Kabanata 3

7 1 0
                                    

"Dali na Nayumi, isang shot lang promise!" Sabi ni Gina at inabot sa akin ang isang baso na hindi ko malamang kung anong inom roon.


Naka ilang shots na sila ngunit ako ay nakadalawang baso lang. Wala ako sa kondisyong uminom at may klase pa bukas.


Nasa gig kami ngayon nina Isla. Sa isang Resort malapit rin sa Coastline ng mga Valenciaga. Kumakanta sila sa stage habang sina Geneva, Gina, Orion, Nico at Roxy ay nag-iinuman sa tabi ko.


Nasa iisang couch kaming lahat. Maingay ang paligid dahil sa dami ng tao, halos karamihan ay mga college students rin ang mga narito ngayon. Madilim rin at tanging party lights lang ang nagsisilbing liwanag.


Ininom ko ang binigay sa akin ni Gina. Hindi ko na sinubukang umulit dahil hindi ko makontrol ang sarili ko kapag nakainom.

Napatingin ako kay Eros na pawis na pawis na dahil sa pagtutugtog ng gitara. Si Isla ay nakaupo habang kumakanta. Sina Tibo at Hugo ay nasa likuran.


"Cause there's a blue sky, waiting tomorrow..." Pagkanta ni Isla.

Napapangiti ako kapag kinakanta niya iyon. Maybe because that's my favorite song.  Halos sabunutan ko na ang sarili ko nang mapansing nahihilo na ako. The hell! Ang sabi ko ay isa lang, bakit naging limang shots!?


"Cr lang ako....Excuse me!" Pagpapaalam ko sa mga kaibigan ko. Knock out na si Gina at Orion.


Pumunta ako sa cr at naghugas ako ng kamay, napatingin nalang ako sa salamin. I felt dizzy but I managed to stood up straight. I was just wearing a silver silk top and a black skirt partnered with a black stilettos.  May lumabas pang babae sa isang cubicle. Siya ba yung chararat na kapit nang kapit kay Timoteo?


Nang makalabas ako sa banyo ay may nakita akong lalaking naninigarilyo, nadasandal siya sa railings. Napanguso ako dahil sa naaamoy na usok. Hindi ba't bawal manigarilyo rito sa loob? May smoking area naman ah?


Palabas na sana ako sa hallway nang hawakan niya ang pala-pulsuhan ko.


"Oh my God!" Sambit ko nang muntik na akong matapilok. Hindi ko mabawi ang kamay ko dahil sobrang lakas niya at nanghihina na ako dahil sa nainom.


"You're pretty, bakit ngayon lang kita nakita rito?" The guy smiled at me.


Napaubo ako sa huling usok na ibinuga niya. "You're so mabaho omg!!" I was about to cry. Pilit kong binabawi ang kamay ko pero hinigpitan niya ang hawak roon. What the fuck is wrong with him?!


Akmang lalapit na sana niya nang may humawak sa kamay niya. Kumalas iyon sa akin kaya napaatras ako.


"Timoteo pre!" The guy nervously said.


Napaangat ang tingin ko kay Timoteo. Matalim ang tingin niya sa lalaki at napangiwi ako nang makita ang lalaking namimilipit sa sakit dahil mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Timoteo.


"Pre?" Timoteo sarcastically laughed "Fuck off."


"Gusto ko lang siyang kausapin! Wala akong ibang balak!" The guy explained, sounds defensive.


"Get the hell out!" Timoteo shouted.


Binitawan niya ang kamay ng lalaki at kumaripas naman ito ng takbo palayo sa amin. Napalunok ako at parang nawala ang kalasingan sa sistema ko dahil sa nangyari.


Hindi ako makatingin kay Timoteo ngayon. I was dumbfounded when he stared at me. Matalim ang titig niya at wala akong ibang maramdaman kundi ang kaba. Hindi ko lubos maintindihan dahil iba't ibang personalidad ang nakikita ko sa lalaking ito. Minsan ay para siyang bata kung kumilos ngunit ngayon ay hindi ko talaga alam, he's acting weird now.


Somewhere In The Haze (Aloha Haven Series 1)Where stories live. Discover now