Prologue

704 13 0
                                    


Prologue


Para bang nakikisimpatya sa’king nararamdaman ang panahon ngayon. Tila sinasabayan nito ang lungkot na aking nadarama ngayon. Madilim ang kalangitan kahit hapon pa lamang. Tila nagbabadya ang ulan. May iilang mga sasakyan ang dumaraan habang naglalakad ako ng mag-isa sa gilid ng kalsada.

Hindi ko mawari ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ’to. Kung dapat ba akong malungkot, manghinayang, maiiyak, o magalit. Halo-halo. Naguguluhan ako. Pero dapat ba talaga akong magalit? Dapat ba akong malungkot? O manghinayang? Kung sa una palang ay alam kong wala na akong karapatan.


Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Kanina pa ako naglalakad. Matapos kong marinig ang mga salitang ’yon mula sa kaniya, parang gumuho ang mundo. Parang lahat ng mga masasayang nararamdaman ko ay biglang naglaho sa isang iglap ng parang bula. Parang wala nang rason pang manatili roon. Wala nang rason para manaliti kung nasaan siya.


Isang kulog at kidlat ang aking narinig at nakita sa madilim na kalangitan bago sinundan ng pagbagsak ng malalaking patak ng ulan. Mukhang pati ang langit ay dinadamayan ako aking nararamdaman ngayon. Mula sa mahinang ulan hanggang sa unti-unti na itong lumakas. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay siya ring pagtulo ng aking mga luha. Ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang kaninang malinaw na paningin ay unti-unting lumalabo dahil sa mga himaharang na luha at ulan sa’king mga mata. Ngunit hindi iyon ang naging dahilan upang huminto ako sa paglalakad. Kahit basang-basa na ako ng ulan, patuloy pa rin ako sa paglalakad. Wala akong pakialam kung basang-basa na ako at ang mga gamit ko. Wala akong pakialam sa mga sasakyang dumaraan. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang umalis at magpakalayo-layo sa lugar kung saan malapit siya.


Isa lang ang dahilan kung bakit ako nagkakagan’to. Dahil sa mga salitang binitawan niya kanina, muli na naman akong nakaramdam ng lungkot. Muli na naman akong nakaramdam ng sakit. Muli na naman akong umiyak. Akala ko hindi ko na mararanasan pang umiyak dahil sa kaniya. Akala ko hindi na ako masasaktan dahil sa kaniya.

Nasasaktan ako.

Nasasaktan kasi akala ko ako na. Akala ko ako na ’yung magiging huli. Akala ko dahil sa ginawa sa kaniya ni Mama, tuluyan niya nang makakalimutan ang nararamdaman niya mula rito. Ngunit akala ko lang pala ang lahat. Dahil sa huli, si Mama pa rin ang pinili niya.

Si Mama nalang palagi. Paano naman ako?

Ang daming what if’s na pumapasok sa isip ko ngayon. What if hindi nalang siya nakilala ni Mama. What if hindi nalang ako sumama rito sa maynila. Siguro hindi ko siya makikilala. Hindi ko mararamdaman ang pagmamahal na ’to para sa kaniya. Totoo nga pala talaga na nasa huli ang pagsisisi.

Simula palang no’ng una, alam ko nang wala na. Talo na ako. Pero wala, masyado akong mapilit. Dapat pala pinigilan ko nalang, dapat hindi ko na kinuha ang pagkakataong ’yon upang mas lalo siyang makilala. Pero eto ako ngayon, mag-isa, nasasaktan, lumuluha.

Kasalanan ko rin kasi hinayaan kong mangyari ito. Hinayaan kong mangyari ang mga bagay na hindi dapat.

Akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong pakiramdam. Ang pakiramdam ng nag-iisa. Ang pakiramdam na ayaw ko nang maramdaman pa. Nakakatakot. Nakakatakot kasing maging mag-isa, ’yung walang karamay sa nararamdaman. ’Yung walang mapagsabihan ng nararamdaman...

Pero... eto ako ngayon... mag-isang naglalakad sa kalsada na hindi mawari kung saan pupunta.

Hindi ko na dapat pang hinayaang mangyari ’to. Hindi ko na dapat pang hinayaang mahulog nang malalim sa kaniya, sa puntong hindi ko na kayang umahon kasi eto ako ngayon lunod na lunod. Nangangapa kung ano ba ang dapat na gawin.

Masyado nang lumalakas ang ulan. Patuloy pa rin ang pagkulog na sinasamahan ng iilang kidlat. Pero wala na akong pakialam pa. Ramdam ko ang lamig na nanunuot sa katawan ko. Pero hindi ko iyon pinansin at patuloy na naglalakad.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Namalayan ko nalang na huminto na ako sa isang lugar na hinding-hindi ko makakalimutan.

Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat...

