14

226 9 3
                                    


Renon

Mabilis na lumipas ang mga araw.

Pero 'yung kalungkutan na nararamdaman ko sa kaloob-looban ko hindi pa rin nawawala. Imbis na mabawasan man lang, nadadagdagan! At dahil 'yon sa nobyo ni mama!

Akala ko kapag kinausap ko siya ay babalik na kami sa dati pero hindi! Gano'n pa rin 'yung trato niya sa 'kin. Parang hangin, nararamdaman pero hindi nakikita.

Pero ginawa naman niya 'yung sinabi niyang babawi siya kay mama. Dahil pansin kong lagi silang lumalabas.

Pero ayaw ko na!

Ang hirap nito!

Ang hirap ng sitwasyon ngayon! Takte, hindi ko alam kung tama ba talaga 'yung ginagawa kong pag-iwas sa kaniya noon. Pero kung hindi ko naman 'yon ginawa ay baka ngayon ay lunod na lunod na ako sa kaniya. Kaya hindi ko pinagsisisihan 'yung ginawa kong 'yon.

Pero kung ayaw niya na talaga akong kausapin edi bahala siya! Kung gano'n ang gusto niya edi sige! Hindi naman siya babae para suyuin ko 'no! Bahala siya!

Dahil tuloy sa sitwasyon naming dalawa ay na-apektuhan si mama. Kahit sa pag-aaral ko ay naaapektuhan na.

'Yung dalawa naman na sina Akiro at Echo ay hindi ko na rin nakakausap, nakakausap ko pa naman sila kaso minsan na lang. Minsan na lang din ako kung sumama sa kanila kasi nga wala akong ganang gumalaw-galaw. Alam kong hindi ko dapat dinadala ang problema sa bahay rito sa school.

Ngayon ay lunes. Ito ang simula ng kalbaryo naming mga estudyante. Lessons! Nagsimula na nga kaninang umaga eh. Sandamakmak na activities agad ang binigay.

"Hoy, samahan niyo nga akong bumili sa cafeteria," pag-aya ko sa dalawa kong baliw na kaibigan.

Tiningnan lang ako ng mga ito nang may pagtataka habang kumakain ng mga binili nilang pagkain. Oo, may pagkain na sila. Hindi man lang ako inaya, akala ba nila ay hindi ako sasama?

"Hindi na kami pupunta ro'n, kumakain na kami oh." Sinamaan ko ng tingin ang malokong si Akiro nang ipinakita nito ang kinakain niya. Mabilis naman itong nag-peace sign at ngumiti nang malapad bago tumayo. Natakot siguro.

Ganyan nga, matakot ka sa 'kin! Buwahaha!

Hinila nito ang katabi niyang si Echo na abala rin sa pagkain. Muntik pa nga itong mabulunan dahil sa ginawa niya.

"Let's go!" Maligalig na sambit ni Akiro nang hilahin kami.

Nakasunod lang ako sa kanila habang naglalakad. Nauuna kasi sila sa 'kin, habang nasa likuran naman nila ako.

Alam kong kahit hindi sabihin ng dalawa ay nagtatampo sila sa 'kin. Nararamdaman ko eh. Nahahalata ko lalo na kay Echo na hindi ako kinakausap o nililingon man lang. Kung hindi nga talaga siya hinila ni Akiro ay hindi siya sasama.

Siguro babawi nalang ako sa kanila. Libre ko kaya? Ay! Oo nga pala. Naalala ko na kailangan ko pala silang i-libre sa isang restaurant dahil nga may utang ako sa kanila. Nagkautang pa nga dahil lang sa load. Pero saan ko naman sila dadalhin? Wala naman akong alam na kainan dito.

Edi sa restaurant ng crush mo--este nobyo ng mama mo!

Doon ko naalala na may restaurant pala 'yun, kaso hindi ko naman alam kung saan. Tatanungin ko nalang si mama kapag may oras. Tutal alam niya kung saan 'yon dahil nakapunta na siya roon.

Hindi ko pa naman sila lilibrehin eh.

"Anong mayro'n bakla at ikaw ang nag-aya sa 'min?" Napatingin ako kay Akiro nang magtanong ito.

Napakamot ako ng ulo, "Nagugutom kasi ako kanina pa, hindi ako kumain ng almusal kanina sa bahay," paliwanag ko rito.

Totoong hindi ako kumain ng almusal kanina. Dahil nga badtrip ako sa boyfriend ni mama at ayaw ko siyang makasabay sa pag-aaral pagkain kaya umalis nalang ako ng walang laman ang tiyan.

His Forbidden DesiresWhere stories live. Discover now