16

312 11 1
                                    


Renon

Mabilis akong bumaba ng sasakyan matapos itong huminto sa harapan ng bahay. Bukod sa hindi ko na halos makayanan ang katahimikang namamayani kanina habang bumabiyahe kami, ayaw ko rin siyang makausap.

Papaakyat pa lang ako ng hagdan ng mga oras na ‘yon ay bigla ako nitong tinawag kaya napahinto ako sa paglalakad.

“Ren, mag-usap muna tayo,” ramdam ko ang kaseryosohan sa boses nito kaya napaseryoso rin ako.

Humarap ako sa kaniya at nagsalita, “Ano pong gusto niyong pag-usapan?” Pagtatanong ko rito kahit alam ko naman kung ano ang pag-uusapan namin.

‘Yung tungkol sa nangyari kanina. Gusto ko na sanang umakyat ng kwarto upang magpahinga at para na rin maglinis ng katawan dahil ramdam ko ang panlalagkit nito.

Isama mo pa ‘yung mga kamay kong namamanhid na at halos hindi ko na maigalaw.

“‘Yung ginawa mo kanina. Tell me, why did you do that?” Bahagyang napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya.

Hindi niya ba narinig ‘yung paliwanag ko kanina sa principal? Ang bilis niya naman yatang makalimutan.

Huminga ako nang malalim. “Narinig niyo naman po ang sinabi ko kanina, binully nila ‘yung dalawa kong kaibigan,” ang kalmado at agaran ko ritong sagot.

Kita ko ang pagpikit nito na para bang nauubusan na ng pasensya. “I know, pero dapat hindi mo pa rin ‘yon ginawa! Pa’no kung hindi lang pala ‘yun ang nangyari sa lalaki? Pa’no kung nagkaroon siya ng internal bleeding? Renon, malaking problema kapag nangyari ‘yon! I know you're just doing that to protect your friends, but what you did is not good! Tapos sinagot-sagot mo pa ‘yung principal. Hindi mo dapat dinadala rito ang ugali mo sa probinsya.” Anong sabi niya?

Hindi ko alam pero para akong nabingi sa sinabi niya.

Sinasabi niya ba na kaming mga taga-probinsya ay mahilig makipag-away? ‘Yun ba ang gusto niyang iparating?

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot dahil sa sinabi niya. Nasasaktan ako sa sinabi niya. Ang dating kasi no’n sa ‘kin ay sinasabi niyang takaw gulo ako dahil lang laking probinsya ako.

Parang naging kasalanan ko pang binugbog ko ‘yung lalaking ‘yon. Masama bang ipagtanggol ko ang mga kaibigan ko? Alam ko naman sa sarili kong mahilig akong makipag-away, pero alam ko ang limitasyon ko. Hindi ko alam na mali na pala ang ipagtanggol sila.

Hindi ko mapigilang magsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. “Ano? Sinasabi mo ba na kaming mga laking probinsya ay takaw sa gulo?” Pagtatanong ko rito nang hindi makapaniwala. Alam kong nagiging bastos na ako ngayon sa pagsasalita ko.

“N-no! That's not what I mea--”

Agad kong pinutol ang sasabihin niya. “Pero ‘yun ‘yong dating sa ‘kin! Sa sinabi mo palang na hindi ko dapat dinadala rito ang ugali ko sa probinsya, alam ko na ang gusto mong iparating! Na kaming laking probinsya ay mahilig sa gulo!” Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko at kusa nalang pumatak ang luhang naipon sa mata ko. Umiiyak ako sa harapan niya.

Kung kanina ang tapang-tapang ko sa pakikipagsuntukan pero ngayon pagdating sa harap niya ay nagmumukha akong batang mahina.

Nagiging mahina ako pagdating sa kaniya. Bakit gan’to?

Anong ginawa niya sa ‘kin? Bakit ang hina ko kapag kaharap ko siya?

“R-ren...” Kita ko ang pagkagulat sa mukha nito nang makitang umiiyak ako. Pero hindi ko na ‘yon pinansin.

Ngayon lang ba siya nakakita ng umiiyak na lalaki?

Mabilis kong pinunasan ang luhang dumaloy sa pisngi ko. Pilit kong pinapatatag ang sarili ko sa harap niya kahit parang gustong-gusto ko nang mapaupo at umiyak.

His Forbidden DesiresWhere stories live. Discover now