Chapter 6

44 9 10
                                    

Chapter 6

Josh’s POV

Sa wakas.

Naging maayos at matiwasay naman ang naging concert namin dito sa araneta. Kasalukuyan na kaming nagpapahinga muna sa dressing room bago gumayak sa pag-uwi.

Nasabi ko na rin sa kanila na si Yna na ang bagong wardrobe stylist ng 1Z. Kami na ni Stell ang nag-vouch sa kanya dahil alam namin na expertise talaga niya ang pag-aayos ng damit. Nakikita-kita na rin siya noon ni Justin lalo pa noong nag-sub ako sa kanya sa isang dance competition. Ang alam ko rin, matagal na ring magkakilala ang best friend ni Jah, si Liane saka si Yna pero hindi ko naman alam kung paano sila naging close.

Speaking of, magkausap na nga ang dalawa ngayon. Si Scarlet naman, ang P.A. ni Jah, abala sa pag-aayos ng gamit ng amo niya. May kaunting moment naman sina Pablo at Athena. Nahuli naman ni Pinuno ang panunuod ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Problema nito? Shini-ship ko pa nga sila.

Sunod kong tiningnan si Stell. Nagti-tiktok lang siya. Si Ken, as usual, tulala. Nasa sariling mundo na naman.

Kakatapos ko lang mag-ayos ng sariling gamit. Oo nga pala. Paano ang tutuluyan ni Yna? Kakagaling lang niya sa Masbate. Wala pa siyang matitirhan. Alanganin ang hatinggabi kung maghahanap pa siya ng matutulugan sa ganitong oras.

Kinuha ko naman ang cellphone ko. Itinext ko ang caretaker ng condo.

Josh:
Ate Pining, pasensya na sa late notice. Pwede po bang palinis ng kabilang kwarto sa condo ko?

Mabilis ding nagreply si Ate Pining.

Ate Pining:
Ok sir.

Doon na muna si Yna sa condo ko. Kahit pansamantala lang kung gusto niya talaga na magkaroon ng sariling tirahan.

“Psst.” tawag ko kay Yna noong iwan siya ni Liane. “Anong cellphone number mo?”

Isi-save ko, just in case na may emergency, pwede niya akong ma-contact.

Nanlumo ako noong umiling si Yna. “Wala akong cellphone, Josh.”

Inabot ko naman sa kanya ang cellphone na hawak ko. May spare pa naman ako sa bag.

“Yan na muna gamitin mo. May mga contacts na namin ‘yan. Wag mo ibebenta sa fans ang number namin ha.”

Ngumiti lang si Yna. “Don't worry, Josh. Wala naman akong balak.”

Ano ba yan. Hindi naman mabiro ‘to. Masyadong seryoso.

Noong lumapit si Jah kina Stell at Liane, baka sign na yon para gumayak na talaga kami.

“Oh, uuwi na ba kayo?” tanong ko sa kanila. Kasunod ko na rin pala ang iba naming kasama.

Lumingon sa akin si Liane. Ganoon din ang dalawa.

“Oo, may pasok pa ito bukas, eh,” si Jah ang sumagot sabay akbay kay Liane. Siniko naman siya ng best friend niya. Nahihiya siguro kasi lahat kami ay nakatingin sa kanya.

Pasimple ko namang sinulyapan si Scarlet, sabay si Justin, sunod si Liane, saka si Stell. Hmm. Hindi ko na lang sasabihin pa ang napapansin ko.

Sa ngayon, sina Pablo at Athena na muna ang sinusuportahan ko.

“Saan ka pala mags-stay, Yna?”

Bumalik ako sa ulirat nang marinig ko ang pangalan ni Yna. Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan. Sakin pa nga pala siya makikitulog muna.

CLS#3: Sincerely, Yours | SB19 FANFICTION |Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin