CHAPTER 4: Katana

2 0 0
                                    

"Shit!"

I think, I overslept. Nagising na lang ako 12AM na. When I checked my phone, di na ako nagulat nang makatanggap ako ng maraming texts galing kay Katana.

45 missed calls

73 messages

"Magising ka nang gaga ka!"

" Iinom pa tayo, girl!"

"Wakey, wakey!"

"Gumising ka na at madidiligan na tayong dalawa ngayong gabi!"

Bibig talaga netong babaeng to! Di ko na binasa ang iba niya pang mga texts. Para naman makampante ang babaeng to, tinawagan ko na lang siya.

"Hello Kat!"

"Zup, bitch! Buti naman at nagising ka nang shuta ka! Mag-ayos ka na, dali!" Dire-diretsong sabi niya at rinig ko na din ang ingay na mula sa club.

"Oo na. OTW."

Siyempre malaking kasinungalingan ang sinabi kong OTW na ako. Filipino time na naman ako neto eh!

Binilisan ko na lang tuloy maligo at magpalit. I wore a simple body-con dress and a stiletto. Hindi naman kasi ako sanay magbar. Saming lima, sa grupo. Si Knox, Katana, at Solana talaga ang mga experts. Samantalang kami ni Yara ang medyo kailangan pang aralin ang pagba-bar.

Fortunately, I found the bar immediately. Madali lang namang hanapin since Kat sent me the coordinates. Alam ko na kaagad na may misyon ang babaeng to. She won't send a full coordinate of the place without any reason.

Plan Libero. Yun kaagad ang sinabi ni Katana saakin kaya naman naintindihan ko kaagad yun.

"Punyeta ka talaga! Kung Plan Libero yan, bat mo pako kailangang idamay? Tsaka dapat sinabi mo yan beforehand."

"That's the reason, I want you to move on your own pag nalaman mo kung sinong target natin."

Plan Libero. It is only a one-man job. Pero pwede kang humingi ng tulong sa isang agent without knowing your plan. It's just like having an impromptu speech. Sasabihin mo kung sinong target at ang gagawin sakanya, then the agent will move on its own.

"Teri Villavicente. 31 years old. First born son of Thyron Villavicente, a drug baron. Famous for exporting marijuana and opium around Asia and Europe. Do not kill him. We have to get him alive." Sabi niya na naririnig ko na lang through our earpiece.

"Why do we have to get him alive? Utos ba to ni Prof Z?" Tanong ko sakanya.

"Unfortunately, yes. Utos ni Prof Z. Kailangan daw natin siya for more informations regarding the drugs at magagamit natin siya laban sa tatay niya."

"Fuck those drugs! Kahit kailan talaga basta utos ni Prof Z, lagi tayong nadadali eh!"

"Hey, dont jinx it kasi." Conyong sabi ni Katana.

"Okay, okay. Fine. I'll do it. Bantayan mo ang galaw namin. I'll just drug him para tapos na."

"Okay, ingats Qads."

"May kapalit to, gago!" Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at pumunta na lang sa pwesto kung nasan si Teri. Andami niyang bodyguards sa paligid. Pero, siyempre, ako to eh! Sisiw na lang to!

Well, I hope so.

After how many minutes of debating with his bullshit bodyguards. Mabuti naman at pinalapit na din ako sakaniya. Madali lang naman pa lang akitin ang hayup na'to. At dahil magaling ako, putting some drugs in his drink was an easy-peasy. Di man lang nakita yun ng mga gung-gung niyang bodyguards.

Umeepekto na nga ang drugs sa lalaking to. I sat on his lap and faced him. He started touching my thighs at habang patagal ng patagal bumababa na din ang isa niyang kamay mula sa leeg ko hanggang sa likod ko. I just let him, tutal, bilang ko naman na sa ilang segundo, mawawalan na to ng malay. I have to get him out of here before he passed out.

Inilapit ko ang aking mukha at bumulong. "Baby, I want you tonight. Can't we have a room?" I asked him seductively.

Nakita kong nahihirapan na siyang ibukas ang mga mata niya but yet he managed to say yes and nod. Tumayo ako, inalalayan ko pa talaga to. Jusko naman.

"Prepare the car." Utos niya sa isa sa mga bodyguards niya.

"But sir----"

"No, buts."

Hmm, I smirked. Madali talagang paikutin ang isang to.

Naglalakad na kami palabas nang mall. Inaalalayan ko pa din ang isang to.

"Qads, can you hear me?" Rinig kong sabi ni Katana mula sa kabilang linya. I just nodded, alam ko namang nakikita niya yon since she is watching over me.

"Turn right paglabas niyo ng pinto. Nandon na din ang gagamitin niyong sasakyan. Make sure no one will suspect that you did something."

Hindi ko na siya sinagot at ginawa na lang ang pinag-uutos niya. Pagbukas ko ng pinto, kumanan kaagad ako. We were only meters away from our car nang bigla na lang kaming nakarinig ng sunod-sunod na putok.

Then there he is, lying on the ground. Teri was shot right into the head.

A sharpshooter.

Our Own Secret Mysteries (Ranger Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon