04

230 13 0
                                    

Renon

Pagkalabas ko sa gate ng malaking paaralang ‘yon ay agad akong tumungo sa lugar kung saan nakaparada ‘yung sasakyan ni Tito Lucio.

Doon ko naabutan ang isang lalaking umiinom ng soft drinks habang nakasandal sa itim na sasakyan. Mukhang napansin naman ako nitong papalapit sa kaniya kaya mabilis niyang inubos ang iniinom niya at itinapon sa basurahan ang plastic na hawak niya.

Sinalubong naman ako nito at iniabot sa akin ang isang burger at bottled water. Mabilis ko naman iyon kinuha dahil nakaramdam na ako ng pagkagutom.

Saan niya kaya ‘to binili?

“Tapos ka ng magpa-enroll?” Tanong nito sa akin habang nakasandal pa rin sa kaniyang kotse. Nakalagay pa ang dalawa nitong kamay sa bulsa ng kaniyang suot na pants. Nakasuot siyang kulay puting plain t-shirt at itim na pants. Naka-tuck-in pa siya kaya kitang-kita ‘yung mamahalin niyang sinturon. Gucci.

Nagmumukha siyang gangster sa pwesto niyang iyon. Hindi ‘yung gangster sa mga eskinita ah, mukha siyang ‘yung mayamang gangster tapos siya ‘yung leader.

Mafia boss ‘yan.

Tumango lang ako bilang sagot at sinimulang kagatan ang burger na hawak ko.

“Ang bilis ah. Well, that's good, para makapunta agad tayo sa mall at makauwi nang maaga,” muli niyang sabi.

Nilunok ko muna ‘yung piraso ng burger na nasa bibig ko bago nagsalita, “Konti lang kasi ‘yung kasabay kong magpa-enroll kaya madali lang ako natapos, hehe,” pag-iimporma ko rito. Tumango-tango naman ito at nanahimik na.

Mabuti naman dahil kanina ko pa gustong uminom. Nabubulunan na kaya ako sa kinakain ko.

Agad kong binuksan ang hawak kong bottled water na binigay sa akin ng kasama ko. Nang maubos ang laman ay tinapon ko ‘yon sa basurahan kasama ang plastic na pinaglagyan nu’ng burger na kinain ko.

Napansin ko namang umayos na ng tayo si Tito Lucio, “Shall we go?” Tanong nito na tanging tango lang ang sinagot ko.

Ayaw kong magsalita, baka maamoy niya ‘yung hininga kong amoy burger, kahiya hehe.

Sumunod naman ako sa kaniya nang pumasok ito sa sasakyan. Ako na ang naglagay ng seatbelt ko dahil mahirap na at baka maulit na naman ‘yung nangyari kanina. Sinimulan na nitong buhayin ang makina ng sasakyan at tuluyang minanipula ang manibela nito. Ako naman ay nanahimik na lang.

Hays! Another awkward moment na naman para sa amin!

--

Naglalakad kami ngayon ni Tito Lucio sa loob mall. Nauuna siyang maglakad sa akin habang nasa likod naman niya ako, nakasunod lang, baka kasi mawala ako eh. Marami pa namang mga taong namamasyal din, karamihan mga kasing edad ko lamang.

Napakalaki ng mall na ‘to. Habang naglalakad kami patingin-tingin ako sa paligid. Marami akong nakikitang mga tindahan at mga kainan. Tapos ramdam ko ang lamig sa loob ng mall na nanggagaling sa aircon.

Hindi ko mapigilang mamangha sa aking mga nakikita. Ngayon lang kasi ako nakapunta sa ganitong lugar. Du’n kasi sa probinsya namin, palengke ‘yung nagsisilbi naming pasyalan, tapos sobrang init pa lalo na kapag maraming tao.

“Are you okay, Ren?” Napatingin ako sa kasama ko nang magsalita ito. Do’n ko napansin na nakahinto na pala ako.

Napatango na lang ako at umiwas ng tingin. Nakaramdam ako ng hiya dahil hindi ko namalayan na hindi na pala ako naglalakad. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga dumadaan.

Pabubukahin ko sana ‘yung lupa para ipakain ang mga taong tumitingin sa akin kaso naalala ko na isang makintab na tiles pala ang inaapakan namin. Hehe. Tapos kitang-kita ko pa ang repleksyon ko.

His Forbidden DesiresWhere stories live. Discover now