11

142 8 0
                                    

SILHOUETTE
--

Renon

“Nandito na tayo, Ser,” agad akong napatingin kay mang Henry nang magsalita ito. Napatingin ako sa paligid at doon ko napansin na nasa bahay na nga kami. Nasa loob pa kasi ako ng sasakyan. Madilim na rin nang kami ay makarating rito sa bahay, medyo na-traffic kasi sa kalsada.

Pinatay ko muna ang aking hawak na cellphone bago bumaba ng sasakyan. Nagpasalamat pa ako kay mang Henry sa pagsundo sa ‘kin.

Pagkababa ay para akong napatanga habang nakatingin dito sa labas kung nasaan ako nakatayo.

Bumalik sa isipan ko ang mga nangyari kaninang umaga. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba sa aking kaloob-looban habang bumabalik sa aking mga ala-ala ang mga sinabi niya kanina.

Doon ko nakita ang sasakyang palaging ginagamit ng nobyo ni mama. Isa lang ang ibig sabihin nito. Nasa loob siya ng bahay. Mas lalo akong kinabahan, pero pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. Huminga ako na nang malalim bago tuluyang buksan ang pinto ng bahay at pumasok sa loob.

Kahit anong gawin kong pag-iwas sa kaniya, kung nakatira lang kami sa iisang bahay ay parang wala rin.

Itigil ko na kaya ang pag-iwas sa kaniya?

Mabilis akong napailing dahil sa ideyang pumasok sa isipan ko. No! Hindi ko ‘yon pwedeng gawin. Kailangan ko munang makasigurado na wala na talaga akong nararamdaman sa lalaking ‘yon kahit konti, bago ko tuluyang itigil ang ginagawa kong pag-iwas sa kaniya.

“Gusto mong iwasan, ‘di ba? Sige kung ‘yan ang gusto mo, then let's avoid each other. ‘Wag kang lalapit sa ‘kin at hindi rin ako lalapit sa’yo, that's what you like, right?”

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ng nobyo ni mama kaninang umaga. Hindi ko alam pero parang bigla akong natakot. Parang hindi ko kaya na siya mismo ang iiwas sa ‘kin.

Masyado na ba akong tanga? Oo.

Ako ‘yung may gustong iwasan siya, pero ngayong siya na mismo ang iiwas ay parang ayaw ko.

Ang gulo! Pati isipan ko nagugulo dahil sa lalaking ‘yon.

Pumasok na nga ako ng bahay. Pagkapasok ay isang tahimik na bahay ang sumalubong sa ‘kin. Sanay naman na ako na ganito katahimik ang bahay na ‘to. Ang konti ba naman ng tao.

Dumiretso muna ako sa kusina upang kumain--este tingnan kung nandoon si mama. Pero hindi siya ang naabutan ko ro’n! Paanong hindi si mama ang nandito? Ganitong oras kasi ay naghahanda na siya ng hapunan. Nakapagtataka.

“Oh Ren, hijo, nandiyan kana pala,” ang nasambit na lang ng tao sa kusina nang mapansin ako.

Ngumiti ako rito at kinuha ang kaniyang isang kamay upang magmano. Ganito ang utos sa ‘kin ni mama, dapat magbigay galang palagi sa mga nakakatanda.

Kahit mahirap man kami, hindi nawawala ang mga pangangaral ni mama sa ‘kin. Ngayon lang niya ako hindi nasasabihan dahil masyado siyang abala.

“Good evening po, Manang,” pagbati ko rito nang makapag-mano sa kaniya. Ngumiti naman ito sa ‘kin at binati rin ako pabalik.

Dahil nagtataka kung bakit siya ang naririto ay nagtanong nga ako, “Nasaan po pala si Mama, Manang?” Pagtatanong ko rito at tinulungan siya sa pag-aayos ng mga kailangan sa pagkain.

Mukhang kakain na kami ah.

“Sa pagkakaalam ko ay nasa isang restaurant siya na pagmamay-ari ni Ser Lucio, hijo. May inaayos pa raw ro’n,” sagot nito.

His Forbidden Desires (ON-HOLD)Where stories live. Discover now