Chapter 3

53 11 11
                                    

Chapter 3

Hindi ako makapagsalita habang naglalakad kami papunta sa dressing room nila. Hindi na rin ako nilayuan ni Liane. Panay lang ang kwento niya tungkol sa SB19. Sinusundan rin namin ngayon si Josh. Wala siyang sinabi pagkakita sa akin. Hindi rin siya ngumiti.

“Tara, let’s watch their concert!” masayang wika sa akin ni Liane pero sinagot ko lang siya ng iling.

“Sa room ko na muna siya.” Dito lang nagsalita si Josh. Siya naman ngayon ang kumuha sa braso ko. Nagpaakay na lang ako sa kanya. Binalikan ko ng tingin si Liane para magbigay ng ngiti. Ngiting pasasalamat sa presensya niya.

Pinaupo ako ni Josh sa isang monoblock chair. Inabutan din niya ako ng bottled water saka isang box ng pizza. May nilagay rin siya sa mesa na nasa harapan ko, pepsi saka isa ring box ng Dunkin’ Donut.

“Kumain ka na muna dito. Wala na akong complimentary ticket kaya pasensya na kung hindi kita maisasama sa loob pero rinig naman ang kanta namin sa dressing room. Mukhang galing ka pa sa malayo kaya ubusin mo ‘yan. Late na kami kaya mamaya na lang tayo mag-usap.”

“Sige”

Nakita ko ang pagsilip at pagkaway ni Liane kaya ibinalik ko rin ang kaway at ngiti sa kanya.

“Josh, tara na dito. Retouch ka muna.”

“Sige na. Tawag na ako ni Athena.”

Tumango na lang ako.

Sa pag-alis niya, bigla namang bumalik ang alaala noong una kong nakita at nakilala si Josh.

Flashback

Mula highschool, palipat-lipat ako ng puder na tinutuluyan. Dati tumagal ako ng dalawang taon sa Masbate kasama si papa at dalawang taon rin sa tiyahin ko sa Bulacan. Ngayon naman, nakatira na ako sa bagong pamilya ni mama sa Cavite.

Ngayong Grade 11, madalas ang pagpapa-project na kailangan i-print. Buti na lang, katabing-bahay lang ang isang computer shop.

“Isang oras sa PC 4,” sabi ko sa bantay ng shop. Siya siguro ang bagong bantay dito.

“Hi, Yna.”

Nginitian ko lang ang bumati sa akin na naglalaro. Nahuli ko rin ang tingin ng bantay sa akin sabay iwas. Bumalik siguro ang atensyon niya sa nilalaro.

Nang matapos ako, lumapit ako sa kanya para magpaprint. Babayaran ko na sana pero ayaw naman niyang tanggapin.

“Charge na lang sa akin ‘yon.”

“Babayaran kita,” pamimilit ko pang iabot ang kinse pesos.

“Wag na. Ako nga pala si Josh.”

Kinantyawan siya ng mga nakarinig sa pagpapakilala niya. Para makaalis na rin kaagad, inabot ko ang kamay niya.

“Halina pero Yna na lang. Palayaw ko naman ‘yon.”

Tinanguan niya lang ako sabay ngiti. Tumalikod na rin ako para umalis.

Dahil nagtrabaho si mama bilang domestic helper sa Dubai, naiwan ako sa bago niyang pamilya kasama ang stepfather ko at isang kapatid na tatlong taong gulang. Mabait naman si Papa Alfredo pero malupit ang kapatid niya. Minsan, kapag pumapasok sa Imus si Papa Alfredo, siya ang kasama namin sa bahay.

“Tapos ka na bang magbasa d’yan? Baka pwede ka ng mag-walis? Di porke nasa abroad ang nanay mo, feeling prinsesa ka na.”

Ni minsan hindi ko siya sinagot ng pabalang. Kung magkakausap kaming dalawa, tango o iling lang ang sagot ko sa kanya pero hindi ‘yon sapat sa kanya.

“Aray! Tama na po!” Kung hindi tango o iling, panay daing naman sa sakit ang sinasabi ko sa kanya.

Kasalukuyan niyang hinihila ang buhok ko nang may kumatok sa bahay.

“Yna! Tao po! Tao po!”

Tinulak ako ng babae. “Oh, pagbuksan mo nga ‘yan!”

Nang buksan ko ang pinto, tumambad sa akin ang mukha ni Josh. May hawak rin siyang isang plato na may pansit, spaghetti saka cake.

“Birthday ni Ate Lusing. Ito handa niya—” Napansin niya ang ayos ng buhok ko kaya biglang napawi ang ngiti niya. “Iniimbitahan ka pala ni Ate Lusing sa bahay, birthday niya.”

Nagpahila na ako kay Josh palabas ng bahay. Hindi na ako lumingon pa. Wala naman akong dapat ipag-alala sa kapatid ko dahil aalagaan naman siya ng babae sa loob. Ako lang talaga ang hindi niya matanggap dito.

Hindi taliwas sa mga kapitbahay ang ginagawa sa akin ng kapatid ni Papa Alfredo. Pero ngayon ang unang beses na may sumaklolo sa akin. Ngayon lang nagkaroon ng isang tao na dumamay mula sa masakit na ginagawa sa akin.

“Paano ‘yung pagkain? Baka gutom siya..
“ tukoy ko sa babaeng nasa loob ng bahay namin.

Pinahawak sa akin ni Josh ang plato para ayusin ang nagulo kong buhok. “Hayaan mo na siyang mamatay sa gutom. Bibigyan na lang kita ng cake mamaya pag-uwi mo para sa kapatid mo.”

Ipinasok ako ni Josh sa loob ng bahay ni Ate Lusing, ang asawa ng may-ari ng computer shop. Nang magkita kaming dalawa, binati ko kaagad siya. “Happy birthday po.”

“Thank you, Yna. Pasok ka sa loob. Kain ka lang.”

“Salamat po.”

Hindi ko pa nagagalaw ang pagkain, may inabot na kaagad na isang baso ng softdrinks si Josh.

“Pasensya na kung coke ‘yan. Pepsi kasi ang gusto ni Ate Lusing.”

End of Flashbacks

Uminom ako sa pepsi in can. Akalain mo ngang ang dating handa sa birthday ng taong kumupkop kay Josh, sponsor na nila ngayon.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga pagkaing ibinigay sa akin ni Josh. Napailing ako. Isa na siyang idol ngayon pero katulad pa rin siya ng dati noong ordinaryong tao pa lang.

CLS#3: Sincerely, Yours | SB19 FANFICTION |Where stories live. Discover now