13

133 4 0
                                    

GYM
--

Renon

Kagaya nga ng pangako ko kay mama. Kinausap ko kinabukasan ang nobyo niya. Naglakas-loob akong lumapit dito upang kausapin.

Pagkauwi ko galing sa paaralan, dahil nga half-day lang ang klase ngayong linggong ‘to. Tanghali ang uwian namin dahil nga wala namang ginagawa sa school. Wala nga akong ganang pumasok at napipilitan lang, kaso hindi naman akong pwedeng lumiban sa klase lalo na’t kasisimula palang.

Pagdating ko sa bahay ay si manang lang ang naabutan ko. Wala si mama, at ‘yung boyfriend naman niya, hindi ko alam kung wala ba. Nakita ko kasi ‘yung sasakyan niyang nakaparada sa labas. Ibig sabihin lang no’n ay nandito siya, pero ‘di ako sigurado kasi hindi ko siya nakita sa loob ng bahay.

Pansin ko lang, laging wala si mama. Gano’n na ba talaga siya ka-enjoy sa trabaho niya?

Ay ewan.

Pero ito na siguro ang kukunin kong tiyansa upang makausap ‘yung nobyo ni mama. Hindi naman tungkol sa pagitan namin ang pag-uusapan ‘no, ‘yung tungkol sa kanilang dalawa ni mama.

Pagkatapos kong magbihis at kumain ng pananghalian ay tinulungan ko si manang na magligpit. Ako lang kumain mag-isa dahil sabi ni manang ay tapos na raw kumain si Tito Lucio. ‘Di man lang nanghihintay.

So, ibig sabihin nandito nga talaga siya. Hindi ko mapigilan ang bahagyang pagbilis ng pagtibok ng puso ko. Para akong kinakabahan na ewan. Dahil ba nandito ‘yung lalaking ‘yon? Eh, ano naman.

Pero nako, hindi pa nga kayo nagkakausap kinakabahan kana, Renon! Pa’no kung magkausap na talaga kayo? Baka himatayin ka nalang bigla. Dapat kalma lang. Ikalma mo lang ang tanga mong puso, self.

“Nasaan po pala si Tito Lucio, Manang?” Pagtatanong ko sa matandang naghuhugas ng mga pinggan. Ako naman ay pinupunasan ng tuyong towel ang mga pinaghugasan niya at inilalagay sa tamang lalagyan.

Ang totoo ay ayaw pa sana ni manang na tulungan ko siya. Pero dahil mabait tayo, siyempre nagpumilit ako. Aba, dapat tayong tumulong sa nakakatanda at nangangailangan. Dapat good boy tayo para matik na sa langit ang ating punta. Hehe.

Huminto muna ito sa paghuhugas at tumingin sa ‘kin, “Baka naliligo siya ro’n sa swimming pool, hijo. O kaya naman ay nasa gym. ‘Yon ang palagi niyang pinupuntahan dito sa bahay kapag wala siyang trabaho,” sagot nito at muling nagpatuloy sa paghuhugas.

Ako naman ay tumango nalang. Bumalik na rin ako sa aking ginagawa. Ilang sandali pa ay natapos na nga kami. Nagpaalam na ako kay manang na pupunta ng sala, pero ang totoo ay hahanapin ko lang talaga ‘yung lalaking ‘yon.

Ano ‘to? Tagu-taguan tapos ako ‘yung taya.

Lumabas ako ng bahay upang tumungo sa swimming pool na nasa likod ng bahay. Naisipan kong dumaan sa may maid's quarter dahil gusto ko ring makita ‘yung dalawang babaita.

Ano kaya ang ginagawa ng dalawang ‘yon? Minsan ko nalang kasi silang makitang naglilinis sa loob ng bahay. Naku! Kapag nalaman ko lang talaga na hindi nila nagagampanan ang kanilang trabaho ay isesesante ko sila! Joke!

Wala pala akong karapatang gawin ‘yon. Parang sa kaniya, wala rin akong karapatan.

Huh?

Pagkarating ko ro’n ay naabutan ko ang dalawa na kumakain. Kaya naman pala hindi ko makita dahil abala sa pagkain. Malapitan nga.

“Sarap ng kain niyo ah.”

“Ay palaka!” Halos matawa ako dahil sa naging reaksyon ng dalawa. Si Sabel ay muntik nang mapatalon at mailuwa ang kinakain niya dahil wala gulat habang si Amely naman ay napasigaw, napahawak pa ito ng dibdib.

His Forbidden Desires (ON-HOLD)Where stories live. Discover now