Chapter 7

42 5 0
                                    

Chapter 7

Yna’s POV

Isang linggo na mula nang matapos ang celebration ng anniversary ng SB19. Isang linggo ko na ring kasama sa bahay si Liane. Palagi siyang abala kaya ako lang mag-isa sa condo niya. Kapag wala akong magawa, panay lang ang linis ko.

“Naglilinis ka na naman, Yna. Sabi ko naman sa ‘yo, magpahinga ka lang. Ipunin mo ang strength mo para kapag nag-start ka na sa monday sa 1Z, full of energy ka,” suway sa akin ni Liane pero ngumiti lang ako.

“Nagluto na rin pala ako ng hapunan,” sabi ko naman sa kanya. Napakamot na lang si Liane dahil hindi niya talaga ako maawat sa paggawa ng gawaing-bahay.

May housekeeper siya pero tumitira naman ako dito nang libre. Pa-konswelo ko na ‘to sa kanya dahil pinayagan niya akong manirahan muna dito.

Nang matapos ako sa paglilinis ng sala, sinabayan ko sa hapunan si Liane. Hindi na ako nagsalita pa dahil halata sa kanya ang pagod. Kagagaling lang kasi niya sa trabaho. Bukod sa pagod, dala-dala din niya ang mga regalo ng A’TIN para kay Justin.

Nagprisenta si Liane sa paglilinis ng pinagkainan namin. Tatanggihan ko sana pero gusto talaga niyang kumilos. Hinayaan ko na lang siya.

“Matulog ka na, Yna. Deserve mo ang beauty rest.”

“Ikaw rin. Good night,” paalam ko sa kanya bago umakyat sa kwarto.

Nang makapasok na ako, napansin ko ang pag-ilaw ng cellphone ni Josh. May tinext na naman siya. Minsan nga, tumatawag pa siya.

Josh:
Yna, kumusta ka?

Puro pangungumusta ang text sa akin ni Josh na rereplyan ko naman ng ayos lang ako.

Yna:
Okay lang ako. Ikaw ba?

Josh:
Kakatapos ko lang mag-live at maglaro. Gusto mo bang mag-call tayo?

Yna:
Sige lang.

Nahiga na muna ako sa kama habang hinihintay ang pagtawag niya. Simula noong dumating ako dito, halos gabi-gabi na siyang tumatawag. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone sa tiyan ko. Tumatawag na si Josh. Mabilis ko namang pinindot ang answer.

“Yna,” tawag sa akin ni Josh sa kabilang linya. Narinig ko pa ang pagtama ng dalawang babasagin. Paran bote yata iyon at baso.

“Umiinom ka ba?” tanong ko sa kanya.

“Pampaantok lang.”

Hindi ako naniniwala. Ganito siya kapag malalim ang iniisip eh.

“Ano bang nangyari?” tanong ko na naman. Ang narinig ko mula sa kanya, tawa lang.

“KIlala mo talaga ako, ‘no? As usual, marami. May mga kanta akong gustong i-release. May gusto akong idea para sa group. May mga guestings din ako. Tapos, international concert pa.”

“Parang dati lang, iniisip mo kung paano ka makakapunta sa dance practice nyo.”

“Totoo, pero lumalaki na yata ang mundo ko. Lumalaki na rin ang mga concerns na naiisip ko.”

“Lumalaki na rin kasi ang mga pangarap mo,” komento ko sa kanya.

Matagal pa bago magsalita ulit si Josh.

“Magpapahinga ka na ba? Naiistorbo ba kita?” mga tanong niya sa akin.

Umiling ako kahit hindi niya nakikita. “Hindi, ah. Magsalita ka lang d’yan, makikinig ako.”

Nagpakawala ng malalim na paghinga si Josh bago magkwento. “Nahihirapan ako, Yna.”

“Bakit naman?”

CLS#3: Sincerely, Yours | SB19 FANFICTION |Where stories live. Discover now