pala sa mga rason ng pagpunta nila don ay sa rescue operation na gagawin nila. Balita ko nga din sa TV na may ilang sundalo ding nadakip ang mga teroristang yon nung nakaraang misyon nila.

I wonder. Dito din siguro nakuha ng kapatid niyang yon ang mga bala. Mga di maiingat.

Natigil lang siya sa pagpapaliwanag ng tumunog ang cellphone niya.

"Hello, sir." He said in a baritone voice. Ang lalim talaga ng boses nilang magkakapatid, mas lalo na to.

Tumango-tango lang ito. Bigla naman siyang nagsalita sa galit na tono kaya kunot-noo ko siyang hinarap.

"What?! Kailan pa sila nandito?--No–Fuck! Too much information, you asshole!"

Natahimik naman siya saglit at nagbuntong-hininga.

"Okay! Sorry. Copy that sir!"

Pinatay niya ang tawag at humarap sakin.

"Im sorry you had to hear that. It was my superior." Gone the irritated voice a while ago but a calm voice now.

"Yeah, halata nga. Bakit? Emergency ba?"

"Oo. Unfortunately, mapapaaga ang biyahe natin papuntang Sulu."

"Okay, what time tomorrow though? So, I can pre—"

"Now."

"What? What do you mean now?" Naguguluhang tanong ko.

"We'll go now. Within five minutes, may chopper na sa rooftop." He said without breaking our eye contact.

Kakaiba din talaga tong sundalong to. Literal na laging handa.

"What about my patients?" I asked.

"Dra. Malesi can handle that already."

"My clothes? Sigurado akong hindi lang isang araw ang itatagal ko don."

He smirked. "I've got that prepared, baby."

Our Own Secret Mysteries (Ranger Series #1)Where stories live. Discover now