Ang lugar na espesyal sa akin--espesyal sa amin. Ang lugar kung saan sinabi niya ang mga katagang labis na nagpasaya sa puso ko.

Ang salitang mahal kita.

Siyam na letra, dalawang mga salita. Ngunit labis na nagpasaya sa aking puso. Ngunit siya ring nagpaparamdam sa’kin ng ganito. Ang nagpaparamdam sa’kin ng kalungkutan ngayon.

“Ang unfair.” bulong ko habang pinanonood ang mga nagtataasang gusali sa buong siyudad.

Napaka-unfair talaga. Ako ’yung nando’n eh, ako ’yung nando’n noong kailangan niya ng kasama. Ako ’yung katabi niya--’yung kasama niya noong nalulungkot siya dahil sa ginawa ni Mama. Ako ’yung naging karamay niya nang talikuran siya ng tinuturing niyang mundo. Ako ’yung nandoon habang pinakikinggan ang mga hinanakit niya. Ako ’yung bumuo sa kaniya no’ng mga panahong wasak na wasak siya.

Pero bakit ganito?

Bakit ako naman ’yung nasasaktan? Bakit ako ’yung hindi pinili? Bakit si Mama nalang palagi? Ako ’yung nasa tabi niya eh, ako ’yung nando’n palagi. Masama bang humangad na mapasaakin siya? Masama bang ipagdamot siya? Masama bang humangad na sana ako nalang... sana ako nalang ’yung piliin niya.

Ang sabi niya kasi... Mahal niya ako eh... mahal niya rin daw ako. Pero talaga bang mahal niya ako? O sadyang mas matimbang ang nararamdaman niya kay Mama? Mahalaga ba talaga ako sa kaniya? O mahalaga lang ako dahil ako ’yung nakakabuo ng pagkukulang ni Mama sa kaniya? Hindi na dapat pa ako naniwala sa kaniya. Hindi ko na dapat pang pinaniwalaan ang lahat ng mga sinasabi niya, ang lahat ng mga kilos na ipinapakita niya.

Kasi eto ako ngayon, nasasaktan dahil umaasa ako. Umasa na ako ang pipiliin niya.

Ang hirap. Totoo pala ’yung kasabihan na walang permanente sa buhay. Lahat aalis, lahat mawawala. Lahat ay iiwan ka.

Siguro ito na ’yung tamang oras para itigil ang lahat. Ito na ’yung tamang para kalimutan ang nararamdaman kong ’to--ang nararamdaman ko sa kaniya. Siguro kailangan ko nang itigil ’to kasi ako lang ’yung masasaktan ng sobra kapag pinairal ko pa itong katangahan ko. Siguro ito na ang tamang oras para kalimutan siya...

Isang hikbi ang tumakas sa’king bibig. Mila sa mahina hanggang sa unti-unti na itong lumalakas. Sunod-sunod ang aking hikbing pinakakawalan. Paulit-ulit kong pinupunasan ang aking mukha na basa ng ulan at luha. Buo na ang desisyon ko... kakalimutan ko na siya.

Dito sa lugar na ito. Dito ko na tatapusin ang lahat. Ang lahat ng mga masasayang alaalang ginawa naming dalawa, ang lahat ng mga sakit na naramdaman ko mula sa kaniya...

Dito ko ibabaon lahat. Magiging saksi ang lugar na ito sa gagawin kong paglimot sa kaniya, sa nararamdaman mula sa kaniya.

Tumingala ako at pumikit. Ramdam ko ang mga patak ng ulan na tumatama sa aking mukha pero hindi ko iyon pinansin. Isang nakangiting mukha ang lumabas sa aking isipan. Ang mukha na hanggang ngayon ay hindi ko makakalimutan. Ang kaniyang mga matang tila bituin sa madilim na kalangitan. Ang kaniyang perpektong ngiti na minsan nang nagpagulo sa aking sistema...

Ibinuka ko ang aking bibig. “Kalilimutan na kita. Gagawin ko ito dahil hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko. Sa lugar na ito. Magiging saksi ito kung paano kita ibabaon sa limot. Sana maging masaya ka...”

Kasabay ng aking paghinto sa pagsasalita ay siya ring unti-unting pagkawala ng imahe niya sa aking isipan.

Tuluyan kong iminulat ang aking mga mata at malamlam na tumingin sa ibaba kung saan makikita ang buong siyudad.

Malungkot akong ngumiti.

Simula ngayon, tuluyan na kitang kalilimutan.

Ang pangalang Nikolas Lucio Schultz ay isang imahinasyon ko lang sa aking isipan na minsan ay hindi nag-e-exist. Isang imahinasyon na kailangan nang mabura. Dahil simula ngayon, ibabaon na kita sa limot.

Paalam, Tito Lucio...

--

Enjoy reading!

His Forbidden DesiresWhere stories live. Discover now