03

296 14 0
                                    

Renon

Naranasan mo na bang mahalikan ang crush mo? Ako kasi malapit ko ng maranasan 'yon ngayon.

Eto na.

Konti na lang...

Mahahalikan ko siya...

Mahahalikan ko na ang crush kong si Ivana Alawi. Konti na lang, malapit n--

*PAAKK*

"Araaay!" Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may tumama sa pwet kong isang matigas na bagay.

Oops! Mali 'yang iniisip mo. Ikaw ha.

Malapit na eh! Konti na lang! Mahahalikan ko na 'yung ultimate crush ko... kahit sa panaginip. Kaso naputol pa. Halik na sana naging bato pa.

Napasimangot ako nang mapansin ko si mama na nakapameywang na nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay at may hawak pa itong isang hanger na pinapalo-palo sa kaniyang isa pang kamay. 'Yon siguro ang ginamit niyang pangpalo sa pwet ko. Huhu! Masakit kaya!

"'Ma naman! Bakit mo naman pinalo 'yung pwet ko? Natutulog pa ako eh!" Reklamo ko rito habang hinaplos 'yung parteng pinalo niya, balak ko pa sanang bumalik sa pagkakahiga dahil inaantok pa ako at hindi ko alam kung bakit, dahil hindi naman ako nagpuyat kagabi. Siguro dahil masarap matulog kapag may aircon, pero ang towka! Biglang hinila ni mama ang kumot na nakabalot sa katawan ko, kaya ang ending nahulog ako sa kama at nauna pa yung pwet kong pinalo ni mama! Ang sakit!

Kawawa 'yung pwet ko, dalawang beses sinaktan.

"Anong natutulog? Bumangon ka na r'yan at mag-ayos! Nakalimutan mo na bang magpapa-enroll ka pa? Naghihintay ang Tito Lucio mo ru'n sa baba kaya bilisan mo r'yan!" Ang walang tigil nitong sermon bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. Grabe rin 'tong si mama, ang aga-aga sermon agad ang pina-almusal sa akin! Nabusog tuloy 'yung dalawa kong tainga. Sermon agad ang bungad sa akin eh.

Oo nga pala, ngayong araw ko pupuntahan 'yung paaralang lilipatan ko. Medyo nakalimutan ko siya hehe.

Napakamot ako sa ulo at napagpasyahang tumayo upang tumungo sa banyo. Tuluyan na ngang nawala ang antok ko dahil kay mama. Ngunit bago ako pumasok ng banyo ay tiningnan ko muna sa basag-basag kong cellphone kung anong oras na. 06:07, masyado pang maaga kaya pwede ko pang gawin ang gusto ko sa banyo. Mwehehe.

Magcoconcert muna ako.

Pagkapasok ko ng banyo ay agad kong ginawa ang morning routines ko tuwing umaga.

Ay malamang, morning nga eh! Sabog ka pa ata Renon.

Paglipas ng ilang oras ay natapos na nga ako sa pagligo at paglinis ng aking katawan. Agad akong nagbihis ng isang simpleng damit na pang-alis at kinuha ko ang itim kong bag kung saan nakalagay ang mga kinakailangan ko sa pagpapa-enroll at tuluyan na ngang lumabas ng kwarto.

Pagkababa ng hagdan ay dumiretso ako sa kusina kung nasaan ang hapag-kainan at doon ko naabutan si mama at ang nobyo nitong nag-aalmusal na at nagkukwentuhan na naman.

Ayaw ko pa sanang lumapit sa kanila kasi wala lang hehe, kaso mukhang napansin naman ako ni mama dahil bigla itong tumingin ito sa direksyon ko at tinawag ako.

"Oh, Renon, anak nand'yan ka na pala. Halika, mag-almusal ka na rito para makaalis na kayo nitong si Tito Lucio mo," ang pag-anyaya ni mama sa akin.

Sinunod ko naman ang sinabi niya, lumapit ako sa kanila at hinila ang isang upuan kung saan ako nakapwesto kagabi at umupo.

Ngunit bago pa ako makaupo ay narinig kong nagsalita 'yung katabi ni mama.

"Good morning, Ren. How's your sleep?" Ang nakangiting pagbati nito kaya naman kitang-kita ko ang kumpleto at mapuputi nitong ngipin na pwede nang pangcomercial ng brand ng toothpaste. Napangiwi ako.

His Forbidden DesiresWhere stories live. Discover now