Kabanata 25

5 0 0
                                    

Natapos ang photoshoot at nakaupo kami ngayon ni Blade sa isang bench sa seaside. Alas onse na ng gabi. Naka-check in naman siya sa Resort kaya wala siyang problema sa pag-uwi. Ako naman ay doon nalang din matutulog sa room ko.

"Kamusta na pala yung kapatid mo, si Blaze?!" Natutuwa kong tanong sa kanya.

Inaya ko siyang uminom kami ng soju sa tabing dagat. Marami rin ang napag-usapan namin tungkol sa college life namin.

"Nasa states kasama ang parents ko."

Uminom siya sa bote niya habang nakatingin parin sa dagat.

Marami ang nagbago. Kung noon ay Engineering ang kurso niya, napadpad siya sa pagiging businessman. Kilala rin siyang professional photographer sa abroad.

"Natatawa parin ako, bakit ikaw ang photographer ng Tropicana?"

"Bakit hindi? Ayaw mo no'n, kilala mo ako. Tsaka nandito pinopormahan ko," sambit niya.

"Luh? Hoy! Sabing hindi kita type!"

Humagalpak siya ng tawa kaya napanguso ako. Tinapik niya ang balikat ko bago ako hinarap.

"Huwag kang feeling!" He said.

"Eh? Edi sino naman?"

"Isa sa mga Fashion Model mo, malamang."

Namilog ang mata ko roon at tinanong kung sino ang tinutukoy niya. Mukhang natamaan na yata ako kahit soju lang ang ininom namin. Para kaming mga baliw dahil tumatawa kami sa bawat kinukwento.

"Nayumi,"

Namilog ang mata ko nang makita si Timoteo sa harapan namin. He looked at me and then Blade, napalunok ako at umayos ng upo.

Matalim ang mga tingin siya. Sinundan ko ang tingin niya na bumaba sa hita ko. Napahawak roon ang kamay ni Blade nang hampasin niya ako kanina. Kaagad nitong binawi ang kamay at tinaas pa na parang kinakasuhan.

"Pre! No issue, promise!" He defended. 

Umigting ang panga ng lalaki at binalik sa akin ang tingin.

"Are you done?" He seriously asked. Hindi iyon pagalit o sarkastiko.

"Ah oo, nagkaroon lang kami ng kaunting kwentuhan ng bebe mo-"

Hinampas ko nang malakas si Blade. Hinawakan naman ako ni Timoteo para tumayo.

"Go home. Ako na bahala kay Nayumi," sambit niya sa lalaki.

"Wait what? We're still talking!" I pouted that caused him to looked at me with worried look. Napalunok ako at nakipagtitigan sa kanya.

Hindi narin ako nagpakipot at hinayaan ko siyang alalayan ako pabalik sa hotel. Nakahawak ako sa balikat niya. Natalisod pa ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ouch!"

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at binuhat ako. I felt dizzy but I managed to open my eyes. Narinig ko ang pagbukas ng elevator, may kinausap si Timoteo na lalaki. Hindi ko alam kung sino pero mukhang staff. Binuksan ang kwarto at agad kaming pumasok sa loob.

"Don't put me in the bed!" Sambit ko sa lasing na tono.

"You should rest, Nayumi."

Sumimangot ako roon, "No! I need to take a bath-"

Bumaba ako at muntik na akong matumba. Good thing he helped me to stand up straight. Paika-ika ako ng lakad ngunit nagawa ko paring makarating sa banyo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Somewhere In The Haze (Aloha Haven Series 1)Where stories live. Discover now