Chapter 11

40 5 0
                                    

Chapter 11

Yna’s POV

Kahit anong gawin ko, hindi ko magawang matulog. Nae-excite kasi ako. Ngayon lang ako makakapag-bakasyon, kasama pa ang mga tinuturing ko na kaibigan, si Liane, si Stell, ang SB19… at si Josh.

Nakatulala ako sa labas ng bintana. Asul ang nakikita ko dahil sa langit, minsan naman ay puti dahil sa ulap. Malas nga lang dahil ang seat ko ay katapat ng pakpak ng eroplano, kaya hindi ko rin makita ang ulap.

Katabi ko rin sa upuan si Josh. Hindi naman sa nakikiagaw pa ako kay Justin pero sana si Liane ang nasa tabi ko ngayon. Baka hindi pa kami maubusan ng kwento. Pero ang balita ko, si Stell ang naging katabi ni Liane, isa pa, takot rin pala siya sa matataas na lugar. Alam ko namang gagawin ni Stell ang lahat para maging komportable ang kaibigan ko.

Nilingon ko si Josh. Lumalakas kasi ang hilik niya. Kahit kailan talaga, kahit saang lugar natutulog. Kinuha ko ang cellphone niya sa sa tapat ng seat niya. Buti na lang walang passcode na kailangan para makapunta sa camera. Habang abala ang lahat na matulog, ginamit ko ang oras para kuhaan siya ng litrato. Iba-ibang angle pa. Kapag nagsasawa ako sa rear cam, front cam naman para selfie. Nilagyan ko pa siya ng daliring sungay.

Napansin ko na lang ang repleksyon ng aking mukha sa camera. Nakangiti ako. Ang ganda ng pagkakangiti ko. Kailan nga ulit ako nakangiti ng ganito? Hindi ko na maalaa.

Ang alam ko lang, ngayong nasa panibagong yugto na ako ng buhay, baka pwede naman akong magsaya, di ba?

Nakarating kami sa airport. Umuunat-unat pa ako habang si Josh naman ay nagkakamot ng mga mata. Nahuli niya ang tingin ko sa kanya kaya ngumiti siya nang nakakaloko. Umirap naman ako.

Bakit ba naaasar akong makita ang mukha ng lalaking to?

Ikinalma ko na lang ang sarili. Mapang-asar si Josh at ayokong mapikon sa buong bakasyon namin. Buhat ko na ang aking bag nang lumapit sa akin si Scarlet.

“Ate, tayo raw po ang roommates,” sabi niya sa akin. Nginitian ko naman siya. Sa aming apat na babae na malalapit sa SB19, siguro siya ang nangunguna sa katahimikan o…

“Nao-awkward ka ba sa akin?” diretsong tanong ko habang nakangiti.

“Hindi naman po. A-ano lang… nahihiya lang po ako.”

Natawa ako nang mahina sa sagot niya. “Ba’t ka naman mahihiiya sa akin? Parehas naman tayong nagtatrabaho sa 1Z.”

Matagal ko siyang tiningnan. “O baka dahil sa tingin mo, nagiging malapit ako kay Justin?”

Tumikhim siya. “Nahihiya po ako kasi matagal mo nang kilala ang SB19.”

“Si Josh at Stell lang ang matagal ko nang kilala. Bago lang sina Justin. Saka, wag kang mag-aalala, wala naman akong type sa lima—” nasamid pa ako.

“Ate, okay ka lang?” mabilis niya akong inabutan ng isang boteng tubig. “Siguro po, hindi po kayo dapat nagsisinungaling. Pwede niyo naman pong sabihin na type niyo si Sir Ken.”

Natulala ako sa sinabi niya sa akin. “Ha?” Natawa ako nang ma-realize ko ang ibig sabihin niya. “Wala talaga akong type—” nasamid na naman ako. “Scarlet, hindi si Ken. Kumalma ka d’yan.”

“Okay, si Sir Josh na lang po.”

