Kabanata 8

4 0 0
                                    


Ngayon ang birthday ni Dion, mabuti nalang at pinayagan ako ni Lolo at ni Dad na sumama. Bumangon na ako sa kama at dumiretso sa banyo. Tulala ako dahil kagigising ko lang ngunit kaagad ring napukaw nang buksan ko ang shower. Pagkatapos maligo ay dumiretso ako sa sink para magsipilyo at sa walk in closet na.

Ang sabi, baka raw maligo sa dagat kaya nagdala ako ng extrang bikini. I blow dried my hair and did my simple makeup. I was wearing a yellow peplum top and a white shorts. I braided my hair and put a yellow scarf under.

Kinuha ko na yung hinanda ko kagabi, a white tote bag, my shades, sunscreen, extra clothes, bikini's, and medicine. Napatingin ako sa phone ko nang tumunog iyon. Message galing kay Hugo.

From: Hugo
Bebe, ako raw magsusundo sa 'yo, punta na ako d'yan ha

Bumaba na ako sa sala. There I saw him wearing a gray polo shirt and a white hawaiian shorts. Bigla kong naalala si Timoteo, will he come? Kung nireplyan ko siya kagabi ay baka napag-usapan namin ang tungkol rito.

"May sinundo si Tibo, eh! Si Eros kasama niya si Harmony." Sabi nito kaya tumango ako. "Tara na!"

"Okay!"

Kinuha niya kaagad ang bag ko saka kami lumabas ng mansyon. Nasa Hacienda si Lolo ng ganitong oras kaya kagabi na ako nagpaalam sa kanya. Bumyahe kami patungo sa Sitio II, sa San Martin, kina Eros. Naroon ang mansyon ni Dion at nang makarating ay higit pa sa inaasahan ko ang bisita niya. Lahat sila ay naka-beach attire.

"Nariyan na yung dalawa! Larga na mga beshy!" Sigaw ni Gina.

"Ang tagal niyo naman! Kayo lang hinihintay!" Reklamo ni Isla.

Nakasuot siya ng floral halter top at puting maong shorts. Naka-messy bun yung buhok niya at mayroon siyang dalang camera.


Hindi nakaiwas sa paningin ko si Timoteo na kasama ang mga barkada niya, they slightly nudged Timoteo as if they're sharing a private joke. He's wearing a white plain polo and a navy blue hawaiian sweatshorts. His rolex is in the right place.

Pinauna na kaming sumakay sa yate, inalalayan kami ni Tibo para makaakyat. Kung bibilangin, mahigit 40 ang bisita ni Dion na sumakay sa malaking yate. Napansin ko pang lumabas pa si Timoteo ngunit hindi ko na ito pinansin at umupo lang. Bakit ko ba binabantayan ang kilos niya!

Magkatabi kami ni Isla sa upuan, nilingon ko siya nung sikuhin niya ako.

"May liptint ka?" Tanong niya.

Inukay ko yung bag ko at binigay sa kanya yung liptint. Habang naglalagay ay kumalat ang tint sa labi niya na ipinagtaka ko.

"Hoy, ano 'yan umayos ka nga!" Singhal ko sa kanya. Napansin kong natulala siya sa bandang likuran ko kaya sinundan ko iyon ng tingin.

Right. She saw him, Vlad Asher.

Nakaputing polo rin ito katulad ni Timoteo, at hawaiian shorts. Natawa ako nang mapagtantong parang match sila ng suot ni Isla.

And me as a supportive best friend, pinagpalit ko ang upuan namin. Umupo si Timoteo sa tabi ko, at si Isla naman sa kaliwa, magkatabi na sila ni Vlad ngayon.

Binalik sa 'kin ni Isla yung liptint at kita ko yung mantsa sa gilid ng labi niya. Tinanggal niya iyon kaya napanatag na ako.

Nasa harap namin sina Gina, Geneva, Nico, Hugo, Eros at Tibo, yung ibang bisita ay nasa labas para tignan yung dagat. Si Vera ay masama ang tingin sa akin, probably because Timoteo sat beside me.

Si Sepheus ay may kasamang magandang babae, napaiwas ako ng tingin nang makita si Eros na nakikipagtawanan sa best friend niya.

Nakita ko naman si Yna sa tabi ni Orion, hindi siya nakasuot ng salamin ngayon! Pinagtitinginan siya ng mga lalaki kaya napangiti ako. Nakatali ang buhok niya sa messy bun, nakasuot siya ng pink hawaiian dress kaya kitang-kita ang kulay ng balat niya.

Somewhere In The Haze (Aloha Haven Series 1)Where stories live. Discover now