Chapter 12

64 5 2
                                    

Chapter 12

Yna’s POV

Tulala ako sa kisame habang may kanya-kanya namang ginagawa ang mga kasama ko na sina Liane, Athena at Scarlet.

“So boring naman,” saad ko. Ano bang pwede naming gawin ngayon– Ah! “May naiisip akong gagawin natin!”

Si Liane ang unang sumagot sa akin. “Ano naman ‘yun?”

Since perfect opportunity na rin naman ‘to para magkakilala at mag-bonding kaming apat…

“Let’s have girls talk na lang!” suhestiyon ko.

“Hmm…” Napatingin ako kay Scarlet. Naghihintay kung may susnod pa siyang sasabihin. “I like that idea po.”

Napangiti ako nang malawak sa narinig ko. Mukhang game na game naman si Athena pero mukhang nasa mood si Liane na pansinin ang dalawang mas bata sa amin.

“I like that pala ha, kayo ni Athena yung first na tatanungin namin.” 

Mahina akong napatawa nang magkatinginan kami ni Liane. Oo nga no. Sila yung mas bata sa amin pero sila yung napapansin ko na papausbong ang lovelife kina Pablo at… teka…

Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Scarlet at Liane. Silang dalawa kasi ang related kay Justin. I smell something… saka parang hugis tatsulok pa. 

Nang bumalik ang tingin ko kay Liane, mukhang prospect na niya si Athena. “So ano yung feeling na nasa bahay ka ng Nase Family?”

Tumaas ang kilay ko at mukhang lumaki rin ang dalawang butas ng ilong ko. Nakakaintriga. Alam kong malapit si Athena kay Pablo bilang personal na make-up artist pero ngayon ko lang nalaman na binabahay– este nakatira pala sa mga Nase ang batang ‘to.

“Masaya,” tipid na sagot ni Athena. Natawa naman ako.

“Kamusta naman yung pakikitungo sayo ng family ni Sir Pablo?” tanong ko sa kanya na may ngiti sa labi. Nakita ko namang namula ang pisngi ni Athena kaya mas lalo pa tuloy akong napangiti.

“They are nice din naman lalo na si Tita Grace.”

Mukhang mas nakuha ng topic namin ang interes ni Scarlet. “Bi, close na kayo ng boss mo?”

Athena shrugged. “I don’t know.”

“Ito talaga yung best question. Kamusta kayo ni Pablo?”

Pinanuod ko ang kantyawan nina Liane at Athena. Nakakaaliw silang dalawa dahil sila rin talaga ang may progress sa relationship nila with Justin and Pablo. Kaso pa-showbiz ang baby girl namin.

“We are in a professional relationship po.”

“Taray dun sa professional!” kantyaw at komento ko.

Professional relationship daw pero nadulas sa amin na may picnic keme daw sila. 

“Sana all sayo bii,” komento ni Scarlet kaya sa kanya naman ako napatingin. Naku, lagot ka sa akin!

“Ikaw naman yung next, Scarly.” Kinindatan ko si Liane kaya siya ang nagtanong. Tinanong niya kung ano ang first impression ni Scarlet kay Justin. 

“Suplado,” diretsong sagot ni Scarlet. “Totoo naman, suplado pero paunti-unti ko na siyang nakakasama, para siyang tubig sa gripo namin.”

Kumunot ang noo ko ganon din kina Athena at Liane.

“Kasi minsan mainit siya, mainit ang ulo. Minsan naman malamig, mabait.”

Ay, may heater sila. Sosyalin pala ang batang ‘to.

CLS#3: Sincerely, Yours | SB19 FANFICTION |Where stories live. Discover now