Kabanata 5

5 0 0
                                    



"Aldrin naman! Masyadong maikli 'yang palda na gusto niyong ipasuot sa amin!" Diane complained.

I was so pissed when we got our uniforms for the booth club. Hindi ako nakatanggi nung in-offer sa akin ang pagiging server dahil dagdag points raw iyon sa grades namin. Gusto kong magback-out pero hindi na pwede dahil naka-set na lahat.

Gulat kami sa naging resulta ng uniforms. It was a yellow fitted off-shoulder top and a short mini skirt. Hindi ganito kaiksi yung nasa picture kaya sumang-ayon ang lahat. Kitang-kita ang pagkaputi ng balat ko dahil sa kulay ng damit. Nakatali ang buhok ko sa ponytail at nilagyan ko ito ng puting hair scarf.

All the classroom officers of Business Ad were here. Sa pagkakaalam ko ay si Timoteo lang ang hindi umattend noong meeting last Friday.

"Hindi ba kasali si Timoteo sa officers?" Tanong ko kay Dyna, ang classroom president namin.

"Kasali. Pero busy yata 'yon. Alam mo na, as an aspiring student of AHC. Abala talaga 'yon lalo na kapag may mga ganitong event."

Napatingin ako sa apat kong kasamang magse-serve para sa club namin, si Nica, Isay, Quesha, at Diane. Mga pagkain at inom lang ang nasa booth namin, parang mini bar lang.

"Wala na tayong magagawa, tara na sa labas."

Tumayo na kaming lahat at lumabas na sa kwarto, nakasalubong kaagad namin sina Timoteo na kasama ang mga barkada niya. Sumipol pa ang mga ito sa mga kasamahan kong babae.

Timoteo looked at me from head to toe and they when he stopped walking, all his friends bumped into each other.

"Uy pre, dadalhin niyo na 'yan sa club?" Tanong ni Aldrin nang makita sina Timoteo na may dalang plastic box.

Binato ni Timoteo ang dala niyang plastic box ng water bottles sa kasama niya. Lalagpasan na sana namin sila nang hawakan niya ang kamay ko. Bumungad sa akin ang matalim na tingin ni Timoteo na hindi ko naman alam kung saan nanggaling.

"What's that?" He asked, raising his brow. Bumaba ang tingin niya sa damit ko.

"What? Bitiwan mo nga ako." Mataray kong tugon rito. Hindi mahigpit ang hawak niya sa akin kaya inalis ko agad ang pagkakahawak niya. Sumimangot siya at tinaasan ng kilay si Aldrin na nasa gilid ko.

"Pre, we didn't expect na 'yan yung kalalabasan ng uniforms nila-"

"Tabi." Pagputol ni Timoteo.

Kaagad namang tumabi sina Aldrin para padaanin sila. Napabuntong-hininga nalang ako sa naging asal nito. Isip bata talaga.

Nang makarating kami sa malaking tent kung saan ang  club namin ay nagliligpit palang sila. Si Timoteo ay nakaupo na kaagad, nagkatinginan pa kami at napahawak ako sa dibdib ko nang makita kong inirapan niya ako.  Bakit ba napakasungit sa 'kin ng lalaking 'to? Ang attitude. Pinapakita niya na naman yung childish side niya.

"Hindi ka ba tutulong sa pag-aayos, ha?" Tanong ko rito but he just glared at me.

Alas kwatro pa lang ngunit marami na kaagad ang tao sa loob ng campus, may mga taga-ibang school pa na pumunta para lang uminom at kumain sa mga clubs.

Napatawa ako nang makita si Isla na problemadong-problemado sa club nila. Wala halos bumibili dahil cupcakes ang binebenta. Mga babae lang at yung iba pa ay lumalapit lang roon para magpapicture sa cute nilang tent. I laughed when she rolled her eyes to the one customer.

"Nayumi! Limang barbecue raw!" Rinig kong sigaw ni Dyna.

Lumapit ako sa counter at kumuha ng limang barbecue, nilagay ko sa plato at nilagay sa tray. May nag-iinuman na kaagad at sobrang ingay dahil ang iba ay nagkakatuwaan sa nilalarong random games.

Somewhere In The Haze (Aloha Haven Series 1)Where stories live. Discover now