Chapter 4

51 11 3
                                    

Chapter 4

Earlier…

Josh’ POV

“Lift your head, baby, don't be scared…”

Sinasabayan ko ang pagkanta ni Jah sa stage ngayon. Seryoso akong kumakanta nang kilitiin ni Pablo ang tagiliran ko.

“Nagpa-practice ka na rin mang-harana, ah,” kantyaw niya sa akin. “May haharanahin ka ba sa A’TIN University?”

Bigla ko tuloy naalala ang babaeng nakita ko sa A’TIN University, si Lorelei. Hanggang ngayon, wala pa ring kupas ang ganda niya.

“Wala.”

Pero kumupas na ang relasyon naming dalawa. Nirerespeto ko naman ang naging desisyon nila ng pamilya niya. May katiting nga lang sa akin na umaasa pa pero ipagsasa-diyos ko na lang siguro.

Kung madi-distract ako ngayon, baka hindi na ako makapag-rap mamaya.

“Athena, palagay nga ulit ng foundation ko.” Binigyan ko ng nakakalokong tingin si Pablo. Nanlisik lang ang mga mata niya sa akin. Napakadamot talaga nito sa make up artist.

“Ba’t di ka kasi kumuha ng sarili mong make up artist?” masungit na saad sa akin ni Pablo. Hindi pa ako nagsasalita nang lumapit na kaagad si Athena.

“Ha? Kailangan mo ‘ko, Josh?” Ang bilis naman sumagot.

“Mas kailangan ka ni Pablo.” Kinindatan ko si Athena kaya napangiti naman siya.

“Ikaw naman, amo. Hindi mo na kailangan mahiya sa akin. Halika nga, retouch ka na.”

Sinamaan ako ng tingin ni Pablo at nginitian ko naman siya. Napakabagal kasi kumilos nito. Baka maunahan pa.

Nang matapos ang harana slash performance ni Jah, bumalik kami sa dressing room pero imbis na magpahinga ang performer kanina, aligaga pa siya.

“Sinong hinahanap mo? May naiwan ka ba sa stage?” tanong ko sa kanya dahil nahihilo na ako sa kakaikot niya.

“Wait… Nasan na naman si Scarlet?” Gigil pa siya nung sinabi ang pangalan ng P.A. Sabay-sabay naman kaming nagkibit-balikat. Hindi ko nga napansin kung dumating ba talaga siya.

“Di namin alam,” sagot ko sa kanya.

Nagtaas naman ng kamay si Stell. “Ako na lang maghahanap kay Scarlet…”

“Sige stell… Please find Scarlet please…”

Sabay kaming napangiwi ni Pablo. Ba’t biglang nakikiusap ‘to kay Stell?

“Jusko Jah! Kung maka pakiusap ka naman kala mo naman nawawala na si Scarlet? Ahahahaha baka nawiwi lang gusto mo sundan?”

Ang clingy naman ng amo na ‘to sa P.A, niya. Saka ang OA din ni Jah ngayon, kakaiba.

“Hoy po! Jusko naman! Ewan ko sayo! Tekaaa sino ba yung magmimake up sakin!” Naiinis na ang pure boy.

Umangat ang gilid ng labi ko at tiningnan si Pablo. “Alangan namang si Athena eh si Pablo tong boss niya.”

Maya-maya pa, lumabas na rin si Jah. Ilang minuto pa ang lumipas, akala ko makakabalik na silang lahat pero isang lalaki lang ang pumasok.

Malapad ang ngiti no Stell nang humarap sa akin. “May bisita ka sa labas. Alam kong matagal mo na siyang hinahanap.”

Napatayo ako at pumunta sa back door. Malalaki ang hakbang na ginawa ko. Bigla akong nanlamig nang maalala ko siya. Sa Cavite kami unang nagkakilala pero sa Maynila na kami nagkahiwalay.