At tuluyan na akong naubo.

Napansin ako ni Ate Xi-Anne kaya siya na ang humagod sa likod ko habang inuubos ko naman ang isang boteng tubig. Naninikip na ang tiyan ko pero mas maigi na kaysa may naitatanong sa akin na kung ano.

Josh’s POV

“Nasaan si Yna?” tanong ko kina Pablo nang marinig ko ang pag-ubo niya. Tiningnan lang niya ako at hindi sinagot. Naging busy na naman siya sa bagahe niya.

Sinubukan kong lumapit sa kinaroroonan ni Yna pero naunahan na ako ni Ate Xi-Anne. Pasimple pa siyang tumingin sa akin at ngumiti. Naku, ano na naman kaya ang iniisip niya.

Nagiging kabado ako kapag may kahulugan ang tingin niya eh.

“Anong nangyari?” tanong ko kay Ate Xi-Anne nang lumapit siya sa akin.

“Nag-uusap sila ni Scarly tungkol sa mga type sa boys.”

Naging interesado ako sa sinabi niya kaya mas lalo akong lumapit. “Anong sinagot ni Yna?”

Humalakhak na muna si Ate Xi-Anne nang marinig ako. “Basta raw hindi si Ken.”

“Bakit si Ken una niyang sinagot? Anong sinabi niya tungkol kay Pablo? Kay Stell?”

Matagal akong tiningnan ni ate. “Gusto mo bang malaman kung ano ang sinabi niya tungkol sayo?”

“Ano? Ano?”

Tumaas ang gilid ng labi ni Ate Xi-Anne. “Edi tanungin mo.”

Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Ate Xi-Anne at kay Yna. Pinipilosopo lang ako ni ate, eh!

Yna’s POV

Nakuha ko na ang isa ko pang bagahe. Ang sabi sa amin, mahuhuli raw ang SB19 dahil marami ang A’TIN sa labas ng airport. Sikat na nga talaga sila dahil sa maraming tao na sumusuporta sa kanila.

Nauuna kaming maglakad ni Liane.

“Okay ka lang ba sa naging biyahe kanina?” pangungumusta ko sa kanya.

“Oo, kahit papano, kalmado ako kanina. Ikaw ba?”

Natawa ako nang maalala ang pagkakatulala ko sa bintana. “Hindi ako nakatulog kanina.”

Binangga naman ni Liane ako ng baywang niya. “Aray! Ikaw talaga!”

“Hindi ka ba makatulog dahil excited ka o dahil katabi mo si Josh?!”

Naubo na naman ako ulit dahil sa biglaang paglunok ng laway. Mabilis namang lumapit si Athena at Scarlet.

Maya-maya pa, nagkita-kita na rin kami sa resthouse. Medyo marami-rami kaming staffs kaya nagkaroon pa ng room assignments. Burado ang naunang plano kung saan kami ni Scarlet ang magkasama. Ang ginawa nila, pinagsama-sama kaming apat nina Athena at Scarlet dahil kami ang personal na mga kailangan ng SB19 at dapat na mag-stay malapit sa kanila. Naisama na rin sa amin si Liane.

Tikom ang bibig namin nang makapasok sa kwarto. Sa palagay ko nga, baka magka-ilangan pa kaming apat. Kaso, ang tunay na nangyari tuloy, nang magkatinginan kami, bigla na lang kami nagkasundo na mag-ala girl versions ng SB19.

Ang dalawang nakababata sa amin, si Athena at Scarlet ay nagpatugtog ng mga instrumental track ng mga kanta ng SB19, habang kami naman ni Liane ay naghe-headbang na.

Hindi ko namalayan na sa ganoong paraan mabubuo ang pagkakaibigan naming apat. Saka ko lang napagtanto na masaya palang maging ganito.

Sana hindi matapos ang araw na ‘to.

CLS#3: Sincerely, Yours | SB19 FANFICTION |Where stories live. Discover now