Kabanata 6

4 0 0
                                    

Nagsimula kaming maglakad pabalik sa Hacienda, nang makarating ay sinalubong na kaagad kami ni Lolo at Don Emilio, napansin ko ring kasama na nila ang Dad ni Timoteo.

"How's the feeling?" Tanong ni Sir Theodore.

Napatingin naman ako kay Timoteo nang sumulyap sa kanya ang Daddy niya.

"Masarap..." Timoteo replied, gulat akong tumingin sa kaniya dahil mukha iba ang patutunguhan noon. "Yung tubig."

Umiling si Sir Theodore sa sinagot ng anak niya, habang ang dalawang matanda ay ngumingisi. Inirapan ko nalang si Timoteo at nagpaalam na kina Lolo. Medyo natuyo narin ang short niya kaya sabay na kaming umalis sa Hacienda.

Nagulat ako nang makita si Mommy sa sala, kaagad ko siyang hinalikan sa pisngi.

"Saan ka nanggaling, anak?"

"Sa Hacienda po. Naligo ako sa Lagoon, ikaw lang mag-isa?" Nilibot ko ang tingin para hanapin si Dad.

"Busy pa sa Manila and Dad mo, sinong kasama mong naligo? I saw your friend, Isla? She's at the market so she's probably not the one with you." Sambit niya. Umupo ako sa couch kaya ganoon rin ang ginawa niya. Nakahawak siya sa braso ko na parang naghihintay ng kasagutan.

Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko bang si Timoteo ang kasama ko, she would surely tease me about it. Pero hindi ko naman kayang magsinungaling kay Mommy.

"Si Timoteo po," napabalikwas ako ng upo nang bigla siyang sumigaw.

Alam ko namang sa una palang, gusto na ni Mommy na maging mabuti ang pakikitungo ko kay Timoteo. Ako lang talaga ang nagsusungit sa kanya. Well, they can't blame me. Ayoko sa mga isip bata katulad niya.

"Really?! Did something happen? Kwento mo bilis!" Sigaw niya. Nakita ko naman si Manang Beatrice na nagmamadaling tumakbo papunta sa amin.

"A-anong nangyari?! Jusko!" Sigaw niya rin kaya napatawa ako.

"Ay nako Manang, itong alaga mo, pumapag-big na–"

"Ma!" I scolded her.


"Hey! You know...It's fine! Enjoy your teenage life, Nayumi. You're in a third year of college now and you don't even have a boyfriend? It's better when you experience love right away, experience being happy, and being hurt. Para sa huli hindi na masyadong masakit. At least may experience ka na, right?"

"Ma, alam ko naman ang ibig mong sabihin, pero wala eh, hindi pa talaga iyan yung priority ko sa ngayon."

We have talked about my love life several times but my answer is always the same. I still do not want. I'm not ready to love yet. I am happy with my life now.

Kahit na may gusto ako kay Eros, hindi ko inisip na magkakaroon kami ng romantic relationship. Sadyang hinahangaan ko lang talaga siya. And I like being friends with him.

Kinabukasan, naligo ako at nagbihis para pumasok na school. Nakasalubong ko pa yung babaeng nakasabay ko noon. She looked so clean with our school uniform.

"Yna?" Tawag ko.

Her white skin shined as she titled her head, "Bakit, Nayumi?" May dala ulit siyang mga libro at mukhang papunta na naman siya sa library.

Ngumiti ako, "Taga Business Ad ka rin ba?" Tanong ko.

Umiling siya at inayos ang salamin niyang nahuhulog sa kanyang ilong. "Engineering," she answered.

"Ah," I nodded.

Nagpaalam na siyang mauuna kaya pumasok narin ako sa classroom. Wala pa ang prof kaya as expected napaka-ingay ng kwarto. Parang hindi mga college students ah? Ito namang si Timoteo ay nakikipaghampasan pa ng papel kay Dave.

Somewhere In The Haze (Aloha Haven Series 1)Where stories live. Discover now