Malakas ang kabog ng dibdib ko. Limang taon ko na siyang hindi nakita. Ang huli kong balita sa kanya, nagpunta na siya sa Masbate para permanenteng tumira doon. Kaya nakakagulantang kung bigla siyang susulpot dito.

Nang buksan ko ang pinto, unang sumalubong sa akin ang babaeng palaging kasama ni Jah. Sunod kong tiningnan ang katabi niya.

Sabay akong natuwa at nanlumo. Malayo na sa Yna na una kong nakilala ang Yna na nakatayo sa harapan ko.

Flashback

“Tara dito.”

Inaya ko si Yna papunta sa SM North. Ngayon ang una kong laban kasama ang Se:On. Maraming tao dito dahil sa Dance Competition.

“Oy, girlfriend mo, Josh?” sinalubong kami ni Stell.

Umiling si Yna. “Sinama niya lang ako dito.”

“Ah, taga-cheer ka lang? Grabe ka, Josh, naghakot ka na ng cheerleader, sana pinagdala mo pa ng tarpaulin para sulit na.”

Umirap ako. Si Yna naman natawa na lang sa hirit niya. Pinakilala ko naman silang dalawa sa isa’t isa.

“Yna, si Stell pala, kasama ko sa Se:On.”

“Hello po, Kuya Stell.”

“Stell, si Halina. Yna ang nickname niya, kaibigan ko sa Cavite.”

Lumapit kami sa pwesto ng team namin. Inaayos ko ang pulang panyo sa braso nang tinapik ni Yna ang kamay ko.

“Gawin mo na lang ‘tong bandana para hindi maging sagabal sa sayaw mo mamaya.”

Napansin ng team namin ang ginagawa ni Yna kaya pinaayos rin nila ang panyo para gawing bandana.

Nang matapos ang performance ng lahat ng grupo, inanunsyo kaagad ang mananalo. Akala ko, 5k lang ang premyo, meron pa pala.

“And the team that will represent Philippines in South Korea is…” Tumunog nang matagal ang drum roll. “Let's give it up for Se:On!”

Sabay-sabay kaming tumalon pero hindi ko akalain na may makikitalon pa. Siya rin ang may pinakamalakas at pinakamatinis na tili.

“Congrats, Josh! Congrats!”

Huminto ako sa pakikitalon at tinitigan si Yna. Ngayon ko lang nakita na sobrang saya niya ngayon.

May halong pang-aasar ang tingin ng grupo sa amin. Napansin rin iyon ni Yna kaya sila naman ang binati ng kasama ko.

“Congrats sa inyo! Ang gagaling n’yo!”

End of Flashbacks

Naikumpara ko ang itsura ni Yna noon at sa kasalukuyan. Napansin ko ‘yon pero naging tikom lang ang bibig ko.

Kung malupit ang naging buhay niya sa Cavite, sa tingin ko, higit na lalo pa sa Masbate dahil kitang-kita rin ang mga kupas na pasa sa braso niya.

Nang dalhin ko siya sa dressing room, naglagay kaagad ako ng pagkain sa harapan niya. Kahit ang meryenda ni Ken na donut, binigay ko na kay Yna. Papalitan ko na lang.

“Kumain ka lang nang kumain, Yna.” Paalala ko pa sa kanya bago lumabas.

Nakasalubong ko si Pablo na papasok sa dressing room. May sasabihin sana siya pero napansin niya ang diretso kong labi.

“Nasa loob si Yna,” balita ko sa kanya. Shet, di pala nila kilala ‘yon. “Basta, may kasama ako sa loob."

“Si Yna?” Nanlaki ang mga mata ni Pablo. “Sino ‘yon?”

“Fan mo ba ‘yon, Josh?” tanong pa ni Athena. Iling lang ang sinagot ko sa kanya.

“Kaibigan ko siya.” Ito ang alam ko sa aming dalawa mula noon… kahit pa hanggang ngayon.

CLS#3: Sincerely, Yours | SB19 FANFICTION |Where stories live. Discover now