CHAPTER 14: Memories

1 0 0
                                    

Hindi ko na din namalayan na napahaba na pala ang tulog ko. When I woke up it's already two in the morning. Nakita ko namang nakatulog na din si Zyie sa may duyan.

Sa haba na din ng tulog ko ay nakaramdam na din ako ng gutom. Sinubukan kong bumangon kaso susubukan ko pa lang na maglakad ay napaupo na ako agad sa sahig. I didn't even know that I had a bandage on my right leg .

"When did I get this?" Nagtatakang tanong ko.

Susubukan ko na sana uling tumayo kaso laking gulat ko na lang nang biglang may bumuhat sakin. Hindi na lang din ako nagulat ng maamoy ko ang pamilyar na amoy na yon. It was his scent that I could easily distinguish.

"Hey, I told you to rest. What are you doing?" Sabi niya nang maihiga uli ako sa kama.

May gentle side naman pala to. bulong ko sa aking sarili.

"Nagutom lang ako, tsaka ba't pala ako may bandage sa paa? Where did I get that?"

Kunot-noo niya akong binalingan. "You didn't know that you were shot?"

Shot? "Gago?! Ako tinaman ng bala?" Hindi ko na tuloy napigilang mapamura.

"Yeah. I was worried as fuck when I carried you and saw blood in my hands. Akala ko nga sa ulo ka tinaman, eh. And by the way, you look hot when you cuss." At ngumisi-ngisi pa ito.

"Lakas din ng tama mo noh? Yun pa talaga yung napansin." Sabi ko na lang kasi totoo naman.

"Anyways, stay here. I'll go get you food." Tumalikod na din siya pagkatapos non ngunit akmang-tuluyan na sana siyang makakaalis sa tent ng tumingin ulit siya sakin.

Kunot-noo ko siyang tinignan at hintayin kung anong sasabihin niya.

He cleared his throat before speaking. "Ahhmm- Dra., ung mga pagkain dito sa kampo, baka hindi mo magustuhan. Ayos lang ba na maghintay ka saglit? Ang pinakamalapit pa kasing restaura—-"

"Kahit anong pagkain, ayos lang sakin. Tsaka hindi naman ako maarte pagdating sa ganyan. No need to go out, just give me what you have." Putol ko agad sa sasabihin niya.

Hindi naman talaga ako maarte sa mga ganong pagkain, kahit nga simpleng kanin at sardinas lang, ayos na. Ang mahalaga may makakain. Hindi niya lang alam na nakasanayan ko na din ang mga simpleng pagkain.

"Okay." I saw him smile before he left. Napailing-iling na lang din ako.

Mabilis lang din akong naghintay, wala pa atang sampung minuto ng makabalik siya dito sa tent.

"Eto na po, Dra." Sabay-abot sakin ng cup noodles. Natatawa tuloy ako.

"Yan lang pala, nahiya ka pang itanong sakin." Sabi ko.

He scratched his nape before speaking. "Hindi ko kasi alam kung nakain ka ba niyan."

"Hay naku, sanay na ako sa mga ganto. Una, simula nung nagcollege ako, hindi na ata ako natulog kaka-aral mas lalo na nung nag-Med ako, kaya sinanay ko na yung sarili kong bumili ng mabibilis lutuin na pagkain." I unconsciously explained.

"Doktor kaso hindi kumakain ng mga masusustansiya." Narinig kong pabulong na sinabi niya.

"Hoy! Sundalong nagy-gym daw kaso hindi sinusunod ang diet." Balik kong sabi.

I do not actually know why I tend to be talkative when it comes to him, gustong gusto kong sinasagot ang bawat banat niya.

Kunot-noo naman niya akong tinignan. "Pano mo nalamang nagy-gym ako? Ikaw ah!"

Natigilan ako don. May naalala tuloy akong pinagawa.

"Andrei Zyie Lemireo. 22 years old. Born on July 1, 1998. Youngest of the five Lemireos. Currently a 2nd-Lt. in the Scout Ranger. He's an Intel. His expertise lies on computers. A report from one of my juniors.

"Yun na yon?" Tanong ko sakaniya.

"He also had a lot of rumored flings and girlfriends." Tila nahihiyang sabi niya.

Napatango-tango na lang ako. Potek, yun lang ang nakalap niyang impormasyon tungkol sa lalaking yun?

I sighed. "Okay. Don't tell anyone about this or else, your meeting with St. Peter will be much earlier." Seryosong sabi ko.

Yeah, I had this Andrei investigated. Wala lang trip ko lang, bakit ba?

"Ma'am naman, huwag ganyan. Mahal ko pa naman ang buhay ko, medyo lang pala." Reklamo pa ng isang to.

"Tumahimik ka Nads. Subukan lang talagang malaman to ni Prof o isa sa mga Krypthens, I will end your life."

"Ikaw naman Ma'am, di mabiro. Alam mo naman po kung paano ako mapapatahimik eh."

I rolled my eyes, wala pa rin pa lang pinagbago tong isang to. Mukhang pera pa din.

"I already transferred one million in your bank account." Tsaka binaba ang tawag.

Mukhang naisahan ako ng isang yon ah. Isang milyon kapalit ng mga sinabi niyang impormasyon sakin kanina at itong pinadala niyang folder.

That folder contains more personal details about him. What he did during his student life and military career. He had lots of pictures. I even have some of his childhood pictures.

Shit! Mukhang binabawi ko na mga sinabi ko kanina. Mukhang may napala naman pala yung isang milyon ko.

I was back on my reverie when he called my name.

"Hey, earth to my Qadira."

"Ha?"

"Natulala ka na lang bigla, eh. Did you stalk me, madame?"

Di niya pwedeng malaman na pina-imbestiga ko siya. Tsaka, bat ko naman kasi aaminin yon.

"Ah, wala. May naalala lang ako."

Tumango-tango na lang siya at binuksan ang cup noodles. He brought two kaya sabay na lang din kaming kumain. While eating, I suddenly remembered what happened in my dreams.

Hindi ko maalala lahat but I will try to remember it again. It feels like I'm about to complete my repressed memories.

Our Own Secret Mysteries (Ranger Series #1)Where stories live. Discover now