Chapter 5

57 11 3
                                    

Chapter 5

Yna’s POV

Natapos ang concert ng SB19. Nagpa-pack up na ang mga staffs sa labas at nagpahinga na muna ang lima matapos ang marami-raming photo ops.

Nasa dressing room pa rin ako at hindi na nag-iisa. Bukod sa lima at kay Liane, may dalawa pang babae. Sila yata ang Make up Artist ng grupo at Personal Assistant ni Justin.

"Everyone, siya nga pala ang sinauna naming stylist, si Halina. Actually, nasa Se:On pa lang kami ni Josh, naghahalukay na 'yan sa ukay para sa magiging costume namin."

"Kuya Stell..." sasawayin ko sana siya dahil sinabihan niya akong 'sinaunang stylist'.

"Ay, ang unfair naman. Kapag ako, 'kuya stell' tapos kapag si Josh, walang 'kuya'. Eh, mas matanda pa nga sa akin 'yan." Tinuro pa niya si Josh na nakatingin lang sa akin. Walang ekspresyon ang mukha at mata niya kaya biglang kumabog ang dibdib ko.

“Kahit Yna na lang ang itawag niyo sa akin.” Medyo naiilang ako kapag tinatawag na Halina. Hindi naman kasi pangkaraniwan ang pangalan ko.

“Hi, Yna. I’m Athena!” pakilala sa akin ng masayahin na Make up Artist.

Mukhang mahiyain naman ang P.A. ni Justin. “Scarlet po pala.” Siya ‘yung umiiyak sa labas kanina.

"Kakain na muna kami." Hinila ni Josh ang braso ko at inilayo sa mga tao. Ramdam ko ang nakasunod nilang tingin sa aming dalawa. Imbes na alalahanin ang pagtataka ng marami, inulan pa niya ako ng mga tanong. "Anong nangyari sa Masbate? Ba't nangayayat ka?"

Habang kumakain kami sa dala ng mga sponsors nila, kinwento ko sa kanya ang ginawa sa akin ng tatay sa Masbate.

Sikat na nga talaga si Josh. Sa porma pa lang, alam ko nang maraming nakapila na babae para sa atensyon niya. Ang hindi nagbago sa kanya ay ang apoy sa mga mata. Siya ang mas nagagalit kaysa sa akin sa tuwing minamaltrato ako ng buhay.

"Pasensya na, Halina, wala ako noong kailangan mo ko."

Matipid ang naging ngiti ko sa kanya. Hindi ko siya pwedeng sumbatan dahil habang nakikipagsapalaran ako sa buhay, ganoon din siya sa pangarap niya.

"Ayos lang. Habang nasa probinsya ako, palaging pinapatugtog ng pinsan ko ang mga kanta niyo. Kahit papaano, nakaka-relax din kayong pakinggan."

Hinawakan ni Josh ang kamay ko at marahan itong pinisil. Inabot niya sa akin ang pepsi. Sabay na rin kaming bumalik sa grupo na nagsasaluhan ng tawa ngayon.

“Guys, meet our new wardrobe stylist, si Yna.”

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. “Teka, wala naman akong sinabi na—”

Humarap sa akin si Josh. “Dito ka na sa 1Z magtrabaho. Mas panatag ako na nandito ka kaysa mag-apply sa kung saan.”

“Pero tama ba na kukunin mo na lang ako bigla? Paano ang desisyon ng 1Z?”

Si Stell ang sumagot sa akin. “Don't worry, Yna. Sa amin naman ang 1Z, kaya pwede kaming lima ang magdesisyon sa kung sino ang iha-hire namin sa company. Saka, ‘di ba, ikaw naman talaga ang nag-aayos sa amin kahit noon pa?”

Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Natutuwa ako dahil may trabaho na kaagad ako kahit ang gusto ko lang talaga ay makita sila. Pero nahihiya rin ako sa kanilang lahat. Bagong salta lang ako dito tapos kasali na bigla sa kanila.

“Thank you, SB19. Thank you sa inyong lahat.”

Nag-thumbs up lang sa akin si Ken at kumain na ulit sa donut niya. Umiinom naman ng pepsi si Liane. Magkausap naman si Jah at Pablo. Nag-aayos sina Athena at Scarlet ng mga gamit. Nakatayo naman sa salamin si Stell. At may humuli sa kamay ko.

“Welcome sa 1Z, Halina Hara.” Nginitian ko lang si Josh.

Flashback

“Isang oras pa po sa PC 4!” sigaw ko para marinig ako ng bantay ng comshop.

“Ayie! Ka-chat ni Ate Yna si Kuya Josh!” Tumingin lang ako sa mga nang-aasar sa akin at tumutok na ulit sa messenger.

Kanina ko pa ka-chat si Josh at Stell. Panay ang hingi ko ng balita sa kanila tungkol sa performance nila ngayon sa South Korea. Saktong pagbukas ko ng chats namin ni Josh ang pagdating ng picture nila.

Josh Cullen Santos:
Sent a photo.

Josh Cullen Santos:Sent a photo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Hala!”

Nakilala ko kaagad kung sino ang nasa picture. Bukod sa Se:On, may kasama pa sila. Nag-type naman ako kaagad ng message.


Yna Hara:
BTS ba ‘yan?

Josh Cullen Santos:
Oo!
Gagsti!
Pumayag sila na magpic kasama kami!

Yna Hara:
Congrats sa inyo!

Josh Cullen Santos:
Nakikita mo ba ‘yan, Yna?
Balang araw, sisikat ang mga ‘yan.

End of Flashbacks

Walang duda. Sikat na nga ang BTS sa buong mundo. Sikat na rin ang SB19 sa Pilipinas.

CLS#3: Sincerely, Yours | SB19 FANFICTION |Where stories live. Discover now