Chapter 9

42 5 4
                                    

Chapter 9

Yna’s POV

Josh:
Good morning, Yna! Ready ka na ba sa vacation natin?

Matapos kong basahin ang text ni Josh, ibinaba ko kaagad ang cellphone. Mas inuna ko na munang mag-ayos ng sarili at maghilamos. Kumuha na rin muna ako ng pambahay na damit kahit nakahanda na ang pamorma ko mamaya sa pag-alis namin dahil sa gaganaping bakasyon kasama ang SB19.

Nang maging handa na talaga ako, binalikan ko ang cellphone. Nagtipa ng mga salita at isinend iyon kay Josh.

Yna:
Good morning.

Kaunting stretch lang ng katawan at pagpapatuyo ng buhok ang ginawa ko bago gumayak. Nang lumabas ako sa kwarto, dumiretso kaagad ako sa kusina para mag-almusal pero iba ang naabutan ko.

“Ay, Yna! Ikaw pala!”

Mukhang nagulat yata si Justin sa pagdating ko. Halos mapatalon kasi siya sa pagkabigla nang makita ako.

“Good morning,” bati ko sa kanya. “Anong gusto mong breakfast?” Nakangiti ako habang inaabangan ang sagot niya sa akin pero napansin ko ang ilang plastic.

Napakamot naman sa batok ang binata. “Ah, no need na Yna,” sagot niya sa akin, maya-maya ay bumulong na siya, “Baka magalit pa si Josh kapag pinagluto pa kita.”

“Ha?” Ba’t bubulong-bulong ‘to?

“Nevermind.” Ngumiti siya sa akin. “Nag-order na ako para sa inyo. Para hindi na mapagod si Liane– este kayo sa pag-prepare ng breakfast.”

Makahulugan akong ngumiti. “Salamat sa pag-aalala mo kay Liane– este sa amin.”

“Comedian ka rin pala, Yna, ha,” kantyaw niya sa akin.

Umiling lang ako. “Hindi. Simpleng tao lang.”

Matagal bago nakapagsalita ulit si Justin. Ganito siguro kung magkakaharap ang dalawang mais. Mga ilang segundo rin kaming nagkatinginan. Kinuha ko na lang ang cellphone sa bulsa ng shorts ko. Mas minabuti ko na lang na replyan si Josh nang mahaba. Habang si Justin naman ay nagpatuloy sa paglalabas ng mga pagkain mula sa dalang mga plastic.

Yna:
Ready na ako para sa vacation. Magkikita-kita pa ba tayo sa 1Z?

Josh:
Lemme ask Pablo muna. See you, Yna!

Yna:
See you. Kasabay ko sina Justin mamaya.

Josh:
Gagawin mo ba ang challenge ni Athena sa inyo?

Yna:
Blank text ka.

“Ah, Yna, baka mauna na ako. Kukunin ko pa kasi ang gamit ko,” paalam ni Justin.

“Gisingin ko ba si Liane?”

Umiling sa akin ang kausap ko. “Wag na. Napagod kasi ‘yon, eh.”

Naalala ko tuloy ang huli kong nakita kagabi bago bumalik ng kwarto. Hindi ko tuloy maiwasan na bigyan siya ng makahulugang tingin. Bumilog ang chinitong mga mata ni Justin at namula ang kanyang tainga.

“Wag kang mag-alala. Hindi naman ako madaldal,” paniniguro ko sa kanya.

Nagpaalam na rin siya sa akin at hindi na pina-istorbo pa si Liane.

Kasalukuyan naman akong nag-aalmusal nang humahapo si Liane sa pagbaba. Hahabulin ba niya si Justin?

“Good morning,” bati ko sa kanya.

CLS#3: Sincerely, Yours | SB19 FANFICTION |Where stories live. Discover now