06

185 9 0
                                    

DECISION
--

Renon

"Oh, nandito na pala kayo. Anong ginawa niyo ro'n at bakit ang tagal ninyo? At bakit mukhang ang dami mo namang dala-dalang bag, anak? Binili mo ba lahat ng tinda ro'n sa mall?" 'Yan agad ang bungad sa amin ni mama pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng bahay. Nagawa pang magbiro eh.

Si mama talaga oh. Tanong agad ang sinalubong sa amin, hindi man lang muna kami pinaupo.

Bahagya namang natawa ang nobyo niya dahil sa sunod-sunod niyang tanong, "Pinasyal ko muna itong si Ren doon sa mall, Hon, at binilhan ko na rin ng mga damit na isusuot dahil napansin kong luma na ang mga damit niya," ang pagsagot ni Tito Lucio sa tanong ni mama at lumapit dito upang bigyan ng halik sa pisngi.

Umiwas ako ng tingin sa kanila at tumungo sa malambot na sofa upang umupo ro'n. Ibinaba ko na rin muna ang mga bitbit kong bag sa sahig.

Grabe! Napagod ako sa ginawa namin sa mall. Pero nag-enjoy naman ako kaya ayos lang. Hehe.

"Nako, 'wag mong bilhan nang bilhan 'yang anak ko at baka masanay 'yan," napasimangot naman ako sa sinabi ni mama.

"It's okay Hon, gusto ko rin naman siyang bilhan, gifts na rin for him," lihim naman akong napangiti sa sinabi ni Tito Lucio pero agad ko rin 'yung inalis.

Tandaan mo, Renon, na kailangan mo siyang iwasan. Hindi ka dapat madala sa mga salita niya!

Alam ko naman kung bakit gano'n ang sinabi ni mama. Ayaw niya kasing nasasayang ang pera walang katuturang bagay. Ayaw niyang masayang perang pinaghihirapan para lang sa anik-anik. At naiintindihan ko siya, ayaw niya akong masanay na mabili lahat ng mga luho ko.

Dahil nga laki siya--kami sa hirap. Idagdag pa na itinakwil siya ng kaniyang mga magulang nu'ng pinagbubuntis niya ako. Kahit hindi niya sabihin, alam kong mahirap iyon para sa kaniya. Nakita ng dalawang mata ko kung paano siya nagdoble-kayod magbuhat nang mawala si papa upang matustusan lang ang pangangailangan ko nu'ng bata pa ako.

Kaya hindi ko siya masisi kung gano'n na lamang ang pananaw niya sa buhay. 'Yon ay 'wag sayangin ang pera sa walang kwentang bagay.

Para sa akin tama naman siya. Dahil kahit hindi natin aminin, mahalaga ang pera sa pamumuhay ng isang tao. Bilang isang praktikal na tao, hindi ka mabubuhay kung wala ang pera.

Maraming nagsasabi, hindi ko nilalahat ah, na money is root of all evil. Pero paano natin masasabing ang pera nga ang pinagmumulan ng kasamaan? Hindi kasalanan ng pera kung nakagagawa ang isang tao ng mali. Kung alam niyang mali ang isang bagay na 'yon ay hindi niya dapat ginagawa.

Sa katunayan, ang kasakiman ng mga tao ang ugat ng lahat ng kasamaan.

Sa lipunan natin ngayon, ginagawa ng pera ang isang tao upang maging kapaki-pakinabang. Ito ay hindi lang tungkol sa pagiging mapagkukunan ng motibasyon para sa mga manggagawa, kundi dahil ito rin ang nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng isang tao.

Pinahihintulutan ng pera ang mga tao na makabili ng mga pagkain, damit, tirahan, at anumang bagay.

Gayunpaman, hindi nito binibigyang-katwiran ang katotohanan na ang mga tao ay gumagawa ng masasamang gawain upang kumita ng pera. Ang kasakiman ng mga tao ang nag-uudyok sa kanila na lumikha ng makasarili at mapaminsalang mga gawain upang mapanatili ang kanilang pera o maagaw ang ilan sa iba.

Kaya hindi natin masasabi na ang pera nga ang ugat ng kasamaan. Hindi pera ang kumokontrol sa atin para maging masama. Tayo mismo ang gumagawa ng bagay sa ikasasama natin, para lang sa pera. Sabi nga sa napanood kong anime.

"Money wasn't meant to control people. It was meant to unite the people's will."

"Renon."

Bumalik ang atensyon ko kina mama nang marinig ko ang pangalan ko mula sa kanila.

His Forbidden Desires (ON-HOLD)Where stories live. Discover now