02

258 11 0
                                    

Please beware of grammatical and typographical errors ahead.
...

LUCIO
--

Renon

Narito ako ngayon sa hapag-kainan at nakaupo sa isang upuan habang kumakain. Kasama ko si Mama... a-at ‘yung boyfriend niyang si Lucio.

Dito niya kami dinala ni Mama upang kumain dahil baka raw gutom na kami.

Ay hindi lang gutom--gutom na gutom.

Pinili kong manahimik habang nakaupo ako. Silang dalawa lang ang nag-uusap, minsan ay sinasali naman nila ako sa usapan pero tipid na sagot lang ang sinasagot ko. Para kasing wala ako sa mood magsalita. Iniisip ko pa rin ‘yung nangyari kanina, may ideya na ako kung ano ‘yung naramdaman ko pero ayaw kong kumpirmahin, natatakot ako.

Alam ko sa sarili ko na kasing straight ako ng ruler, kaso ‘yung malambot yatang ruler ang nabili ko. Tila lumihis ako ng landas nang makita ko siya... At hindi iyon pwede! Kailangan ko siyang iwasan at kailangan kong kalimutan itong pesteng nararamdaman ko.

Siguro maghahanap akong pwedeng jowain dito. Hmm... ‘yung kasambahay kaya kanina?

“—samahan kita, Ren?”

Pero teka, mukhang narinig ko ‘yung palayaw ko ah--

“Hoy! Bata ka! Kinakausap ka ni Lucio,” Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang biglang sumigaw si mama. Ramdam ko ang pagkirot ng ulo ko dahil hinampas ako ni mama ng hawak niyang tinidor. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil mukhang lalabas na ang puso sa gulat. Mukhang papatayin pa yata ako ni Mama. May lahi pa naman kaming may sakit sa puso, kagaya ni papa.

Narinig kong tumawa ‘yung katabi niya pero hindi ko iyon pinansin. Tumingin ako kay mama ng may pagtataka.

“A-ano ‘yung sinasabi mo, ‘M-ma?” Ang nauutal kong tanong dito dahil kita ko ang masama nitong tingin sa akin. Wala sa sariling napa-inom ako ng tubig na nasa tabi ng pinggan ko. Kumakain pa pala ako.

“Tinatanong ka ni Lucio kung gusto mo raw samahan ka niya bukas sa paaralang lilipatan mo.” Napaisip naman ako sa sinabi niya.

Hmm... Kailangan ko siyang iwasan pero kailangan ko rin siya bukas dahil hindi pwedeng samahan ako ni mama dahil pareho kaming bago sa lugar na ito. Baka pareho pa kaming maligaw bukas. Isa pa isang araw lang naman at sa susunod magcocommute na lang ako papunta ro’n. Galing ko talaga.

Tumango lang ako at bahagyang ngumiti, “S-sige po,” sagot ko naman dito bago bumalik sa pagkain.

Maraming nakahandang pagkain sa lamesa. Si Lucio raw ang nagluto nito lahat, sabi niya. Masasabi kong magaling siyang magluto. Masasarap naman. Nakailang kuha pa nga ako lalo na sa adobong luto nito. Alam kong common na ang adobong ulam pero iba kasi ‘yung lasa ng adobo niya. Hindi nakakasawa. Idagdag mo pa na paborito ko ang pagkaing ‘yon. Edi naparami nga ‘yung kain ko.

Wala namang bumawal sa akin kaya todo kain ako. Nagkukuwentuhan lang naman ang dalawa kong kasama at tila hindi nababawasan ang pagkain nila.

Bigay niyo na lang kaya sa akin ‘yan.

Ayaw ko sanang makinig sa usapan nila pero hindi ko maiwasang pakinggan ang pinag-uusapan nila.

Nalaman ko na may sariling business pala itong boyfriend ni mama na si Lucio. Mayroon itong restaurant business at bukod pa ro’n ay nagtatrabaho rin siya bilang isang engineer. Galing ah, isa na siyang chief sa kaniyang restaurant tapos engineer pa. Sipag naman.

Lucio Nikolas Schultz ang buo niyang pangalan. Pati pangalan halatang pangmayaman na. Half Filipino at Half German daw siya. ‘Yung nanay niya ang pinoy habang amerikano naman ang tatay niya. Halata naman sa itsura niya na may lahi siya eh. Sa mata pa lang nitong asul ang kulay ay malalaman mo nang hindi siya purong pinoy.

His Forbidden Desires (ON-HOLD)Where stories live. Discover now